Avian’ POV
Naglalakad ako sa hallway ng mapansin na medyo nagkakagulo sa pintuan ng faculty room. Napakunot ang noo ko, dala ng kuryusidad lumapit ako at pinaalis ang mga estudyante na nagkukumpulan sa tapat ng pinto.
“Excuse me.” Ani ko saka unti unting hinahawi ang mga estudyante. “Excuse. Excuse me!” ani ko.
Nang makapasok na ako sa loob laking gulat ko ng may tumambad sa akin na nagkakagulong mga guro. Napakunot ang noo ko dahil nasa mesa sila ni Ani. Anong meron? Lumapit ako saka nakiusyuso.
“Ani?” gulat ko ng mapansing naka new haircut siya.
“Aviiii! O my gosh!” aniya saka tumayo at yumakap sa akin. Ngumiti ako at niyakap rin siya.
“Namiss kita huhuhu” aniya saka hinila ako papunta sa tabi niya. Pinaghila niya ako ng chair saka itinabi sa bangko niya.
“Mamaya na kayo magsihingi ng pasalubong. Bestfriend first muna! Go back to your place!” sigaw niya sa mga naroon kaya naman nagsibalikan na ang mga kapwa naming guro.
“Magpainom ka Anima!” sigaw ni sir Ed, a grade seven teacher.
“Oo nga naman. Big time ka na ata ngayon!” gatong pa ng isa.
“Oo na! Mamaya after work, Sota Club tayo!” natatawang sigaw ni Ani.
“Whoooooo!”“Yeahhhh!”
“Greaaaattt!”
Napatawa na rin ako sa reaksyon nila. Nag kanya kanyang usap ang mga teachers kaya naman kinausap rin ako ni Ani.
“Bakit hindi mo naman sinabi na darating ka?” tanong ko kunwaring nag tatampo.
“Wag ka ngang ngumuso. Nalimutan ko lang marami kasi akong ginawa. Alam mo naman diba? I know for sure that you saw what happened on that time when I was in my mother’s house” aniya saka medyo nalungkot. Agad naman akong nakonsyensya
“Ano ka ba hahaha okay lang. Naiintindihan kita. Akala ko next month ka pa uuwi kasi yung situation ni tita saka nong baby napansing kong parang masyadong mahirap. Ganun pala ang step father mo, bakit hindi mo isinumbong sa mga pulis sa Danao?” suhestiyon ko. Umiling si Ani saka ibinigay sa akin ang isang box ng chocolate.
“Hindi pwede. Magagalit sakin si mama, at saka kita mo naman pinalayas na agad ako sa bahay. Nakakainis si mama alam mo ba yun, kapag hindi naman ako umalis don baka raw ako ang saktan ni Nestor!” asik niya saka inirapan ang hangin.
“Step father mo yun. Bakit Nestor lang tawag mo? It’s either papa or tatay” ani ko.
“Aish ang mga ganung tao hindi na kailangang irespeto. Kapag nakaipon ako ng pera ay paaalisin ko na don si mama kasama ang anak niya. Ipapademanda ko pati si Nestor” aniya.
“Ay ano pala yung sinasabi nila na big time kana? May boyfriend kana? OmG sino? Gwapo ba?” kinikilig na sabi ko kay Ani saka hinahampas pa siya sa braso. Bigla naman siyang ngumiti na parang kinikilig din.“O my gosh. Meron ka ng boyfriend??” gulat na tanong ko.
“Hindi pa naman as in boyfriend pero kyaaahhhh hinahanatid sundo na niya ako!” aniya saka hinampas din ako.
“Kyaaaahhh big time nga! Congrats!” ani ko.
—3 months later—
"Kelan mo ba ako ipapakilala sa kanya?" nangungulit na tanong ko kay Ani. Nasa apartment niya ako ngayon dahil paalis ako para sa isang seminar bukas.
"Avi, Meo ang pangalan niya pero yun muna ang pwede mong malaman" aniya saka tumawa na naman. Nag-aayos siya ng mga damit niyang nakakalat, nilalagay niyo ‘yon sa kanyang closet habang tumatawa.
