Chapter Eight.
Agad akong napatigil sa paglalakad dahil nang nasa kalsada na ako ay may malakas na ilaw ang tumama sa mata ko. Ngalin-ngalin kong murahin ang may-ari ng sasakyan kung hindi lamang iyon mabilis na namatay ang ilaw at nakita kong malinaw ang nasa loob nito.
'Yung taong iniisip ko lang bago ako lumabas ay nandito na ulit. Nandito na naman.
Ilang kotse ba meron sila? Napansin kong iba na naman ang gamit niya ngayon. Madalas kasi ay tinted ang mga ginamit niyang nasakyan ko na din. Ngayon ay hindi.
Nabasa ko ang pagtataka sa reaksyon niya habang nakatingin sa akin. May kinuha siya saglit sa passenger seat bago siya lumabas ng sasakyan at lapitan ako. Hindi na tuloy ako nakagalaw sa pwesto ko.
"It's late. Bakit nasa labas ka?" Hindi ko mabasa ang tono niya. Nagtataka ba 'yun o nag-aalala? Mukhang imposible yung huli kaya siguro nagtataka siya.
Pero ako ang dapat na nagtataka dito. Bakit siya nandito nang ganitong oras?
Sinipat ko ng tingin ang phone na nasa bulsa ng jogger na suot ko. Sa screen ko ay nakasulat ang oras. 12:38am.
"Hating-gabi na. Bakit nandito ka?" Malamig ang tonong saad ko sa kanya upang maitago ang nangungulilang emosyon sa loob ko.
Hindi ko maintindihan ang lalaking ito kung bakit napakadali lang sa kanyang pag-alalahanim ako.
Dumaan ang tingin niya sa suot kong hoodie. Pero wala siyang sinabi tungkol doon. Tumingin pa siya sa paligid bago sumagot.
"I came here to give you this. Nakita ko kanina sa bag, hindi ko pala naibigay sa 'yo last time." It was a brown paper bag.
Tiningnan ko lamang iyon ng sandaling segundo saka bumalik sa kanya ang aking mata. Sumimangot ako sa dahilan niya. Ganitong oras? Pupunta lang siya para sa simpleng supot na 'to? Gaano ba kahalaga ang nasa loob nito para ngayon niya pa ibigay at bawal ipagpabukas?
Haklit kong kinuha ang supot at madaling binuksan iyon. Lalo akong nayamot nang makita ang nasa loob.
"Lollipop?" Inis na saad ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang reaksyon ko. "For a fucking lollipop, nag-drive ka pa ng hatinggabi pra lang dito?"
Hindi ko alam kung para saan ang nabubuong galit sa dibdib ko. Dapat ay wala akong pakialam sa gusto niyang gawin. Pero wala. May nararamdaman na ako. At hindi ko maiwasang huwag na lang siyang bigyang pansin.
Napakurap siya. Kuhang-kuha niya ang inis ko.
"S-Sorry," mahinahong saad nito. Kalmado pa din siya at hindi nakikitaan ng kaba sa mukha pero alam kong hindi niya inaasahan ang reaksyon ko.
"Gaano ba ka-importante sa 'yo na magbigay ng lollipop sa kalagitnaan ng gabi sa taong hindi mo naman kaano-ano ha?" Mas malakas sa normal na boses ang naigawad ko sa kanya. Hindi iyon gaanong kalakas para makagising ng kapitbahay.
"Ris... calm down. I'm sorry-"
"Sorry?!" Napasinghal ako. "I'm so freaking confused, Luke!"
I don't want to read this whole situation based on his actions. Baka ako lang kasi ang nag-iisip ng iba. Baka mali lang ang naiisip ko. At hindi ko matatanggap 'yun kung tama ako.
Pansin kong napalunok siya. "Ris."
"And stop calling me Ris." Bwisit! Pati iyon, nakakasanayan na ng tainga ko.
"I just did it because I've got a conviction from the Holy Spirit."
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Shit. I can't do this.
![](https://img.wattpad.com/cover/331225576-288-k865073.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)
SpiritualFor Hristina, life is nothing but a maze of darkness. In her dull life, her friends are what makes her live. For her, nothing can even change her. Not until she met the exact opposite of her fragile and broken heart. Someone whose grace is sufficien...