Avian’ POV
“Mommy, where’s dad?” tanong ko pagka uwi ko galing sa school.
“I don’t know anak. Kahapon pa siya wala, kino-contact ko naman pero out of coverage siya” ani mommy habang hawak ang cellphone niya.
“Ha? I thought nasa work si dad?” takang tanong ko.
“I also thought that pero nagpunta ako kahapon at kanina sa company and no Trimeo was there!” asik ni mommy saka naupo at napahilot sa sintido niya. Agad kong nilapag ang gamit kong dala saka hinawakan si mommy sa balikat.
“Mommy calm down okay?” aniko saka minasahe ang ulo niya“Anak, masama ang kutob ko!” ani mommy saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
“Mom, wala naman sigurong masamang nangyari kay dad” ani ko saka hinamas ang balikat niya parang minamassage.
“Sana nga anak” aniya pa.
“Ate Claraaa!” tawag ko sa isang katulong namin.
“Yes senyorita?” aniya.
“Paki-akyat na po muna si mommy sa kwarto niya. Pakisamahan po muna” sabi ko.
“Mommy, magpahinga ka na okay? Baka makasama sa inyo iyan.” aniko
“Anak ayos lang ako.” Agad namang sabi ni mommy. Umiling ako saka siya nginitian.
“Mommy. Ako na po bahala kay daddy, wag ka na pong mag alala. Magpahinga ka na po muna. I know you’re tired” sabi ko. Tinanguan ko si ate Clara kaya naman agad itong kumilos para akayin si mommy. Napapansin ko na medyo mahina na ang health niya at yun ang kinababahala ko pa. Palagi naman silang pumupunta ni Ate Clara sa doctor. Nang makaakyat na si mommy sa taas agad akong tumakbo sa aking kwarto para magbihis.
6 pm nang matapos akong mag ayos. Siguro ko naman ay hindi pa umuuwi ang mga tao sa company dahil 8 pm ang labas nila. Ginamit ko ang sasakyan ni mommy na nasa garahe, binuksan ng security ang gate at saka pinaharurot ko na ang kotse. Lumilikha ng tunog ang suot kong heels habang naglalakad ako papuntang elevator.
“Good evening ma’am” bati ng mga empleyado.
Pinindot ko ang 6th floor kung saan naroon ang office ni dad. May nakasabay pa ako sa elevator na hindi ko tinapunan ng tingin kung sino.
*Ting
Agad akong lumabas, bumungad sa akin ang assistant ni daddy. Mr. Cleo Agos. Nagtaka ako ka agad. Hindi pwedeng umalis si dad ng hindi kasama ang assistant niya. Ngumiti ako ng mapansin ako ni Mr. Agos.
“Hi. Miss Avi. What are you doing here?” aniya.
“This is our company Mr. Agos. Of course I want to visit and know what’s going on here” ani ko saka ngumiti. Napapahiyang ngumiti si Mr. Agos pero hindi ko siya pinansin at diritsong pumasok sa loob ng office ni dad. Nakasunod lamang siya sa akin habang naglilibot ako sa loob. Pati mga drawer ni dad ay binubuksan ko.
“Miss Avi. Baka galitan ka ni sir pag pinakialaman mo ang mga yan.” Sabi niya.
Hindi ko siya pinakinggan. Pumunta ako sa likuran ng kanyang book shelf at nagulat. Kinuha ko ang panyo na naroon saka pinakita iyon kay Mr. Agos.
“Sayo ba to?” tanong ko. Nanlaki ang mga mata ni Mr. Agos saka parang napipilan.
“Nasaan si Daddy?” tanong ko saka ibulsa ang panyo. Hindi siya sumagot at mahigpit ang kapit niya sa damit niya. May tinatago ba siya? Wala sinabi si dad kung nasaan siya before umalis sa bahay and my mom is f*cking worried pero wala siya dito?
“I ask where’s dad?!” sigaw ko.
“I-I don’t know Miss Avi.” Aniya pa. Nauutal.
“Hindi mo sasabihin?” sigaw ko pa pero hindi pa rin siya nag sasalita. Ngumisi ako saka hinawakan siya sa balikat. Mataas siya pero kaya ko siyang pagsalitain kung kailangan.
Kung hindi madaan sa magandang paraan, dadaanin ko sa sapilitan. Napangiti ako sa naisip kong ideya.
Matapos kong makuha ang information kung nasaan si daddy ay agad din akong umuwi dahil baka magtaka si mommy kapag nagtagal ako sa office ng matagal. Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa nalaman.
Bakit hindi man lang si dad nagpaalam samin?
Ayaw niya ba ina-update kami?
Napatingin ako sa panyo na nasa passenger seat katabi ng sling bag ko. Puti ito pero hindi ko pa nakikita ng buo dahil nakatupi.
Bumusina ako para buksan ng guard ang gate saktong pagpasok ko sa pinto ng bahay ay sya namang baba ni mommy para mag dinner. Kasama niya pa rin si ate Clara na naka alalay sa kanya.
“Avi, where did you go?” aniya. Ngumiti ako saka lumapit sa kanya. Pasimple kong tinago ang panyo sa aking bulsa para hindi makita ni mommy.
“May pinuntahan lang akong appointment mom” ani ko saka humalik sa pisngi niya.
“Appointment? Ng ganitong oras?” takang sabi ni mommy. Tumango ako saka naupo sa tapat niyang bangko.
“Pwede naman mom. Ay ate Clara paki handa po yung niluto niyong adobo” ani ko saka ngumiti. Agad na hinampas ni mommy ang kamay ko.
“Aray mom. Bakit?” asik ko.
“Kapag kay Clarang luto ay masaya ka pero kapag ako ang nagluto ng adobo hapos di mo maubos!” kunwaring tampo niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya para yakapin siya sa likod.
“Uy si mommy nagtatampo” biro ko pero kinurot niya lang ako sa tagiliran. Napuno ng halakhak ko ang buong dining dahil sa pagpikon kay mommy. Masarap makita na tumatawa din siya kagaya ko.
YOU ARE READING
MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS
RandomA tragic life of Avian Mercedes, the destroyer of relationship are going to block her way, will she able to face the destroyer?