"My gosh Ani, ilang beses na akong nangungulit sayo ah. Nagtatampo na tuloy ako hmp!" ani ko saka humalukipkip.
"Ayy hahaha. Wag ka namang ganyan" aniya saka ako niyakap sa likod.
"Alam mo namang ikaw pa rin ang bestfriend ko kahit may boyfriend na ako" aniya saka ako hinalikan sa pisngi.
"Ako nga pero magmula nong makilala mo yung Meo na yun nawawalan ka na ng atensyon sakin." aniko saka ngumuso. “Halos once a week nalang tayong mag usap, hindi rin tayo magkita sa school kasi ang hectic na ng schedule natin. Tapos every weekends magkasama kayo ng boyfriend mong ayaw mo sakin ipakilala” nakapout na sabi ko.
"Avi naman e." aniya saka ako hinarap sa kanya.
"Okay okay. I will convince Meo to see and know you but in one condition" aniya saka itinaas ang hintuturo.
"What?" mahinang ani ko.
"Behave. Wag mo siyang agawin sakin" aniya seryoso. Tumawa ako ng malakas at napahawak pa sa tiyan dahil sa biglang pagtawa.
"Agawin? hahaha baliw ka ba? hahaha. Hindi naman ako mang aagaw, kikilalanin ko lang siya kung worth it ba hahaha. Masyado mo kong minamaliit" ani ko. Hinampas niya ako ng mahina sa balikat saka ako sinubuan ng piece of cake sa bibig.
"Yan! Manahimik ka. Pinapaalalahanan lang kita. May nababasa ako sa internet na ang kaibigan raw mang aagaw ng boyfriend" aniya saka ako inirapan.
"Hoy grabe ka!" hinampas ko rin ang balikat niya pero sumubo lang siya ng cake.
"Hindi porket wala akong jowa ay aagawin ko na ang Meo mo, nililigawan ka lang naman niya pero yung trato mo sa kanya parang asawa na. Bakit kasi hindi mo pa sagutin?" tanong ko.
"Gusto ko pa kasing patagalin. Saka ikaw na babae ka, umuwi kana at gabi na. Mag iimpake ka pa para bukas!" aniya saka uminom ng tubig.
"Tinataboy mo ba ako? Baka naman may date pa kayo ni Meo hmmm. Pero sige na nga kayo muna." aniko saka kinuha ang bag.
"Babye" aniko saka bumeso sa kanya.
"Sige. Ingat ka Avi. Yung pasalubong ko wag mo kalimutan" aniya saka kumaway.
—•—
Pagkapark ko ng kotse sa garahe napansin kong bagong linis ata ang kotse ni dad. Narito siya? Dali dali akong pumasok at naabutang pababa nga ito ng hagdan. Ngumiti ako at inantay siya na makababa.
"Dad" tawag ko. Itinigil niya ang pag aayos ng necktie saka tumingin sa akin.
"O Avi. Kumain kana?" tanong niya saka pumunta ng living room at humarap sa salamin. Nakasunod lamang ako sa kanya.
"Yes dad. Bihis na bihis ka yata dad? May business meeting ba kayo?" tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso. Matagal bago nakasagot si dad kaya ng maabos ko ang laman ng baso umupo ako at tiningnan si Dad.
"Ah. Yes may meeting kami" aniya saka tumingin sa relo.
"Ow late na ako ng 2 minutes bye Avi" aniya saka madaling lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Ang kaninang nakangiti kong mukha ay napalitan ng pagtataka. Gabi? Tapos may business meeting? Uwian na ang mga empleyado at mga directors sa oras na ito. Tiningnan ko ang relo ko. 9:32 na.
Napasandal ako sa couch saka tumingin sa chandelier. Ilang beses na siyang wala laging oras sa amin ni mommy. Nagdududa na ako kung ano nga ba ang laging ginagawa ni dad sa oras na aalis siya ng bahay. Something is wrong with him.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?