17

29 2 0
                                    

Chapter Seventeen.

“Congrats!” 

Kasalukuyan kaming nasa tabi ng dalampasigan habang pinapanood ang paglubog ng araw. A week had passed after the donation program. Natapos na din ang aming midterm exam dahilan kung bakit nagyaya si Luke na ilibot niya ako sa ibang bahagi ng Marinduque. It was his surprise, he said.

“I heard you were the highest on your exams.” Tumabi ito sa akin sa buhanginan pagkatapos kumuha ng soda can sa ice cooler na dala niya. Binuksan niya ang isa saka inabot sa akin. 

“Hindi naman sa lahat.”

“Aba. Mayabang na ah.” 

Nagkibit-balikat lamang ako kahit natatawa ako sa reaksyon niya. Uminom ako sa soda na inabot niya habang nakatingin pa din sa mapayapang tubig sa harapan namin. 

I aced our midterm exams. Sabi pa ng adviser namin kapag daw nagpatuloy ‘yun, may pagkakataon ako na mapasali sa honor list. Bagay na akala ko ay walang epekto sa akin. Dahil noong high school, kuntento na ako sa pasang-awa na grado. Ngayon ay parang musika sa pandinig ang sinabing iyon ng guro ko. Parang mas lalo kong gustong magpursigi. 

Hindi ko rin maiwasan na ipagyabang iyon sa mga kaibigan ko. Nagsend ako ng picture sa gc namin ng mga test papers ko na may mga score na matataas. Si Deanna lamang ang nag-congratulate sa akin. Habang ang dalawa ay nagduda pa na hindi daw sa akin ang mga exams na iyon. 

Nagsimula na din ako na magpart-time sa EstudyanTEA café. Half-day lang ang pag-take ko ng mga exams ng tatlong araw kaya mas maraming oras akong nakapagtrabaho. Noong huwebes at biyernes naman ay back-to-normal ang klase kaya apat na oras lang ang naitrabaho ko. Buti na lang ay hatid-sundo din ako ni Luke. 

Ngayong tahimik ang buong paligid maliban sa huni ng mga ibon na tila nakikitampisaw din sa mahinhing galaw ng dagat ay mas lalong naging malinaw sa akin ang lahat ng nangyari. Nagsisimula na akong mapalayo sa dating ako. 

Nakukuha ko nang magpatugtog. Nagugustuhan ko na ang kulay at hugis ng bahaghari na siyang nakikita ko rin ngayon sa kanang bahagi ng dagat. Nabago na din ang paniniwala ko tungkol sa Diyos. I started to pray. And I feel like living again. 

‘Yung plano ko noon na lalayo ako upang makaiwas sa gulo, dinala pa ako sa mas magandang plano. 

“Pinagmamalaki ni Nurse Triz ang sarili niya. Siya na daw ang role model mo,” saad ng lalaki. Nakapatong ang dalawa nitong braso sa kanyang tuhod habang hawak ang latang iniinuman niya. Kahit hindi ako lumilingon sa kanya ay ramdam ko ang paninitig niya. 

Napangiwi ako sa balita niya. “Ang hilig talaga niya magbuhat ng sariling bangko ano?” Natawa siya marahil ay sumasang-ayon siya sa sinabi ko. 

May angking katapangan si Nurse Triz na siyang hinahangaan ko magmula ng ikwento niya sa akin ang kanyang testimonya. Kaso masyado siyang bilib sa sarili niya para isiping siya ang dahilan kung bakit gusto ko din mag-nurse. 

“Well. May gusto ka ng course ngayon,” he stated. As if convincing me that I should be sure of taking it. 

“Oo. Gusto kong maging nurse.”

“Bakit? Parang noong una ay hindi ka naman fan ng hospital o ng nurses. Nakita ko pa ngang inirapan mo si Nurse Triz noong una niyong pagkikita.” Marahas na napalingon ako sa sinabi niya. Huwag niyang sabihin na ramdam niya ang init ng dugo ko kay Nurse noong mga araw na iyon. “Oh, bakit ka defensive?”

Pinalo ko siya sa braso kaya napangiwi ito at napalayo ng kaunti sa akin. “Tingnan mo, nananakit pa. Inaano ka ba?”

“Huwag ka ngang maingay. Isipin naman ng iba na may galit ako kay Nurse Triz.” Binalik ko ang tingin sa katubigan. “I did not like her at first. Masyado siyang maingay. Pero… tao lang din naman siya. She inspired me. But that’s not the main reason why I wanted to be a nurse.”

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon