23

8 2 0
                                    

Warning: Mention of Suicide.

Chapter Twenty-Three

We all expect that Deanna would be different after the death of her parents. But she was the same Deanna we know. Tahimik pa din siya sa aming group chat, pero nakikihalubilo siya katulad ng dati. She updates less now. At kahit parang normal lang siya kung paano siya noon, bago mamatay ang mga magulang niya, unti-unting nagiging malinaw sa akin na may nagbago sa kanya. The joy in her eyes wasn't there. The smile in her eyes that reminds everyone how youthful her heart was now suddenly gone. 

As much as I want to bring back that old smile she had, I couldn’t blame her. She’s in pain. And she needs to grieve. Hindi ganito ang normal na pagluluksa pero hindi ko siya huhusgahan kung paano niya hina-handle ang sarili para maka-cope up sa pagkawala ng mga magulang niya. 

This is how she grieves. Talk with a smile, and leave her eyes empty. 

Ilang linggo matapos nang naging pinning ceremony ni Luke ay bumalik na ako sa Batangas. Hindi handa si Tita Susana noong sinabi ko sa kanyang babalik na ako ulit. Umiyak siya sa akin noong gabing iyon, pero hindi niya ako pinigilan. Kaya sa halip na samahan ko si Luke sa ibang mga gawain at projects, nagbigay muna ako ng oras kay Tita. 

Nagpaalam din ako sa mga kasamahan ko sa EstudyanTea. I’m not really good at making friends but I was so surprised when some of them cried upon my announcement of leaving. Si Kidaver, halos magtampo pa dahil daw ang akala niya ay sabay na kaming mag-e-enroll sa university. 

“You’re really leaving? Does that mean, hindi ka na babalik?” Nakasimangot si Kidaver sa harapan ko, matamlay na hinahalo ang straw sa cup ng binigay ko sa kanya. 

Hindi ko maiwasang mapangiti. Sa mga pagkakataong ito, nanumbalik sa akin ang taon at mga buwan na nagkasama kaming dalawa. Hindi ko inakalang magkakaroon pa rin ako ng kaibigan sa Senior High dahil matagal ko nang tinanggap sa sarili ko na wala na akong papapasukin sa buhay ko. Na tinapos ko na ang lahat ng koneksyon sa Batangas, iniwan ko na lahat ng posibilidad doon. 

Nasa EstudyanTea kami ngayon. Last day ko na kaya nag-text ako sa kanya na dito kami magkita. Excited pa naman siya kasi sinabi kong ililibre ko siya. 

“Babalik.” Tila nabuhayan siya at napaangat ng tingin sa akin. 

Nang magtama ang mata namin ay natawa ako ng mahina. “Pero baka abutin ng ilang taon.” 

Nawala ang umusbong na pag-asa sa kanyang mata at sinamaan ako ng tingin.

“Wala. Hindi ka tunay na kaibigan.” 

Natatawang napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ganito siya magtampo. 

“Paano ba ‘yan? Sinong susuyo sa ‘yo? Eh paalis na ako.”

“Tsk.”

“Tigilan mo, Kidaver ha. Kung magtampo ka naman, akala mo talaga hindi ka masayang mawawala na ako. Ayaw mo no’n, makakahanap ka na ng kapalit bilang kaibigan mo-” 

Kunot-noo itong tumingin sa akin. Ngayon ay seryoso na siya at mukhang tunay na din ang pagtatampo niya. 

“Anong kapalit? Mapapaltan ba naman kita?” Doon sumakit ang dibdib ko. Bagaman nakangiti pa din ako, hindi ko maiwasang damdamin ang gumuguhit na kung ano sa sistema ko. “Ikaw pa naman ang pinaka sa lahat ng ulagang nakilala ko-”

Mabilis kong inabot ang kanyang buhok at sinabunutan siya. Mabuti na lamang ay nagbiro din siya para hindi niya nakita ang nagbabadyang luha sa mata ko. 

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon