𝑻𝒓𝒊𝒈𝒈𝒆𝒓 𝑾𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈:
𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒂𝒊𝒏𝒔 𝒎𝒆𝒏𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒐𝒇 𝒗𝒊𝒐𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆, 𝒑𝒉𝒚𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒂𝒃𝒖𝒔𝒆, 𝒂𝒄𝒄𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒅𝒆𝒂𝒕𝒉. 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒅𝒊𝒔𝒄𝒓𝒆𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒔 𝒂𝒅𝒗𝒊𝒔𝒆𝒅. 𝑰𝒇 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒆 𝒕𝒐𝒑𝒊𝒄𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒔𝒆𝒏𝒔𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝒐𝒓 𝒕𝒓𝒊𝒈𝒈𝒆𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖, 𝒑𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒄𝒆𝒆𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒄𝒂𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏.
Chapter Nineteen
Looking back, my friends never heard me say those words. The only way I can prove those eight words is through my actions, because I always believed that it is louder than any words. It's too powerful. Hindi dapat ginagamit sa lahat ng pagkakataon.
I remember saying that I am not for love. But the truth is, this is what I only needed confirmation that I actually am - I am for love.
Grace. A thing that I believed was not for me. Because it is set in my mind that it is only about the unexpected forgiveness. The lending hand. The generous stranger. The second chance. The quiet resilience. Those are bigger things not meant for me.
Grace is not for me.
But maybe... It is.
Maybe, it is for me. Grace is for me.
Because if not, then what can I call this?
Baka nalimitahan ko lang ang pananaw ko tungkol sa grasya, sa biyaya. Dahil ngayon, malinaw sa akin na hindi lang ito tungkol sa mga nabanggit ko kanina. Hindi lamang sa malalaking bagay natatagpuan ang biyaya. Ngayon ko mas napagtuunan ng pansin na kahit pala sa maliliit na bagay ay umuusbong na ito, parang isang halaman na nagmula sa isang bato.
It is given freely... even if no one deserves it.
The gentle rain that water the green grass over the field and brushes of every leaf in trees. The sound of air splashes with the rain. And the serene beauty of the place where we stand in awe right now. They are the manifestations of grace.
Plano ni Luke na magsimula agad kami ng paglilibot sa oras na makarating kami sa aming tutuluyan. After hours of driving, we finally reached our destination. Hindi lang namin into mas na-appreciate pa dahil malakas na umulan nang makarating kami. Kumuha ng kwarto si Luke. We were assisted by friendly staff into a cozy huge room with two bedrooms. Kaya ang plano niya ay naudlot.
The local hotel offers a local architecture style. Hindi kataka-taka kung bakit marami din kaming nakita na mga turista kanina sa lobby. Kanina, habang nag-aayos kami ng gamit at nililibot ang kwarto ay nakuwento niya na protected area daw ang Marinduque Wildlife Sanctuary. Marami daw kaming malilibot sa loob ng tatlong araw ng pananatili namin dito.
Maaga pa lamang ay nandito na kami pero halos mag-a-ala-sais na din ng gabi at hindi kami nakaalis ng kwarto. Kumain lang kami at nasa tapat lamang kami ng balkonahe. Bukas na bukas ang pintuan nito kaya't malayang nililipad ng hangin ang puting kurtina ng kwarto. Iyon ang ginawa namin sa buong maghapon - ang panoorin na magpaligsahan ang mga patak ng ulan sa kanilang pagbagsak.
Dalawang upuan na gawa sa rattan ang inuupuan namin ni Luke, may tamang agwat habang nakaharap sa malawak na lupain na nakahain sa malawak na pintuan sa balkonahe. Kahit malakas ang ulan at malamig ang dala nito ay wala ni isa sa amin ang tumayo para sarhan ang pinto. Masyadong maganda ang tanawin sa labas para bale-walain.
BINABASA MO ANG
Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)
EspiritualFor Hristina, life is nothing but a maze of darkness. In her dull life, her friends are what makes her live. For her, nothing can even change her. Not until she met the exact opposite of her fragile and broken heart. Someone whose grace is sufficien...