CHAPTER 21

2 0 0
                                    

Avian’ POV

This can’t be! Akala ko because of leukemia kaya namatay si mommy? What the hell happened? Mababaliw na ako kakaisip kung ano at pano nangyari ang lahat ng ito. So daddy just hire Anima to kill my mom?

“Ma’am! Ma’am! Ma’am! Ano po ito?” ani ate Maris. Nanakbo ito pababa ng hagdan habang nakataas ang kamay na may hawak na notebook o libro?

Pinahid ko ang luha ko gamit ang likod ng palad at nagtatakang hinarap si ate Maris. Iniibot niya iyon sa akin na ka agad ko namang tinanggap at binasa.

Unang pahina ay alam ko na penmanship iyon agad ni mommy. May nakalagay sa unahan na Polonium at ang description nito.

Nanlambot ang tuhod ko kaya naman napaupo ulit ako.

“No!” mahinang ani ko habang sinasarado ang notebook.

“Ma’am okay lang kayo? Teka, heto po tubig” ani ate Maris saka iniabot sa akin ang isang baso na tinanggap ko naman. So nilason ng personal nurse niya si mommy? What the f*ck, that’s too much. Bakit kailangan pa ni mommy itong pagdaanan? Bakit si mommy pa? May kasalanan ba kami?

F*ck you!

“Ma’am tahan na po” ani ate Maris

“Bakit? Anong kasalanan ni mommy para pagdaanan niya itong lahat?” ani ko saka umiyak na naman.

“Shit! Napakasama niya!” ani ko.

“Akala ko sa sakit namatay si mommy, sa lason pala. I’m such a fool sana hindi nalang ako nagtrabaho non” napayukom ako at mahigpit na hinawakan ang notebook.

“M-Mabait si mommy. M-Matulungin kaya bakit? Tangina BAKIT?!” sigaw ko at itinapon sa pader ang basong hawak.

“Bakit kailangan niyo pang lasunin?!” sigaw ko saka pinag tatapon ang mahawakan.

“Ma’am tama na po”

“PAGBABAYARIN KITA KUNG SINO KA MAN!” sigaw ko saka binasag ang isa pang baso gamit lang ang kamay. Ramdam ko man ang sakit sa aking palad pero hindi nito matatalo ang sakit ng puso ko. "Ma'am tama na" naiiyak na sabi ni ate Maris pero hindi ko siya pinakealaman

"Ma'am...yung..yung kamay niyo po. Pakiusap tama na" ani niya.

"Anong nangyayari—Senyorita!" gulantang na ani ate Clara na nasa likuran ko. Binitawan ko ang basag na baso sa kamay ko at saka yumuko. Naramdaman kong tumakbo si ate Clara papunta sakin at saka hinawakan niya ang kamay ko.

"Maris anong nangyari!?" aniya. Tumayo ito at tinunghay ang aking mukha.

"Shhh.. tahan na" aniya. Nilagay nito ang aking buhok sa tigkabilang tenga ko at saka pinanasa ang aking luha gamit ang hinlalaki niyang daliri.

"Kasi.. may binasa si ma'am sa notebook na kulay brown pero pagdating ko kanina ay umiiyak na siya kaya inabutan ko siya ng tubig. Pagkatapos ni ma'am basahin yung isang pahina lang ay bigla nalang siyang nagwala" aniya.

"Nilason niya si mommy" mahinang ani ko saka uminit na naman ang sulok ng mata.

"Ipapacheck ko sa security ang cctv dito sa loob ng mansyon at saka sa labas. Magiging maayos din ang lahat senyorita. Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ni ma'am" ani ate Clara saka ako niyakap.

"Pwede rin natin siguro tanungin yung doktor ni ma'am Amanda bago siya mamatay kung ano nga ba talaga kinamatay" suhestiyon ni ate Maris

"Diba andon ka ate Clara bago mamatay si ma'am? Dapat alam mo kinamatay niya kasi di ba sinasabi iyon ng doktor" ani naman ni ate Delya. Naging tahimik ang atmosphere. May point si ate Delya, hindi ko rin alam kasi pinangunahan ako ng bugso ng damdamin kaya ang nakalagay sa isip ko ay namatay si mommy dahil sa leukemia.

Kumalas si ate Clara sa yakap ng dahan dahan saka naluluhang tumingin sa akin. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harap saka umiyak.

"Senyorita patawad.." aniya saka yumuko. Napaiyak na naman ako. Ano bang nangyari?

"Explain yourself ate please lang wag niyo ng dagdagan pa ang sama ng loob ko" ani ko.

"Oo. Namatay si ma'am dahil sa Polonium Poison, sinabi iyon sa akin ng doctor bago dalhin sa morgue ang katawan. Hindi ko na sinabi sa iyo noong nagkita tayo sa ospital kasi alam ko na down na down kana nong oras na iyon. Humanap ako ng tyempo na sabihin sayo ang kinamatay niya pero lagi kang busy sa mga works mo kaya naman itinago ko na lamang" huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy at sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay siya ring tambol ng puso ko.

"Ayaw kitang nasasaktan senyorita, nasasaktan din ako kasi simula pagkabata mo ay ako na ang nag alaga sa iyo. Yung namatay si ma'am yun yung mga oras na nakita kita kung paano nagluksa, ako ang kasama mo ng nga oras na iyon. Dama ko kung gaano ka nasaktan kaya patawad hindi ko sinabi" aniya. Tumayo ako at saka itinayo siya. Nakita kong umiiyak na rin yung dalawa kaya naman halos wala ring humpay sa kaaagos ang luha ko.

"Naiintindihan kita ate. Salamat. Salamat sa concern and care" ani ko saka siya niyakap ng sobrang higpit.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now