CHAPTER 20

7 0 0
                                        

Avian' POV

Tigalgal sana akong lalapit ng mahigpit akong hawakan sa braso ni tito Andrew.

Anima.

Daddy.

Napatungo ako sa pinagsamang awa at galit pero kailangan kong maging matatag para sa sarili. Kailangan kong harapin ang mga ito.

Tita Roxan is nice person kung nice rin ang  attitude mo towards her. She's a Filipino pero pumunta ng London nang mapang asawa si tito Andrew.

“Teacher ka ba talaga?” tanong ni tita kay Anima.

“Hindi ba obvious? I'm wearing teacher attire!” mataray na ani Anima. Nagulat ako, I know her attitude, hindi siya sisigaw at magtataray kapag mas matanda ang kaharap niya

What? May ganito siyang side?

“Bakit ang bobo mo?” straight forward na tanong ni tita.

Nakita kong agad rumesponde si Daddy kaya naman bago pa ito makapagsalita ay kinuha na ni tito Andy sa pamamagitan ng paghikit kwelyo at saka ito dinala sa backyard ng bahay. Naramdaman kong kumalas ng hawak ang tito Andrew ko at sumunod ito kina daddy.

Humalukipkip naman si tita Soli saka pumunta sa harap ni Ani.

*PAK

"TITA!" napasigaw agad ako dahil sa sobrang gulat. Dinuro na ni tita Soli si Anima kaya naman hinila ko na ang dalawa kong tita at nagpatulong sa guard na ilayo na si Anima.

"Umalis kana!" matigas na ani ko kay Anima. Tulala lang ito ng ilang segundo hanggang sa marealize niya ang sinabi ko. Agad itong tumakbo hindi palabas kundi papunta sa backyard at alam ko na ang pupuntahan niya.

“Kuya pakisundan sila sa backyard, paalisin mo na po sina daddy!” ani ko.

Hindi nagsalita sina tita habang hawak ko ang kanilang magkabilang braso. Alam naman nila ang nararamdaman ko at kung bakit ko ito ginawa kaya hindi na sila nag reklamo.

—•—

"Ate Clara patulong po paglalabas ng mga gamit sa kwarto ni mommy. Ipapa renuvate ko na po itong kwarto para gawin na office ko" ani ko. Saturday ngayon kaya may time pa ako para maglinis sa bahay. Monday to Friday kasi ang pasok ko sa company bilang manager muna.

"Sige po." Aniya saka inilapag muna ang pamunas saka sumunod sa akin sa taas.

3 weeks na itong di ginagalaw o nalilinisan muna dahil ayaw ko, naaalala ko kasi si mommy pero ngayon naka move on na ako. Tanggap ko na. May mga bagay talaga na kailangan natin tanggapin in order to feel better. Tatanggapin pero hindi kalilimutan.

Sinimulan muna naming linisan isa isa. Hawak ni ate Clara ang walis tambo pero naisip ko na hindi namin ito kaya kung dadalawa lamang kami.

Lumabas muna ako saglit habang abala sa pag lilinis si ate Clara. Bumaba ako ng hagdan at tinawag ang dalawa pang katulong.

"Mga ate, patulong po muna sa taas" ani ko saka kinuha ang iniwan na pamunas ni ate Clara.

"Mamaya niyo na po iyan gawin" ani ko saka ngumiti.

"Si ma'am naman kapag ngumingiti nakaka good vibes"

"Nakakatomboy"

"Hahahaha"

Napatawa na rin ako sa sinabi nila.

"Teka kukuha lang ako ng walis at pamunas pa, ikukuha nalang kita Delya" ani ni ate Maris saka pumasok sa isang room.Si ate Delya ay 40 na samantalang si ate Maris naman ay 42 at ako naman ay 27 halos malayo layo ang agwat ng mga edad  namin kaya naman ate ko silang lahat. Sumunod sa akin si ate Delya habang nagkukwento sa nangyari kaninang madaling araw.

