CHAPTER 19

3 0 0
                                    

Avian' POV

Umiiyak ako sa kotse pero alam ko na naiintindihan iyon ni Manong Tino dahil sa daan lamang siya nakatutok. Napansin ko ang kotse ni dad na sumusunod sa amin kaya naman pinunasan ko ang aking luha saka seryosong tumingin sa salamin.

"Pakibilisan po ng pag dadrive kuya" ani ko. Tumango si Mang Tino saka nag drive ng mabilis. Nang marating ang bahay ay agad kong kinausap ang guard.

"Kuya"

"Yes po, senyorita?"

"Wag ka pong magpapasok ng kung sino at anong kotse nang walang permiso ko"

"Yes po." aniya saka sumaludo pa.

Rinig na rinig ko na ang ingay ng mga bata sa loob dahil narito pa ngayon sina tito Andy at Andrew, next week pa ang uwi nila para matulungan nila daw muna ako at mabantayan. Sumalubong sa akin pagpasok ay si tita Soli—asawa ni tito Andy. Agad niya akong binati ng ngiti kaya naman ngumiti rin ako.

"Did you cry?" aniya ngumiti lang ako at lumapit sa kanya para bumeso.

"No. I'm not" ani ko.

"Don't deny it hija. I know you too well" aniya saka hinawakan ako sa kamay.

"I'm okay tita"

"Are you sure—"

*DING DONG *DING DONG

Parehas kaming napalingon ni tita sa glass wall para tingnan kung sino iyon. And there I saw daddy together with Anima, na nagpupumilit pumasok.

"I need to inform Andy and Andrew about this" ani tita saka nagmamadaling umakyat sa taas. Pipigilan ko sana siya pero mabilis siyang tumakbo. Huminga ako ng malalim saka lumabas matapos mailapag ang mga gamit ko.

"Anong nangyayari dito?" ani ko kahit alam ko na.
"Ma'am nagpupumilit po silang pumasok. Kakausapin ka raw po" ani ng guard.

"Pauwiin mo na sila kuya" ani ko saka naglakad ulit papasok.

"Avi please magpapaliwanag ako" sigaw ni Anima saka umiyak.

"Anak..."

Napatigil ako at nilabanan ang emosyon na namumuo sa aking dibdib.

"I will give you 10 seconds to explain. Now Go!" ani ko saka humalukipkip habang nakatingin sa relo ko.

"Avi. Please I'm sorry that's unexpected—"

"Stop. Ten seconds done you may go home now!" ani ko. Nakita ko si dad na halos namumula na ang mukha kaya iniiwas ko ang tingin sa kanya para hindi madala ng emosyon.

"What the heck is happening here?" galit na sigaw ni tito Andrew. Naka business suit pa ito siguro ay galing sa company namin. Nasa likod niya si Tito Andy, tita Soli at tita Roxan (asawa naman ni tito Andrew)

"What are you doing here, you motherfucker?!" galit na sigaw ni tito Andrew ng makita si Daddy. Si tito Andy ang nagbukas ng gate, dali dali itong lumabas at nagulat ng bigla na lamang nitong suntukin si Daddy.

Agad lumapit si tita Soli sa kanyang asawa para pigilan ito habang si Ani naman ang tumulong kay Daddy para alalayan ito. Napatigil ako ng hawakan ako ni tita at ni tito Andrew sa magkabilang braso. “Kailangan kong makausap ang anak ko Andy umalis ka dyan!” matigas na sabi ni Daddy pero sinuntok na naman ito ni tito.

Gumanti si Daddy ng suntok kaya naman halos magkandaugaga na mag awat si Ani at si tita Soli sa dalawa. Hindi kumibo si tito Andrew kahit na dumudugo na ang nguso ng kapatid niya.

“This is my family's matter, don't interfere with our business!” sigaw ni daddy.

“I'm also part of this family, bullshit!” ani naman ni tito Andy.

"Please stop it Meo!" ani naman ni Anima saka tumingin sa akin na para bang nanghihingi ng tulong pero umiwas ako.

"Ganyan kana ba talaga Avian? Wala ka ng pakealam sa daddy mo? Okay lang kahit sakin wala na pero sana naman sa Daddy mo meron kasi ama mo pa rin siya!" sigaw ni Anima. Lumakad si tita Roxan na nakahalukipkip at huminto sa harap ni Anima.

Napatakip ako sa bibig ng bigla niya itong sampalin ng malakas dahilan para lumingon sa kabilang side si Anima.

"You are bitch!" ani tita Roxan.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now