Chapter Four.
TW: mention of vices, foul and explicit terms.
Is this some kinda joke of the universe for me?
Bakit sa dinami-dami ng tao na pwede kong makasama sa lugar na 'to at makilala ay 'yung taliwas pa sa paniniwala ko?
Growing up with a family that provides no guidance, care and affection, influences my beliefs in deities or anything related to a god.
Lumaki at tumanda akong iyon ang ayaw kong paniwalaan. Noong mga bata, ang itiunuturo sa amin ay may isang makapangyarihan sa lahat, na nakikita ang lahat ng nangyayari sa paligid, na daig pa ang isang mahika, ang nagmamahal sa atin.
Pero pag-ibig pa rin ba ang hayaan lamang na makita mo ang mahal mong nahihirapan kahit may kaya ka naman gawin?
If God is real, and God is love (ika nila), then why is this love so impossible?
Maybe at some point, my inner child believed in Him. But that's it. Nandiyan lang Siya. Pero hindi Siya ang pag-ibig na akala kong magliligtas sa akin.
He disappoints me.
And to hear Jesus' name as an answer by someone I secretly admire, I can feel my heart palpitate each second that runs.
Matagal kaming magkatitigan doon. Hindi ko alam ang dapat na isagot sa sinabi niya. Siya naman ay may pag-asang nakausbong sa kanyang mata.
I'm so curious! How?!
Paano nila nagagawa 'yun? Bilang na lang sa daliri ang mga taong makikilala mo sa isang lugar na may mabuting puso. Lalo na sa panahong 'to.
Pero hiwalay sa mga taong iyon si Deanna at si Luke. How come they still can be kind with this cruel world? Pero kung tutuusin, pareho silang may magandang pamilya. Iyon lang ang basehan ko para sabihing kaya nilang maging mabuti. Because at some point, life has been well for them.
At least, universe gives them family.
"Ikaw. Saan ang tungo mo ngayon? Samahan na kita."
Agad na kumunot ang noo ko. Humakbang ako paatras ng isang beses na halatang hindi niya inaasahan.
"Ayaw ko nga. Halos araw-araw na nga tayong magkasama," reklamo ko.
Everything happened so suddenly that I had no enough time to react and reflect upon the fact that Luke and I are somewhat in between friends and just a close colleague already. Biglang isang araw, malaya na lang siyang kausapin ako.
At parang ngayon pa lang unti-unting nag-si-sink-in sa akin ang lahat. Am I already allowing my guards down?
Mahina itong tumawa. "Ayaw mo pa non? Mas maganda nga kung araw-araw tayong nag-uusap eh-"
"Ano ka? Sinuswerte?"
Tumalikod na ako para bumalik sa dapat na pupuntahan ko. How did I end up in front of a mall when I was supposed to be in a wet market?
All because of that guy!
"Wait up! I'll join you-"
"Ayaw ko nga sabi!" Pareho kaming nagkagulatan nang humarap ako sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na mabilis siyang nakahabol sa akin sa paglalakad.
Lumayo ito nang muntik na kaming magkadikit. Ako naman ay napalunok at dinaan ang dinadagang dibdib sa pagsimangot.
Really? With things I've already went through before, dito lang ako kakabahan? Sa presensya niya? Hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)
EspiritualFor Hristina, life is nothing but a maze of darkness. In her dull life, her friends are what makes her live. For her, nothing can even change her. Not until she met the exact opposite of her fragile and broken heart. Someone whose grace is sufficien...