12

9 2 0
                                    

Chapter Twelve.

That conversation tucked me into sleep. Masyado na akong nalunod sa  pag-uusap namin na hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog. At kung bakit paggising ko ay wala na ako sa sofa. Wala na ako sa huling lugar kung saan kami naroroon ni Luke. 

I don’t want to exaggerate things. But the first thing I did when I woke up was to overthink things that might possibly happen. Maybe because I wasn’t used to being taken care of. Kahit babae ako, hindi naman ako iningatan at inalagaan ng katulad ng ganito - kung paano ako tatruhin ni Luke sa sarili pa nilang pamamahay. 

Boys back in Batangas didn’t treat me with harassment, but softness is not a part of my league. 

Binulay-bulay ko ang bawat minutong nilaan namin ni Luke kagabi. We were talking like we’ve been friends for so long. Para bang hinahayaan niya lang na buksan niya ang kanyang sarili sa akin. Ni hindi siya takot ipaalam sa akin ang lahat, wala siyang itatago. 

Lapat ang likod ko sa malambot na kama ni Shama. Ang mata ko ay nakapagkit sa malinis at maputing kisame ng kanyang kwarto. Ang kumot ang nagsisilbing panangga ko sa lamig. Ang bata naman ay mahimbing na nakapikit at nagpapatianod sa kanyang malalim na pagtulog. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kama, ang lamig na hatid ng kanilang aircon, ang mabangong amoy sa kwarto. Lahat ay nararamdaman ko. 

Ibig sabihin… lahat ng ito ay totoo. Hindi ako nananaginip. At malabong walang katotohanan sa lahat ng bagay na iniisip ko. Kung bakit ganito na lang ako namomroblema sa tuwing iisipin ko ang pagbugso ng damdamin ko kapag pinag-uusapan na si Luke. 

Ako nga lamang ang nag-iisang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon. I couldn’t call him Luci. I never thought of the fallen angel in him. He’s not fallen, isn’t he? He’s so far from that. 

Hindi ko maiwasang makagat ang aking labi habang wala pa ring humpay ang pagtitig ko sa kisame. Naglalakbay pa din ang isip ko sa kanya. 

Kapag ngumingiti siya, naniningkit ang kanyang mga mata. Umuusbong ang kanyang biloy. Napapayuko siya kapag hindi na niya mapigilan ang mapangiti. Ang paghagod niya sa kanyang buhok kapag naiilang na siya. O di kaya ang pagpunas niya sa ilong kapag nahihiya. 

Laging naka-suporta ang kamay niya sa likod ko, para maiwasan ako sa pagkakahulog kapag nawalan ng balanse. Ang kamay niyang nakatuon sa hamba ng pintuan ng kotse para hindi ako mauntog. Kahit mga simpleng pagtango, pag-iling, pagsasalita niya ay nasasaulo na ng sistema ko. At kahit sabihin kong ayaw kong nangyayari ito, may sariling desisyon pa rin ang puso ko sa kung anong gusto nito.

My pride will always make speeches about how I hate the man who has a beautiful smile. Yet, it only takes Luke’s stares, glances, eyes to melt away that pride. 

“Ate Doll?” 

Nabura ang mga imahe ni Luke sa isip ko nang marinig ang maliit na boses ng bata sa tabi ko. Sinilip ko siya upang makita kong nakasandal ang kanyang kaliwang pisngi sa malapad na unan at nakaharap sa akin. 

Gulat ang naroroon sa kanyang mga mata. Kumurap-kurap pa siya, tila tinatantya niya kung totoo ba ako sa harap niya. Napangiti ako nang bahagya pa siyang bumangon at nagkusot ng mata. 

“Wow. Jesus really heard my prayer.” 

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. There’s this thought encircling my dumb brain right now. Kung gusto ko talaga si Luke, dapat handa akong harapin ang mundo niya.

Ito. Ang natural na pagbanggit sa pangalan ng diyos na ayaw kong paniwalaan noon. 

Baka nga pagdating ng panahon, ang Diyos pa niya, nila, ang maglalayo pala sa aming dalawa. 

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon