Avian’s POV
I’m Avian Mercedes, Avi for short. Grade ten teacher.
“Good morning class!” masayang bati ko sa mga estudyante ko pagpasok ko sa classroom.
“Good morning Ma’am Avi!” bati nila sa akin pabalik. Napangiti ako sabay lapag ng libro sa lamesa.
“Sitdown. So open your book on page 79 and answer the following question after you read the articles!” ani ko saka tiningnan ang mga bata na aligaga sa pagkuha ng kanilang mga libro.
“Ma’am, nalimutan ko po ang libro ko!” sabi ni Tessa.
“Maki-share ka muna kay Enjay—”
“Yieeeeee” sigaw ng mga estudyante.
Nakita kong namula ang mukha ni Tessa. Napayuko ito na siyang ikinangiti ko.
“Quiet class!” sigaw ko.
“Aviiiiiiii!” matinis na sigaw ng aking kaibigan.
“Anima, lessen your voice! sigaw ni Sir Raffy. Dumaan kasi siya sa room ng grade 11 at dahil medyo strict si sir ayaw niya ng maingay.
“Hahahahaha, baliw ka bakit ka kasi sumigaw?” natatawang sabi ko. Yumakap sa braso ko si Ani saka sabing.
“Libre mo ko ng lunch!”
.
“Mommy!” sigaw ko paglabas ko ng kwarto ko. Dala ko ang laptop at ipinakita ang news kay mommy na ngayon ay nagluluto nang dinner.
“Ano ba yun anak? Ako’y aatakihin sayo!” aniya dala ang sandok at nagkakamot sa ulo.
“Tingnan mo Mommy pangatlo ang company natin kyaaaahhh!” ani ko saka tumalon talon na parang bata.
Nakangiti si mommy saka ako sinaway.
“Mommy, ang galing mo. Proud ako sayo!” aniko saka siya niyakap.
“Ano ba anak, mangangamoy adobo yang damit mo!” aniya saka kinalis ang mga braso ko sa kanya.
“Avi ah, tigil tigilin mo pag nguso nguso mo yan. Para kang baboy hahaha!” aniya saka tinalikuran ako at pumuntang kusina.
“Mommy! Hindi ako baboy! Saka congrats sa iyo mommy!” sigaw ko.
“Sabihin mo rin yan sa daddy mo!” sigaw niya pabalik.
“Basta hindi ako baboy mommy!” sigaw ko pa pero tawa lang niya ang narinig ko.
Paakyat na ako para pumunta sa mini office ko dito sa bahay ng may biglang nag doorbell.
*ding dong *ding dong *ding dong
“Ako na po ate Clara!” ani ko saka nagmamadaling lumabas.
Pagbukas ko ng gate tamambad sa akin ang isa sa estudyante ko.
“Tessa?” ani ko.
Nakayuko ito at parang umiiyak. Tumingin ako sa paligid dahil baka may nam-bully sa kanya pero wala. Sasakyan lamang ang nakikita kong dumadaan at walang tambay.
Pinapasok ko ito sa loob at saka pinaupo sa living room.
“Ate Clara, pahingi nga po ng tubig!” ani ko sa isa sa katulong namin.
“Tessa. Anong nangyari?” tanong ko sa bata.
Nagkukutkot lamang siya ng kanyang kuko at nakayuko.
“Tessa. Sige na. Ikwento mo sakin ang nangyari sayo. Bakit ka ganyan?” ani ko pa saka siya nilapitan. Umupo ako sa tabi niya.
“Salamat ate!” ani ko nang dumating na ang tubig. Ibinigay ko iyon kay Tessa na siya namang kinuha ng bata pero hindi ininom.
Napansin kung baliktad pala ang damit na suot niya at medyo magulo ang buhok.
“Tessa.” Pagkuha ko sa atensyon ng bata pero hindi pa rin ito tumitingin ng diritso sa akin.
“Estudyante mo, anak?” napatingin ako sa likod ko ng magsalita si mommy.
“Opo.” Aniko at pinanood si mommy na umupo sa katapat naming couch.
“Bakit ganyan ang itsura niyan?, Binully ba?” tanong ni mommy.
“Hindi ko rin po alam mom.” Mahinang sabi ko.
Kinuha ko ang baso ng tubig sa kamay ni Tessa saka iyon inilapag sa table. Hinawakan ko ang kamay niya at napakalamig non.
“Tessa. Tell me. Anong nangyari sayo?” mahinhin kong tanong.
Unti unti niyang itinaas ang kanyang ulo. Puro pasa at sugat. Napasinghap kaming dalawa ni mommy.
“Sinampal po ako ni ma’am at m-muntik n-na p-po a-akong magahasa s-sa d-daan.” Aniya saka umiyak ng umiyak.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?