Avian’ POV
“Hello po senyorita” sabi ni Ate Clara sa kabilang linya.
“Hi ate. Kamusta po si mommy?” tanong ko sa kanya. Kauuwi ko lang galing seminar at may three days pa bago ako umuwi.
“Ay senyorita, okay lang naman po. Ang kaso po parang lumalala na ang sakit ni ma’am” aniya. Napabuntong hininga ako saka napainom ng tubig.
“Pinainom niyo na po ba ng gamot?”
“Yes senyorita”
“7pm na. Anong ginagawa ni mommy?”
“Natutulog na po sa taas. Kasama yung pinakuha ni sir na personal nurse daw po ni ma’am” aniya. Napaayos ako ng upo dahil sa narinig.
“May nurse na kinuha si dad?” tanong ko.
“Opo. Nong nalaman po ni sir na umalis kayo may tinawagan po siyang nurse para tingnan si ma’am. Saka senyorita nitong mga nakaraang araw nakikita kong laging may lipstick ang damit ni sir. “ aniya. Napakunot ang noo ko.
“Lipstick?” tanong.
“Opo. Kapag kukuha ako ng labahin sa taas lagi kong nakikita. Napapansin ko rin na halos madaling araw ng umuuwi si sir dito. Naaalimpungatan ako sa tuwing maririnig ang sasakyan niya” aniya.
Napatayo ako saka nag umpisang magtaka na naman. Hindi nag lilipstick si mommy dahil bawal sa kanya dahil may allergy siya don. Kaya kaninong lipstick yun?
“Sige ate. Keep observing dad. Paki bantayan rin si mommy mag uusap nalang kami nong nurse na nurecruit ni dad pagdating ko diyan” ani ko.
“Sige senyorita. Ingat po”
Naiwan na naman akong nag iisip. May babae si dad? Napahilamos ako sa aking mukha saka pabagsak na umupo. Sobrang dami ko ng problema dumagdag pa to. Papikit na ang mata ko ng mag ring ang cellphone ko.
Si Tessa tumatawag.
“Hi ma’am” magiliw na bati niya. Napangiti ako.
“Hi Tessa”
“Hala ma’am patulog kana po ba?”
“Ay hindi. Anong kailangan mo? Okay na ba tatay mo?
“Medyo okay na po. Saka ma’am salamat po sa napakalaking tulong mo nagawa na po ang bahay namin” napangiti ako. Pinaayos ko ang kanilang bahay dahil alam ko na hindi makakapag aral ng maayos si Tessa kapag ganoon kaliit ang bahay nila.
“Hello, Ms. Mercedes. Long time no see” masayang salubong sa akin ng foreman kasama ang ibang construction worker.
“Hi Miss Avi”
“Good morning Ma’am”
“Uy si ma’am”
“Good morning Mr. Ventre” nakangiting ani ko saka lumapit sa kanila.
“Ano at naparito ang magandang anak ni Mr. Mercedes?” nakangiting tanong ni Mr. Ventre kaya natawa ako.
“May ipapa-renovate lang ho akong bahay. Heto po ang lay-out na ginawa ng personal architect ko” ani ko sabay abot sa kanya ng blueprint. Ang bagong bahay nina Tessa. Kinuha niya ‘yon sakin at tiningnan.
“Okay. Sisimulan na namin agad-agad para matapos na. Malakas ka sa amin e, diba guys?” tanong niya sa mga kasamahan dahilan para maghiyawan ang mga ito.
Matapos kong makipag usap sa kanila ay pumasok na ako sa school kasi may dadaanan akong gamit. After ay pumunta ako ng mall para mamili ng school supplies, ibibigay ko sa buong section ko para ganahan sila na mag aral. My father is not a politician nor my mom, both of my parents are successful business and they raised a child who’s also a successful teacher. Mommy taught that as long as you know how to help everyone to motivate them they will see you as an inspiration to continue and pursue their dreams. We have to be a good example for children.
Napangiti ako habang pauwi, nagmamaneho ako pauwi sa bahay. Alam ko na padating na ang kuya ni Tessa bukas kaya naman patutuluyin ko muna sila sa bahay. They maybe spend a month in our house para pagbalik nila ay okay na ang bahay nila.
