Ani's POV
Tulog na si Meo ng dumating ako, namumugto pa rin ang mata niya siguro dahil walang gustong kumausap sa kanya sa bahay nila noon. Napatingin ako sa aking bag ng mag ring iyon.
Mama's calling...
"Hello, ma!" ani ko saka lumabas ng kwarto.
"Anak, sinisingil na tayo ng bangko. Kahapon naka dalawang balik sila dito kapag hindi pa tayo nakabayad ng sampong milyon ay sa kanila ang bahay na ito. Anak, bagong bili mo lang itong bahay na ito para sa amin ni Nestor at ng kapatid mo ayaw ko naman na bigla na lamang itong mawala"
"Ma, dadalawang milyon lamang ang nasa bank card ni Meo—"
"Pwes, sabihin mo diyan sa boyfriend mo humingi sa dati niyang asawa ng pera para sayo! Akala ko ba mahal ka niyan? Malamang, gagawin niyang lahat para sa iyo. Landiin mo para makahuthot ka pa ng pera!"
"Ma, wala na ang asawa niya—"
"E di mabuti! Mas makakahanap siya ng paraan para makakuha ng pera sa bank card ng asawa niya. Di ba mayaman naman iyon? Ibig sabihin mayaman na rin si Meo! Hindi kita pinalaki na ganyan kakupad kumilos Anima! Kailangan na natin ng pera! Paubos na rin ang gatas ng kapatid mo!"
"Gagawa po ako ng paraan, Ma!"
"Dapat lang! Naibenta ko na rin ang katawan ko dati siguro ko naman ay kaya mo rin iyon kapag hindi ka binigyan ng pera ni Meo. Kapag nanagyari iyon, hiwalayan mo na yan!"
"Ma, sige na matutulog na ako. Hahanap nalang ako ng paraan bukas. Ihuhulog ko na ang dalawang libo sa bangko diyan sa Danao"
"Sige anak!"
Pinatay ko ang cellphone at saka tumingin sa pintuan ng kwarto namin ni Meo. Kailangan ko siyang utuin or pwede akong lumapit kay Avian—ow patay na nga pala siya. Napaturo ako sa aking baba saka napangiti sa aking isipan.
Alam ko ang pasikot sikot sa mansyon nila dahil ilang araw din akong nakapasok doon bilang personal nurse ni Amanda. Scratch that— pretended personal nurse what I mean. Kamusta na kaya yung nurse na pinukpok ko sa ulo? Buhay pa kaya hanggang ngayon? Hmmm balita ko nasa ospital ito at comatose.
Pumasok ako ng kwarto at saka nagpalit ng damit. Kailangan kong akyatin ang bahay nina Avian, dahil alam kong may guard sa labas, sa likod ako dadaan. Dahan dahan akong naglakad sa masukal na daanan. Alas dose na kakaunti nalang ang ilaw na bukas, siguro ang lahat ay tulog na or naghahanap na sa nawawalang si Avian.
Pumasok ako sa back door at saka dahan dahang naglakad. Tinitingnan ang bawat paligid kung may tao o wala. Hanggang sa pag apak ko ng hagdan ay dahan dahan rin para hindi ako makalikha ng anumang ingay. Nang matunton ko ang kwarto ni Avian ay pinihit ko ang door knob. Shit naka-lock. Tinry kong buksan gamit ang hairpin ko and *click. Bumukas. Napangiti ako at dahan dahang pumasok.
Madilim sa kwarto. Kailangan ko pang iadjust ang mata ko para makakita sa dilim. Nang sapat na ang aking nakikita ay binuksan ko ang lampshade na nasa side ng kama. Isa isa kong binuksan ang drawer at hinanap ang bank card or credit card man lang niya. Pati bag niya ay pinakialaman ko rin pero wala. Wag mong sabihing dala dala niya?
Inisip ko kung saan niya pwedeng itago ang mga iyon? Saan?
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?