PROLOGUE

25 3 0
                                    

PROLOGUE

And now I give you a new commandment: love one another. As I have loved you, so you must love one another.
John 13:34

×××

Pag-ibig.

Walang katumbas ang salitang iyan. Pantasya lamang ng tao ang salitang ito. Gasgas na dahil malungkot lamang ang mga tao. 

O kung totoo man ang salitang 'yan, naniniwala akong hindi iyan para sa akin. Wala sa kapasidad ng pagkatao ko ang magmahal. 

Kung may nararamdaman man ako sa ibang tao, kaibigan, kasamahan o pamilya, pag-aaruga lamang iyon. Walang pag-ibig ang kayang mamuhay sa mundong ito. Walang pag-ibig ang kayang magsakripisyo para sa lugar na ito na wala namang kamahal-mahal. 

Puno ng masasamang personalidad ang mundong ginagalawan ko. May kamahal-mahal ba dito?

May pag-ibig bang pwede pang manatili sa lagay ng panahong meron ang buhay na ito?

Ang dahilan kung bakit naiisip ko ang bagay na ito? Ay dahil sa isang babaeng nagsasalita sa unahan. Isa sa matatalino kong kaklase ngunit tahimik sa buong oras. May kasama itong grade 10 students at dahil bakante kami ng isang oras ay hiniram nila iyon. Sa halip na naitutulog ko na lamang ang isang oras na bakante kami ay heto at walang saysay na nakikinig ako sa pangaral nila. 

Deanna. Ang pinaka-tahimik sa klase na bihirang maririnig ang boses ay nasa harapan at nagsasalita patungkol daw… sa Bibliya yata? 

Relihiyosong tao. Mahinhin ang boses pero parang may nais siyang patunayan sa mga sinasabi niya. 

May ilan din sa mga kaklase namin ang tila namamangha sa kanya. Maganda naman ang speaking voice nito pero bakit plagi siyang hiyang-hiya kapag pinapatayo siya sa unahan para sa mga reportings o recitations? 

Kahit tama ang sagot ay hindi siya magtataas ng kamay marahil ay dahil sa hiya. Pero kapag tungkol na sa Diyos nila ay heto at maayos siyang magsalita. 

"Ang banal naman nito," dinig kong umismid katabi ko. Hindi kami close pero sang-ayon ako sa sinabi niya. Umub-ob ito sa lamesa saka pumikit. 

Kung si Marah ay parehas ng reaksyon ko, si Adira naman, ang pinaka-matunog ang pangalan sa buong school ay konti na lamang at papalakpakan na si Deanna. Ang alam ko ay magkaibigan sila noong elementarya pero napilitang lumipat sa ibang probinsya si Deanna kaya ngayon lang ulit sila nagpangitang grade seven. 

Itinaas ko ang kamay ko na siyang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Nabasa ko ang takot sa mata niya dahil sa ginawa ko. Nakita kong napalunok din ito bago ngumiti sa akin. 

"May tanong lang ako," kaswal na sambit ko. 

Tumango ito, hindi pa rin nawawala ang mala-anghel nitong ngiti. 

"Kung sasabihin ko bang nakapatay ako, patatawarin ako ngayon ng Diyos niyo?" Napakurap siya sa tanong ko. Ang iba naming kaklase ay natahimik at napatingin sa akin. "Hindi sa sinasabi kong nakapatay ako pero kung ganoon ang sitwasyon, papatawarin pa ba ako ng Diyos niyo?" 

Hindi siya nakaimik agad. Yumuko siya at napansin kong pinapalagutok niya ang kanyang daliri dahil siguro sa kaba. 

Ang kasama nitong grade ten students ang sumagot. Pero hindi ko ito pinansin. 

Marami na akong naririnig na mga ganitong uri ng tao. Saad nila, Kristyano sila na maglilingkod kay Hesus. At ang tanging nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob upang magpahayag ay ang Diyos. 

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon