CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Avian’ POV

“Ani, bakit ka nag ask ng leave?” tanong ko pagkapasok ko ng faculty room.

Busy siya sa pag fifill up ng form ng mga estudyante niya. Umupo ako sa tabi niya at nagtataka kung bakit siya nag ask ng leave.

“Kailangan kasi ni mama ng mag aalaga sa anak niya. Alam mo naman yun na kaaanak lang at ibang lalaki pa ang ama” aniya saka napaka hilot sa sintido niya.

“Ha? Buntis pala si tita? Nong last na bisita ko sa Danao kasama ka ay parang hindi naman buntis si tita ah.” Sabi ko saka tiningnan si Ani.

“Masyado pa kasing maliit ang tiyan niya. Last na visit natin kay mama ay noong January at new year pa, pag uwi natin dito ay nalaman ko na one month pregnant siya” sabi ni Ani saka tumayo.

“Pupunta muna ako sa Principal’s Office, mamaya nalang kita kakausapin, Avi” aniya pa saka nagmamadaling lumabas na hindi inaantay ang sagot ko. Napanguso ako saka bumalik sa upuan ko dito sa faculty room.
Para namang hindi buntis si tita ‘non o talagang hindi ko lang napansin?

—•—

“Okay, class see you on Monday” ani ko saka inayos ang mga gamit ko.

“Good bye ma’am!” sabay sabay na sabi nila at nag line up bago lumabas.

Napangiti ako nang maiwan si Tessa.

“O Tessa, bakit andyan ka pa?” tanong ko. Tumayo si tessa sakbit ang kanyang bag saka lumapit sa akin.

“Ma’am, napapansin ko po na masyado kayong lutang ngayon may problema po ba kayo?” aniya. Napakunot ang noo, ganon ba kahalata?

“Pano mo naman nasabi?” tanong ko habang inaayos ang aking mga gamit. Nilagay ko sa aking bag ang aking cellphone. Napansin ko na pinag krus ni Tessa ang braso saka ngumiti.

“Baliktad po ang nametag mo na nasa bandang dibdib mo” aniya kaya napatingin ako sa nametag ko, baliktad nga iyon kaya inayos ko. “ Ang pangalawang butones mo po ay hindi nakasuot sa butas. Hindi ka rin po nag lipstick at eyeliner at nalimutan niyo po ang I.D niyo sa cafeteria kanina” aniya saka may kinuha sa bulsa niya. Ang ID ko.

“Ah. Salamat Tessa” ani ko saka ngumiti. Nilagay ko na lamang iyon sa aking bag at saka inayos ang aking blouse.

“Ngayon ka lang ma’am hindi nag lipstick bagay po sayo” aniya saka ngumiti ng malaki. Bagay sakin?

“Saka ma’am huwag ka pong matakot. Pansinin mo po sinasabi ng iba malay mo tama sila” aniya saka lumabas ng room.

Naiwan na naman akong nagtataka.

Bakit ba ganto? May mga tao sa paligid ko na iniiwan akong iniisip ang sinasabi at hindi ko alam ang ibig sabihin nang mga iyon. May hunch ako pero baka mali lang ako. Siguro pagod lang ito.

Napaupo ako sa bangko at saka napahilamos sa palad. Kinuha ko nalang ang dutch milk sa aking bag saka uminom.
Dumaan ang weekends at buong araw lamang akong nasa bahay, minsan ay sinasamahan ko si mommy na magtanim sa kanyang mini garden, sabay kaming nanonood ng Netflix, at sinasamahan ko siya sa church para sumimba.

“Avi, aalis na ako bukas. Anong gusto mong pasalubong?” napatingin ako sa pintuan ng classroom ko ng pumasok si Anima. Dala niya ang bag niya at ang ilang libro, siguro ay katatapos lamang ng klase nila. Umupo siya sa tapat ko at ngumiti. Napangiti rin ako saka umiling iling.

“Huwag na. Mas kailangan ni tita at ng kapatid mo ang pera. Sa kanila mo nalang gastusin yan, ikamusta mo nalang ako kay tita saka don’t forget to call me okay?” ani ko saka ngumiti. Napakunot ang noo niya at saka umirap.

“Kapatid? Wala akong kapatid Avian.” Aniya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Ano ka ba naman Ani! Kapatid mo pa rin iyon kahit ibang lalaki ang ama. Kung baga siya ang step— ano ba siya lalaki o babae?” tanong ko.

“Babae” walang buhay na aniya.

“I’m sure magagalit si tita kapag ganyan ang itsura mo pag dumating ka doon.” Sabi ko.

“Lagi nalang kasi niya sa akin inaasa ang pangangailangan ng lalaki niya at ngayon naman ay ang anak niya!” naiinis na saad niya. Kinuha niya ang isang strawberry na nasa table ko saka ‘yon kinain. Lumipat ako sa kanya at hinampas siya sa braso.

“Correction. Kapatid mo! Anak ka rin naman ni tita.” Sabi ko saka naupo sa tabi niya. Napataas ang kilay niya saka ako inikutan ng mata.

“Dapat sa ama nong bata siya humihingi ng pera at don niya dapat pinapaalagaan ang anak niya! Magpapabuntis buntis kasi siya tapos hindi naninigurado kung pananagutan ba o hindi!” maktol niya.

“Anak ka rin naman niya. Dapat tinutulungan mo yung mama mo sa lahat.” Mahinahong sabi ko.

“Aish ewan ko ba! Bahala na pagdating ko doon bukas!”

“Saka ano ka ba Ani! Kapag kulang ka sa pera pahihiramin naman kita. Magsabi ka lang sakin okay?” ani ko saka hinawakan ang kamay niya.

“Nakakahiya na sayo Avi. Lagi mo nalang akong pinahihiram ng pera hanggang ngayon nga ay hindi ko pa nababayaran ang limang libo na utang sayo ni mama!” aniya. Ngumiti ako at umiling.

“Okay lang. Hindi pa naman kita sinisingil. Alam ko naman na gipit ka rin.” Sabi ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

“Salamat. Salamat Avi! Kaya mahal na mahal kita e!” aniya. Tinapik ko ang likuran niya para masabi na it’s okay.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now