CHAPTER 17

3 0 0
                                    

Avian’ POV

Nangangatal ang aking mga labi kasabay ng pamamalisbis ng aking luha. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung maniniwala nga ba ako sa narinig ko. No. I’m sure. 100 percent sure that it was my father.

And the only question running into my mind, WHY?

Kinuha ko ang aking mga gamit saka ang susi ng kotse ko. Nagmamadali akong lumabas ng campus saka tumungo sa parking lot at pinaandar ka agad ang makina.

I need to see my dad and my friend.

Nanginginig ang aking kamay sa pagpunas ng luha ko. May part sakin na hindi naniniwala sa narinig kasi hindi ko pa naman nakikita ng dalawa kong mata pero may part din sakin na naniniwala ako dahil kilala ko ang daddy ko.

Mabilis akong nakarating sa airport. Yes, nag eroplano sila. Iginilid ko muna ang kotse at hindi lumabas.

Kaya ba nasa office ni dad ang favorite notebook ni Ani?

Kaya ba may scent ni Ani ang panyo na nakuha sa company?

Bakit ngayon ko lang narealize? Naiumpog ko sa manibela ang aking ulo. May alam ba si mommy dito? How about Ani? Alam niya ba na ang daddy ko at ang Meo niya ay iisa?

Trimeo Mercedes is also Meo. Bakit ngayon ko lang rin napansin na galing pala ang pangalan na Meo sa Trimeo?

Shit!. Ang bobo ko.

Iniangat ko ang aking ulo at inilibot ang paningin. Nasa may tapat ako ng entrance para makikita ko kung sino sino ang mga dadaan.

Mag iisang oras na ako na nasa ganoong posisyon ng lumabas si sir Rio kasama ang mga teachers na nag meeting. Naningkit ang aking mata ng makitang wala ni anino ni Anima na naroon.

Nag hintay pa ako ng mahigit 30 minutes kasi baka nalate lang pero wala talaga.
So, tama ako?

Napahampas nalang ako sa manibela sa galit at sakit.

Biglang nag ring ang phone ko kaya naman agad ko itong sinagot ng makitang si ate Clara ang tumatawag.

“Senyorita si ma’am” umiiyak na sabi niya.

—•—

Halos paliparin ko na ang kotse sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Nang makarating ako sa hospital ay agad kong tinungo ang kinaroroonan ni ate Clara.

“A-Ate, s-si mommy?” nauutal kong ani saka nagsimula ng tumulo ang luha ko.
Umiling si ate Clara saka yumuko na alam kong pati siya ay umiiyak na rin.

“Nasa morgue na siya” pumipiyok na ani Ate Clara.

Halos manlambot ang tuhod ko sa narinig mabuti na lamang at agad akong niyakap ni ate Clara. Medyo mataas siya sa akin kaya naman ayos lang sa kanya.

“Kailangan po itong malaman ni sir” aniya pero before ako umang ay mabilis siyang lumabas at kinuha ang cellphone niya.

Why? Bakit ito nangyari? Napaupo ako sa chair na malapit sa akin, ang mga sandaling kasama ko si mommy, masaya at ngumingiti ang nanalatay sa utak ko. Mabilis akong lumabas ng hospital, napatingin ako sa langit na madilim at ang unti-unting pag patak ng ulan.

“AHHHH!” sigaw ko, hindi alintana ang basa kong katawan at lamig.

“BAKIT?, BAKIT SI MOMMY PA?!!” napaupo ako saka sumandal sa punong malapit sa akin. Ang ulang pumapatak kasabay ang bumubuhos na ulan, ang sakit na aking nararadaman dahil sa pagkawala ni mommy at ang pagtatraydor ni daddy.

Napataas ang aking tingin nang hindi ko maramdaman ang patak ng ulan. Ang taong kinasusuklaman ko ngayon ay nasa aking harapan. Inis akong tumayo saka siya seryosong tiningnan.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now