CHAPTER 7

3 0 0
                                    


Avian’ POV

Buong gabi ay hindi ako nakatulog ng maayos, tinawagan ko pa ulit si Ani pero hindi na siya sumagot pa. Pahiga na ako ng maka-receive ako ng text galing sa kanya

ANI
We’re okay Avi.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon kaya madaling araw na akong nakatulog.

“Okay class get one whole sheet of paper. Are you ready for the long quiz?” ani ko.

“Yes ma’am!” sigaw nilang lahat.

Ngumiti ako saka nagsimula ng isa isahin ang question bawat number. Lumilibot ako habang nagsasalita para paalalahanan sila na bawal maggayahan, alam ko kung sino ang nangongopya o hindi. Napansin ko na hindi nagsusulat si Solen sa kanyang papel. Agad ko itong nilapitan saka tinanong.

“Solen, bakit hindi ka nagsasagot?” tanong ko. Tiningnan lamang niya ako pero agad ding bumalik sa papel niya. Kinuha niya ang ballpen saka isa isang sinagutan ang bawat tanong ko kanina.

Nagulat ako kasi kahit hindi ko na ulitin ay nasasagutan niya ang tanong. Lumakad na ako paunahan at hindi na muna siya pinakialaman. Iniisip ko pa rin ‘yong sinabi niya pero sa ngayon ay nasa trabaho ako, kahit kating kati na akong tanungin si Solen kung anong ibig niyang sabihin ay hindi ko na muna siya ginambala.

Napansin kong nakatingin ng masama si Tessa kay Solen. Nagtaka ako. Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng mga bata.

“Last number! Give fiveo of the figurative language or figure of speech.” Aniko.

“Pass your paper. 1.. 2..”

“Wait lang ma’am!”

“3..4..”

“Ma’am teka hoy anong sagot sa number fifteen?”

“5..6..7..”

“8..9..10, okay no more paper?” tanong ko.

—•—

Kumakain akong mag isa dito sa cafeteria. Nakakamiss naman si Ani. Kamusta na kaya sila nina tita? Sinasaktan pa rin ba ng asawa niya ang mama niya o pati siya? I need to do something. Napaiktad ako ng may maglapag ng dalawang plato sa harap ko. Pagtingin ko ay si Solen at Tessa na masama ang tingin sa isa’t isa.

“Solen, Tessa, anong problema niyong dalawa?” tanong ko. Unang sumagot ay si Tessa na nakasimagot.

“Kinuha niya po ang glue ko kanina sa arts” aniya saka tinuro si Solen gamit ang tinidor. Umiling naman si Solen saka sinimangutan din si Tessa.

“Attitude ka! Akin talaga yung glue, ibibigay mo ba sakin o hindi? Pag hindi bayaran mo nalang!” ani Tessa. Sumubo ako ng sandwich na hawak ko habang pinapanood sila.

“Daldal mo!” reklamo ni Solen saka kumain ng carbonara na nasa plato niya.

“Ano ha? Amina ang glue ko! Twenty-five yun!” ani naman ni Tessa. Napainom ako ng juice na nasa tabi ko. Kaya pala masama ang tingin ni Tessa kay Solen kanina pa. Dahil lamang sa glue. Tsk tsk.

“Mahal naman. 15 lang sakin e” ani naman ni Solen.

“Akin na ang glue—” napatigil si Tessa ng biglang iharang ni Solen ang bag sa mukha niya.

“Bakit nasa iyo ang bag ko? Anong ninakaw mo dito? Yung gunting ko?” sunod sunod na tanong ni Tessa.

“Icheck mo. Ang ingay mo nasa harap natin si ma’am!” mahinang sabi ni Solen. Sabay pa silang lumingon sa pwesto ko habang ako’y naka halukipkip.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now