Chapter Seven.
Umalingawngaw ang tawa niya sa buong cafeteria. Hindi naman iyon kalakihan pero nanlaki pa rin ang mata ko dahil naagaw namin ang atensyon ng ilang kumakain doon. Ang ibang mga nurse na nakakakilala sa kanya ay napailing na lamang at hindi na siya pinansin, na parang normal lang na madatnan nilang si Luke na ganito.
"Oo nga naman, hindi mo nga naman tinanong," komento niya sa sinabi ko.
Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na siyang ayusin ang kinainan namin. Pinagpatas-patas niya ang mga ginamit namin at doon pa lamang niya napansin ang supot. Huli na para makuha ko iyon dahil nahablot na iyon ng kanyang kamay.
"Oh, kanino 'to?" Walang pakundangan niyang binuksan iyon at pareho naming naamoy agad ang nasa loob.
Nakita kong nagliwanag ang mukha niya. "Kanino 'to? Amoy masarap ah. Bakit di mo inulam?"
Inirapan ko siya kahit nasa paper bag ang atensyon niya. Napaismid pa ako. Ngayon niya lang napansin kung kailan busog na busog na siya.
"Iyo ba 'to? Bakit hindi mo kinain-"
"Wala. Iyo dapat 'yan." Alam kong hindi niya inaasahan iyon kaya napatigil siya. I kept my monotone voice so he wouldn't probably think ahead. "Hindi mo naman ako pinansin kanina kaya hindi ko na binigay. Akin na-"
Tumayo na din ako para kuhanin sa kanya ang supot nang itago niya ito sa akin at parang batang umiling.
"Hindi. Wala ng bawian, sabi mo akin 'to eh." Naghugis mata ng tuta ang kanya — nagmamakaawa. "At saka... anong hindi pinansin? Ikaw ang hindi ko papansinin? Malabo, Ris." Iiling-iling pa siya.
"So, ano? Sinungaling na ako ngayon?" Pagtataray ko pa. Of course, he doesn't intentionally ignore me but my pride would be bruised and broken if he knew I was disappointed that he didn't even notice what I prepared for him.
"H-Hala sorry. Hindi ko siguro napansin kanina. Gutom na kasi ako," naiilang na tumawa ang lalaki.
"Gutom na ka pala, bakit hindi ka na kumain kanina habang wala pa ako?"
"Uh... ano... hindi pa ako gutom kanina."
Hindi ko na iyon pinansin. Tutal, hawak niya na rin naman at mukhang ayaw niya nang pakawalan edi sa kanya na. Kanya din naman iyon, una pa lang.
Kinuha niya ang tray kaya ganon din ang ginawa ko para ilagay sa sink ang lahat ng pinagkainan namin. Matapos ay umalis na kami doon. Ang akala ko ay babalik na kami sa kanyang silid ngunit dumiretso kami sa nurse station.
"Nurse Triz," tawag nito sa paborito niyang nurse kuno. Mula sa sinisilip na papel ay mabilis na dumapo ang tingin nito sa lalaki, at nang mapansin akong kasama nito ay may mapanuksong ngiting gumuhit sa labi niya.
"Hindi ba't dapat ay discharged ka na kagabi?"
Nagtaka ako sa sinabi ng nurse. Kahit pa mukhang nang-aasar lamang siya ay mukhang totoo pa rin naman ang sinasabi niya.
Nilingon ako ni Luke na agad nag-iwas ng tingin at kinamot ang ilong.
"Alam mo, Nurse Triz, na-miss ko kasi ang alaga mo," lalo akong sumimangot nang pumunta pa si Luke sa likod ng nurse para kunwari ay masahehin ang balikat nito. "Syempre, masyado na kasi akong healthy these days kaya baka hindi mo na ako makita palagi dito sa hospital."
Nag-init ang ulo ko sa ginawa niya. Bakit kailangan pa niyang hawakan ang babae?
Napangiwi din ang nurse kay Luke at ito na mismo ang umalis sa pwesto nila. "Sus, ako pa ang lokohin mo. Baka kamo ay hinintay mo lang talaga si Hristina bago ka umalis. Pinapahirapan mo lang akong magbantay ng pasyente."
BINABASA MO ANG
Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)
SpiritualFor Hristina, life is nothing but a maze of darkness. In her dull life, her friends are what makes her live. For her, nothing can even change her. Not until she met the exact opposite of her fragile and broken heart. Someone whose grace is sufficien...