Avian’ POV
“Hahahaha uy gagi” tawa ko ng makita sa screen si Ani na may hawak na baby. Nakasuot siya ng mahabang dress at parang kaliligo niya lamang.
“Avi!” aniya. Galit na galit ang mukha pero hinehele niya ‘yong kapatid niya.
“Mukha kang nanay hahaha” gatong ko pa.
“Avi huwag mo ngang lakasan ang pagtawa mo! Nagigising ang bata!” aniya saka siniyaw ang baby. Huwag ko daw lakasan pagtawa ko pero siya ‘yong maingay.
“Okay.” Sabi ko.
Pinanood ko lang siya na ginagawa iyon. Mas maganda sana kung andon ako para mas mapikon siya pero hindi naman pwede dahil hindi ako pwedeng umabsent sa school, kaya sa video call muna kami nag uusap.
“Oh Hi Avi andyan ka pala, kamusta kana?” singit ni tita ng mapadaan siya. May dala siyang baby bottle at gatas. Umupo siya sa harapan kaya natakpan si Ani.
“Okay naman po. Kayo po?” nakangiting ani ko.
“Okay lang din naman. Heto at may baby” aniya na nakangiti rin. Nilalagyan niya ng tubig ‘yong bottle at saka nilagyan ng gatas.
“Ano pong pangalan niya tita?” tanong ko. Excited na malaman.“Hindi ko nga alam e. Nag iisip pa ako.” Aniya. Akala ko dapat kapag kapanganan ay meron nang nakahandang pangalan.
“ANO NA NAMAN TO? GANTO NA NAMAN ANG ULAM? WALA NA BANG IBA!” sigaw ng isang tao sa likod ni tita. Is that her new husband? Nagulat si tita saka napatingin sa likuran niya. May narinig akong nabasag na pinggan o baso at iyak ng sanggol kaya bumalatay ang kaba sa dibdib ko.
“Tita, ano pong nangyayari?” nag aalalang tanong ko. Hindi ako pinansin ni tita, tumayo siya at nakita ko si Anima na pinapatahan ‘yong batang kalong niya. May dumaan na lalaki at galit na tumigil sa harapan. Nagulat ako ng sampalin nito si tita, napahawak ako sa bibig.
“Ano ba Nestor!” angil ni tita na parang hindi nasaktan sa ginawa sa kanya, sinabunutan nong lalaki ang buhok niya saka ipinakita ang dalang pinggan.
“ITO BA? ITO BA ANG IPAPAKAIN MO SAKIN?!” sigaw nito sa mukha ni tita. Umiyak si tita. Walang reaction si Ani habang nakatingin sa kanyang nanay at step father. Nakita ko naman na napasulyap si tita sa akin kaya mabilis niyang tinulak ‘yong asawa niya at pinatay ang tawag. Nag try akong tawagan ulit pero hindi na sumasagot. Nag aalala na ako. Ganun ba ang buhay ni tita sa kamay ng bago niyang asawa? Kaya ba mabilis na nag ask ng leave si Anima dahil don?
Kaaanak palang ni tita pero sinasaktan na agad siya. O sadya talaga siyang sinasaktan aayaw niya lang mag sumbong sa mga pulis?
Napahilamos na naman ako ng mukha at saka napasandal sa upuan. Hinayaan kong bukas ang aking laptop.
“Anak? May problema ba?” napatingin ako sa harapan ko ng magsalita si mommy.
“Wala mom. Kamusta po pakiramdam niyo?” tanong ko. Pumunta siya sa likuran ko saka minasahe ang balikat ko.
“I’m okay anak. You should rest, napapansin kong parang marami kang iniisip lately. About ba sa school?” tanong niya.
Aaminin ko na medyo gumaan ang pakiramdan ko dahil sa ginagawa ni mommy pero sa tuwing maiisip ko ang sitwasyon ni tita at Anima ay hindi ko mapigilan na mag alala.
“About po kay Ani mommy. Nalulungkot po ako kasi wala akong kausap sa school hindi ko naman ka close yung ibang teacher don.” Ani ko. Tumawa ng mahina si mommy kaya tumingala ako para tingnan siya.
“Hindi ko pa nakikita yang kaibigan mo ah. Parang hindi ka sanay na wala siya sa tabi mo. Ang swerte naman niya dahil naging kaibigan ka niya” ngumiti si mommy ng sabihin iyon. “Kapag may time ay papuntahin mo siya dito sa bahay para ma-meet ko” masayang sabi niya. For sure ay ipagyayabang na naman niya ang bago niyang recipe saka tumango tango ako.
“Paano naman naging swerte siya mommy?” tanong ko saka tumingin sa laptop.
10 minutes ago ang nakalagay sa status ni Anima.
“Dahil mabait ka anak. Totoo. Loyal. Alam kong hindi lang kaibigan ang magiging swerte pati na rin ang magiging asawa at anak mo. Nasa iyo na ang lahat” aniya pa.
“Hindi naman po lahat mommy” aniko sa medyo tumawa.
“Kailan ko kaya ma memeet ang best friend ng aking anak? Excited na akong ipatikim sa kanya ang bago kong recipe” aniya maririnig mo talaga ang excitement sa boses niya kaya natawa ako ng mahina. So cute.
“Mommy, wala siya dito. Saka alam mo naman iyon aayaw na pinipilit. Ilang beses ko na siyang sinabihan na pumunta dito pero busy kasi siya sa pag tatrabaho. Alam mo naman po ang daming ginagawa ng teacher di ba?” ani ko. Saglit na napaisip si mommy.“Kahit pa. Dapat may laan siya ng oras to meet me and your dad. Para makilala rin namin siya ng personal.” ani mommy.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
De TodoA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?