Avian' POV"Kailangan muna natin malaman kung sino si Nima. Hindi mo ba nakita ang mukha niya ate Clara?" tanong ko ng matapos ang iyakan moments naming apat kanina. Nasa living room kami at nakaupo sa couch.
"Hindi. Kapag kasi tinititigan ko siya ay yumuyuko siya, naka facemask rin siya kaya di ko masyado kilala ang mukha" aniya.
"We need to see the CCTV footage then" ani ko saka uminom ng tubig.
"Oo nga baka naman nag tatanggal siya ng mask kapag lalabas ng bahay no?" ani ate Maris saka ako binigyan ng alcohol.
"Pwede rin. Teka. Ako na senyorita" ani naman ni ate Clara saka kinuha sa akin ang alcohol at cotton. Nilinis niya ang kamay ko na puro sugat dahil sa pagkabasag ng baso.
"Ouch!" sigaw ko ng bigla niyang buhusan.
"Sorry senyorita" aniya.
—•————
10 ng gabi ay pumunta ako sa kwarto nina mommy na ngayon ay malinis na. Empty room na siya pero alam ko kung saan ang hidden rooms na pinaglalagyan ng screen tv para sa CCTV. Tahimik ngayon dahil tulog na ang mga maids. Ang dim lights nalang ang ilaw ngayon pero dinala ko rin ang cellphone just in case na walang ilaw sa hallway. Itinulak ko ang pader saka ito nahati sa dalawa. Tiningnan ko muna kung may nakasunod sa aking tao bago pumasok para makasigurado.
Pumasok ako ng wala akong maramdamang ibang tao. Pagpasok ko ay dilim agad ang sumalubong sa akin. Kusang nag sarado naman ang pinto. Ini-on ko ang flashlight ng cellphone ko saka dahan dahang naglakad. Sa pagkakatanda ko pang limang pinto ang computer room dito, masyado pa kasi akong bata nong makapasok ako dito kaya hindi ko alam kung ano na ang itsura nito ngayon.
Ilang taon ko ring hindi ito nabibisita at hindi ko alam kung nababantayan pa ba ito ng maayos lalo na't wala na si mommy. Pinihit ko ng door knob na naglikha ng nakakangilong ingay at saka pumasok. Nagulat ako ng sobrang liwanag sa room.
Malinis, walang kahit na anong alikabok. May aircon din na nasa tamang lamig lamang. Nakabuhay ang lahat ng computer nakita ko pa ang sarili ko sa screen. Hinanap ko kung nasaan ang CCTV pero wala akong makita. Nasaan? Umiling iling ako at umupo sa harap ng computer. Hinanap ko agad ang petsa kung kailan buhay pa ang mommy.
May isang babae na pumasok sa gate, pinapasok siya ng guard. Napakunot ang noo ko dahil likod lamang ng babae ang nakikita. Naka white itong damit gaya ng suot ng isang nurse saka may shoulder bag.
Ini-stop ko ang video ng may mapansin ako. Kay Anima iyon na ipit sa buhok. Umigting ka agad ang panga ko sa labis na galit. Pinanood kong muli ang video hanggang sa umabot ako sa garahe. Daddy and Anima are kissing pero mas nagulat ako ng mapansin na may tao sa pinto. Si mommy.
So all of the time, alam ni mommy ang lahat? Alam ni mommy na may kabit si daddy pero alam niya ba na kaibigan ko yun? Kinuha ko ang flash drive sa aking bulsa saka kinopy lahat ng CCTV footage nong time na iyon.
Umagang umaga ay iba ang mood ko. Papasok ako sa company tapos may pupuntahan akong importante. Kailangan ng matapos ito. Kinuha ko ang kotse sa garahe at saka nag drive nalang mag isa. Hindi ko muna kailangan ng driver ngayon. Nasa highway ako ng mapansin kong may nakasunod na itim na van sakin. Nagtataka ako kasi kanina pa siya nakasunod kahit anong liko ko ay siya ring liko nito.
Binilisan ko ang pagdadrive ko habang nag tetext kay ate Clara na may sumusunod sa akin.
Shit!
Iniliko ko bigla ang kotse sa bandang kaliwa at nagulat ng bangin ang dadaanan ko. Hindi na ako nag dalawang isip na dumaan pa kasi malapit na ang van. Napapikit ako ng may bumabaril sa kotse ko. O my gosh. Tiningnan ko ang mirror, may isang lalaki na naka bonet na naka dungaw sa pinto ng van at may hawak na baril.
Tinapakan ko ang preno ng makitang dead end na. Nanginginig ang kamay ko sa takot, this is gonna be my dead end too. No. My mother needs justice, I can’t be dead by now please. Naiyak ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Nagulat ako ng banggain ng van ang kotse ko. Napahawak ako sa pintuan.
“Please stop it. You’re not funny! This isn’t a fucking joke!” sigaw ko.Ayaw kong lumabas dahil tiyak na bala ang sasalubong sa akin.
Medyo binuksan ko ang pintuan ng kotse ko para if ever mahulog man ako ay makakalangoy ako agad. Hindi na ako nagulat ng malaglag ang kotse kasama ako.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?