CHAPTER 30

1 0 0
                                    

Avian' POV

"I'm sorry ate Clara. Andami kasing papeles na kailangang permahan at ia-approve. But I have some cakes on my car, Mang Tino will just carry all of those and I know Ate Maris and ate Delya likes it" ani ko.

"Talaga ba ma'am?" masayang ani ate Delya saka tumingin sa labas.

"Ay andito na nga!" Sigaw niya saka tinulungan si Mang Tino.

Nakaupo si dad sa upuan habang nakangiti na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at bumeso.

"You looked stunning on your business suit anak. Nakikita ko ang mommy mo sayo tuwing uuwi ka ng bahay galing sa trabaho. Hanggang ngayon ay pinag sisisihan ko pa rin ang pagsama kay—" inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig niya.

"Huwag mo na pong banggitin dad. Baka mawalan lamang tayo ng gana mag celebrate ng birthday ni ate Clara kapag babalikan na naman natin ang nakaraan" aniko

"Manang mana ka sa mommy mo hahaha" aniya saka uminom ng champagne.

"Malamang anak niya ako dad" aniko. Saka tumawa din.

"Heto na ang cakes" pakantang sabi ni ate Maris saka inilapag sa mesa. Bali tatlo kasi ito na inorder ko habang pauwi na ako.

Nakaupo si daddy sa dulo habang si ate Clara naman ay sa bandang kaliwa at sa bandang kanan naman ang dalawa pa na sina ate Delya.

"Ah Tino, sumalo ka na sa amin dito. Marami naman ito pwede kang magdala sa iyong pamilya mamaya pag uwi mo o pwede mo naman silang tawagin total naman ay malapit lamang ang bahay niyo dito" ani ni Dad. Napatingin kami kay Mang Tino na alanganin pa kung sumagot.

"Sige sir. Magdadala na lamang po ako sa kanila. Ahm Happy birthday pala Clara" aniya saka umupo sa bandang tabi ni Ate Maris.

"Salamat" ani ate Clara sabay abot ng isang glass of wine dito.

"Magbibihis muna ako" aniko saka umakyat sa taas.

————

"Dad, wag kana pong masyadong magpakalasing. Baka mapasama yan sa inyo" concern na sabi ko saka siya inalalayan.

"Oo nga anak. Pupunta na ako sa kwarto ko at magpapahinga. Total ay hahayaan ko muna kayong magsaya dito" nakangiting ani niya saka inayos ang buhok ko.

"Hatid na kita dad"

Habang naglalakad ay nakaalalay lamang ako sa kanya. Nakahawak ako sa braso niya habang umaakyat ng hagdan. Gaya ng napagkasunduan namin ay sa dating kwarto na lamang siya matutulog. Ginawa kong for only one person lang ang kama gaya ng gusto ni Dad. Pinalitan ko rin ng theme ang kwarto dahil naaalala daw niya ang kasamaang ginawa niya kay mommy. But I said na kasalanan naman lahat ni Anima so siya dapat ang magsisi at hindi si Dad.

Dahan dahang humiga si daddy at saka ko lamang kinumutan ng makahiga.

"Anak. I'm sorry and thank you for all your bravery to face everything" aniya kaya naman ngumiti ako at hinalikan siya sa noo "It's okay now. You can now rest Dad. Goodnight" ani ko bago umalis at patayin ang ilaw. Tanging lampshade niya lang ang bukas.

Napabuga ako ng malalim na buntong hininga sa nangyari ngayon. Pero masaya ako. Masaya ako na ayos na kami ni Dad pero mas masaya kung andito si mommy.

"Senyorita, may tumatawag po. Kakausapin ka daw" sigaw ni ate Clara. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang telepono sa kamay niya.

"Ate, magpahinga ka na po muna wag ka na pong magpakalasing" ani ko sa kanya pero tango lang sinagot niya. Lasing na nga.

Hindi ko na muna siya pinansin at kinausap ang nasa kabilang linya.

"This is Avian Mercedes speaking who's this?"

"Avi baka naman pwede mo akong tulungan. Yung bahay namin kailangan ng pera para hindi kunin ng bangko samin. Wala na kaming ibang titirhan bukod doon." base sa gantong senaryo ay alam ko na agad kung sino ang caller.

"Wala po akong maibibigay sa iyo dahil kailangan din po ng kompanya ko ang pera." ani ko.

"Kahit tatlong milyon lang?" aniya

"Malaki pong halaga ang gusto niyo. Pasensya wala na po akong magagawa. Marami pa po akong gagawin. Bye!" ani ko saka binaba ang Telepono. Saan niya nakakuha ang number ng bahay?

Ako na mismo ang nag utos sa bangko sa Danao na kunin na ang bahay nila kung walang perang pambayad. Tapos sakin siya manghihingi. Ano sila, charity? My gosh 3 million? Ano akala niya maliit lang yun. Pag pera nga naman ang pag uusapan walang malaki, walang maliit magkaroon lang.

Bumalik ako sa dining saka uminom din kasama sina ang tatlong kasambahay pero may mga tama na ang mga ito. Si Mang Tino naman ay umuwi na dahil alas dose na rin ng gabi.

Umuuwi siya every 12 midnight dahil pwede namang lakarin ang bahay nila dito sa amin. No need to take a cab.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now