Avian’ POV
Pababa ako ng hagdan ng makita ko si mommy na nakatingin sa mga kurtina na ipinalit ko kagabi. Maaga akong gumising dahil tutulungan ko si ate Clara na magluto. Siguro kailangan ko na mag hired ng new maids para naman may katulong si ate Clara dito sa kusina kapag wala ako. Mabuti na lamang at linggo ngayon, mamaya ako mag hahanap ng pwedeng maging maids.
Lumingon sa akin si mommy dahil siguro ay naramdaman ang presensya ko. Naglalambing na niyakap ko siya sa likod saka humalumbaba sa balikat niya.
“I appreciate all of these Avi. Salamat baby” aniya saka umiyak.
“Mommy. Ginagawa ko to para sayo talaga, gusto mo bang haramin ko muna si Tessa sa susunod na linggo para naman may kalaro ka?” suggestion ko. Humarap siya sa akin kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya at pinahiran ang luha niya.
“Anak, napaka suwerte ko sayo. Kahit may sakit ako ay hindi mo ako sinusukuan. Napakabait mo anak pero sana naman huwag mong pababayaan ang health mo okay?” aniya. Tumango ako pero yung mata ko nag iinit na. Niyakap niya ako.
“Napakaswerte ng mga taong tinutulungan mo anak. Mahal kita” aniya.
“I love you too mommy”
—•—
Naglilinis ako ng bawat kwarto at sakto na napadaan ako sa office ni dad. Sariling office sa bahay. Pinihit ko ang door knob saka tiningnan ang paligid. Magdamag na hindi umuwi si daddy hanggang ngayon. Hindi ko pa siya nakikita simula ng umuwi ako dito.
Inilock ko ang pinto ng makapasok ako, ibinababa ko ang pamunas na hawak ko saka nilibot ang office niya.
Napatigil ako ng may pamilyar na notebook akong nakita sa ibabaw ng lamesa niya. Nilapitan ko ito agad saka hinawakan. Kulay puti ito at kilalang kilala ko ang doodles na naka drawing dito.
Kay Anima to diba? Bakit narito?
Bubuklatin ko na sana ng may kumatok sa pinto. Nagmadali akong itinago sa drawer ang notebook saka lumapit sa pinto.
“Senyorita, andito na po si Sir. Pinapatawag ka po niya sa living room” ani ate Clara.
“Sige” aniko. Sinulyapan ko muna ang drawer na pinagtaguan ko saka lumabas ng office.
"Hi Avi. Take your seat" ani ni daddy. “Where's your mom?” tanong niya.
Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Seriously? Itatanong niya pa kung pwede naman niyang hanapin?
"She's in her bedroom, resting" maikling ani ko saka humalukipkip.
"Ah okay. Hindi ko na siya aabalahin pa kaya sayo ko nalang sasabihin." aniya saka tumikhim.
"Mawawala ako ng five days—"
"And where are you going?"
"May appointment ako, you know business matter. You don't know anything about business Avi, that's why sinasabi ko sayo. I hope you understand" aniya.
"I. DONT. REALLY. UNDERSTAND" matigas na sabi ko. Naghihinala na ako sa kinikilos niya at masama ang kutob ko.
"Watch your tone of voice Avi. I'm still you're father. What's wrong with you?"
"Ask yourself. What's wrong with you? Why all of a sudden you didn't go home?"
"Because I'm in the company. I'm busy, I thought you understand my situation Avi!"
“You're in a company? Huh!” Napatigil siya saglit saka tumingin sa relo. Tumayo siya saka tumalikod pero tumigil rin.
"Aalis na ako" aniya saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Napahampas ako sa lamesa saka napayukom, galit na napatingin sa dinaanan ni dad.
My Dad is keeping some secret! Bullshit!
—•—
"Ate Clara, nakita niyo ba yung personal nurse ni mommy?" Takang tanong ko bandang hapon.
"Ay, hindi po ba nasabi sa inyo ni ma'am?"
"Na ano?"
"Hindi na po siya ang personal nurse ni ma'am. Nag back out na po siya" napatigil ako saka napakunot ang noo. Akala ko nagkaroon lamang ng emergency kaya hindi na siya pumupunta dito.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Hindi ko nga rin po alam e, biglaan po" ani ate Clara.
"Sige po. You may continue what you're doing" ani ko saka umakyat sa kwarto. Iniwan ko si ate Clara sa sala na naglilinis ng lamesa.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
DiversosA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?