“Good afternoon po ma’am” bati sakin ng guard, ngumiti ako at binati ko rin siya ng good afternoon. Pumunta ako sa kwarto ni Tessa at hindi ko inaasahan na andon si mommy na masayang inaayusan ng buhok si Tessa. Napangiti ako.
“Good afternoon” ani ko saka inilapag ang dala kong pinamili sa isang gilid.
“Anak, pantay ba?” tanong niya. Lumapit ako sa kanya at hinaliman siya sa pisngi.
“Yes mom” ani ko. Tumingin ako kay Tessa at hiningi ang number ng kuya at mama niya. Tinawagan ko sila para ipaalam ang ginagawa ko sa bahay nila. Binigyan ko rin ng tulong na pampa-gamot ang tatay ni Tessa para maka-recover.
“Okay lang yun. Deserve mo yan basta mag aral ka ng mabuti ha?” nakangiting sabi ko kay Tessa sa cellphone.
“Opo ma’am. Babayaran ko pong lahat ang mga utang na loob ko sa inyo balang araw. Magsisikap po akong mag aral”
“Good.”
“Tessa, anak. Kumain kana alas otso na” sigaw ng nanay niya sa kabilang linya. Napangiti ako.
“Sige na Tessa. Kumain kana. Baka magalit ang mama mo kapag hindi ka kumain”
“Opo. Bye ma’am. Ingat po”
Tumayo na ako at pumasok sa kwarto para matulog. Kumain naman na ako kanina sa labas at saka walang stock dito sa apartment. Pag uwi ko nalang susulusyunan ang lahat.
“Sir Rio? Pwede bang pasabay pag uwi?” tanong ko sa kapwa ko teacher na kasabayan ko sa seminar.
“Hi Miss Avi. Sure pwede naman” aniya saka ngumiti. “O mukhang hirap na hirap kana dyan sa dala mo. Ako na ang magdadala niyang bag mo” aniya saka kinuha sa akin. Ngumiti ako.
“Salamat”
Sabay kaming lumabas ng room at saka sumakay ng kotse niya.
“Saan ba dito apartment mo?” aniya sa akin.
“Dito. Iliko mo lang saka diritso” ani ko.
“Thanks sir Rio” sabi ko saka bumaba dala ang mga gamit ko.
“Sure. Anytime Miss Avi.” Aniya.
Napabuntong hininga ako bago pumasok sa loob. Mag cocommute nalang ako pag uwi sa bahay. Tapos na ang seminar kaya pwede na kaming umuwi bukas pero dahil nag wworried na ako kay mommy at sa situation ni dad uuwi ako ngayong gabi.
Nag impake ako saka pinaglalagay ang mga tsokolates o pasalubong sa isang bag. Bali dalawang maleta ang dala ko isang mga gamit ko saka mga pasalubong sa mga bata, kay Anima, sa bahay. Pumara ako ng taxi saka ibinigay ang address. Hindi naman na tatawid pa ng dagat kaya ang kotse siguro ay okay na. Aabutin nga lang ng 12 hrs ang byahe.
—•—
“Thank you kuya” ani ko sa driver. Tinulungan niya akong ibaba ang mga gamit ko.
Alas dose na ng hapon ako nakarating halos 11 pm na kasi nong umalis ako. Tirik na tirik ang araw tiningnan ko ang bahay mula sa gate. Tahimik hindi na gaya ng dati, napabuntong hininga na naman ako saka naglakad dala ang maleta. Nang mapansin ako ng guard ay tinulungan niya ako sa pag dadala hanggang sa makapasok sa loob.
“Senyorita!” sigaw ni ate Clara na nasa kusina nagluluto. May dala siyang sandok at saka dali daling lumapit sakin. Ngumiti ako kay ate Clara saka kinuha ang inabot niyang juice.
“Buti andito na po kayo” aniya
“Bakit? May nangyare ba?”
“Si ma’am po napansing kong umiiyak pag gabi. Malala na po kasi ang sakit niya siguro dahil don kaya siya umiiyak.” Bumalatay ang pag aalala sa dibdib ko. I’m sure na hindi si mommy iiyak dahil sa sakit niya kundi dahil sa sakit ng kanyang puso. Alam kong alam ni mommy ang nangyayari kay Daddy. Napabuntong hininga ako saka hinarap si ate Clara
“Kumain na ba si mommy?”
“Hindi pa po senyorita.”
“Ako na mag hahatid ng pagkain niya”

YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?