"Naku ma'am puro cellphone ginagawa niyan ni Maris halos wala na ngang oras sa paggawa dito sa mansyon" aniya. Natawa ako sa word na mansyon masyado kasing pang mayaman.

"Ano po bang ginagawa niya sa kanyang cellphone?" nakangiting tanong ko.

"E di ano pa ma'am may ka text mate na arabo. My god dinaig pa ang lola mo kung kumerengkeng, abay minsan ngang nasa work ka po ay sunog na ang niluluto pero hayon si Maris at kinikilig kilig pa. Nahampas ko tuloy siya ng sandok" aniya. Napatawa ako. "Hoy narinig ko ang pangalan ko!" sigaw ni ate Maris kaya sabay kaming napalingon ni ate Delya sa likuran. Tumatakbo ito papunta sa amin kaya naman binilisan namin ang paglalakad.

Natatawa ako sa kakulitan nila kasi kahit may edad na sila ay may ganito pa silang side. Nakaka-good vibes palagi, hindi ako nagsisisi na kinuha ko sila.
—•—

Nagsimula na kaming maglinis na apat sa kwarto. Ang isa para magtupi ng bedsheets at mga unan. Ang isa ay para naman sa mga drawer at libro. Ang isa naman ay para sa mga damit pati na rin sa Kanya. Ako naman ay sa mga basura.

Naka gloves ako nang itaktak ko ang mga basura para pag hiwa hiwalayin. Nanliit ang mata ko ng makita ang ilang bote na ngayon ko lamang nakita. Maliliit siya. Kumuha ako ng isa at ipinakita iyon sa tatlo.

"Ate ito ba ang gamot dati ni mommy?" tanong ko saka ipinakita ang hawak kong maliit na bote.

Napakunot ang noo ni ate Clara, sa kanya ako nakatingin dahil siya lang naman ang may alam sa nangyayari dati kay mommy. Yung dalawa clueless.

"Hindi ganyan ang gamot ni ma'am, senyorita. Hindi rin siya liquid dahil puro tablets ang iniinom niya.” aniya  “Walang nireseta dati ang doctor na ganiyan” dagdag niya pa. Napakunot ang noo ko.

"Alam ko yun kasi ako ang bumibili ng gamot ni ma'am dati" aniya pa.

"Ano nga ulit ang pangalan ng nurse ni mommy?" tanong ko. Si ate Clara ulit ang sumagot.

"Nima po" aniya. Napaupo ako sa mesa na nasa likuran ko at saka malalim na nag isip.

Nima? Isa lamang pangalan ang nasa isip ko ngayon.

Anima Reyes.

Pero hindi pwedeng maging siya dahil wala siyang alam sa pag gagamot. Teaching lang ang alam niya o may iba pa siyang alam na hindi ko alam?Iniwan ko muna saglit sila sa kwarto at bumaba ako sa living room para kunin ang cellphone number ni tito Andrew na iniwan bago sila umalis.

"Hi my Avi. What's the sudden call?" magiliw na ani niya sa kabilang linya. Napangiti agad ako pero bumalik sa seryoso ng maalala ko ang pakay ko. Hindi naman sa bobo ako pero meron akong alam sa mga gamot pero hindi ko sigurado kung tama.

"Tito. Do you know the medicine named Polonium?" tanong ko. Wala kasing ibang nakalagay kundi Polonium lang, walang description or expiration date man lang.

"Polonium is not a medicine hija it's a poison" aniya. Halos malaglag ang panga ko sa gulat.

"P-poison?" nauutal na ani ko.

"Why? Do you have it? If you want to commit crime just don't Avi" seryoso ani niya pero hindi nakapagsalita. Pinatay ko nalang ang cellphone saka na naman uminit ang mata ko. Mahigpit kong kinapitan ang maliit na bote dahil sa galit.

Magbabayad ka! You are a monster! Sh*t!

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now