15

18 2 0
                                    

Chapter Fifteen.

Saka pa lamang nabawasan ang pangangatal at panlalamig ng dalawa kong kamay nang matapos na ang oras ng socratic seminar. It was a full two hours of questions and answer portion with our subject instructor. The whole grade 11 students was there (except for those who are absent of course), so it’s really nerve-wracking for me given the fact I was never on stage to perform academic activities like this. Nakatapos ako ng junior high school na puro pasang-awa ang marka sa card. Dahil kadalasan naman noon ay wala akong ibang ginagawa kundi ang matulog sa klase. 

Now that the crowd below the stage is clapping their hands to give us, the participants,  a celebratory moment, I can’t help but feel proud of myself. I was not used to having people’s attentions. Never great at anything I was. And this feels like… living. 

Not their applause. Not my classmates’ surprise stares at me. But the feeling of looking at them from the stage. 

“Told you,” si Kidaver na siyang naghihintay sa akin sa dulo ng hagdan. He’s not smiling but the lightness in his emotions lowkey tells me my performance is not bad. “May tutor ba naman na pogi at matangkad, sinong hindi maiinspire. Ano?”

Kumunot ang noo ko sa pang-aasar niya. “Sinong tutor? Ikaw? Hindi mo naman ako tinuruan?”

“I mean, ‘yung ka-date mo kagabi.” Hindi nakatakas sa akin ang ngisi sa labi niya. Wala agad akong naisagot. Umiwas na lamang ako ng tingin at pinanatili ang poker face kahit nabigla ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman iyon? “Kaya pala ayaw mong magpatulong sa akin ha, may date naman pala-”

“Hindi yun date. Manahimik ka.” Inirapan ko ito bago ako tumalikod at naglakad paalis ng stage na iyon. 

Narinig ko siyang humalakhak at sinundan pa ako. “Congrats, Hristina.”

“Stop it. Anong Hristina? Bagay nga kasi,” sinimangutan ko siya nang maramdaman ko siyang sumasabay sa paglalakad ko. 

Hristina doesn’t sound bad but it really doesn't go well with my ears. Ang pangit pakinggan. Ayaw ko. 

“Tara libre mo ako. Panalo ka eh.” 

Automatic response ko na siguro na sinuntok ko siya sa braso niya. Nagulat siya at napaurong sa ginawa ko. Nagkatitigan tuloy kami na parehong nanlalaki ang mata. 

“Ay sorry, masakit?” That supposed to be a reaction from me. Masaya ako nang lagay na iyon lalo’t he congratulated me. “Biro lang.”

Hinimas niya nang dahan-dahan ang kanang braso gamit ang kaliwang kamay. Hindi ito makapaniwala habang nakatingin sa akin. 

“Ang lakas mo ah. Nakakatakot ka pala biruin. Okay, hindi na. Hindi na ako magpapalibre.”

“Joke nga lang! Hindi ko naman sinasadya na masuntok ka.”

“Hindi mo sinasadya ng lagay na ‘yun? Ang sakit kaya!”

Hihirit pa sana ako ng isang sigaw sa kanya nang may maramdaman kaming dadaan sa gitna namin. 

“Excuse me,” walang emosyon na saad ni Flores nang naglakad siya sa gitna. Ni hindi ito tumingin sa kahit kanino. Kasunod din niya ang mga kaibigan na kumaway pa sa amin pero hindi yata naramdaman ang tensyon kay Flores at Kidaver. 

Nang makalagpas sila ay saka ko nilapitan si Kidaver at pabirong kinurot ito sa tagiliran. 

“Huy, ang fc mo na. Nananakit ka ah,” ngayon naman ay ang gilid ng tyan ang hinihimas niya.

“Ginalit mo na naman si Flores.”

“Anong ginawa ko? Hindi ko pa nga siya nilalapitan ngayong araw.”

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon