16

24 2 0
                                    

Chapter Sixteen.

 I never thought of being this close to nature.

Sobrang ganda ng Sibuyao. Kahit dinaanan ng bagyo, naiwan pa rin ang bakas ng ganda nito. Mula sa malalawak na lupain kung saan malayang maglaro ang mga bata kung nanaisin nila. Ang mga puno na minsa’y magkakadikit ang iba naman ay halos ilang metro din ang layo. Napakaganda pa ring masdan ang paligid at damhin ang malamig na simoy ng hangin. Napaka-payapa. Bagay na gugustuhin mong balik-balikan na lugar. 

The unfamiliar breeze brush my skin and it is so good that I didn’t want the drive to end. Maybe this is why we were told to enjoy the journey. To appreciate every place you would pass through before you reach your destination. Because even though some of them was disaster, they were still beautiful. 

As much as I want to stay looking at them, the drive has ended. Nakarating kami sa pupuntahan namin. 

Covered court sa Sibuyao ang tinigilan ng sasakyan. Maraming mga taong nasa loob kahit kakapasok pa lang ng sasakyan sa malaking gate. May hile-hilerang monoblocks sa dalawang partition sa loob. May mga nurses akong nakikita sa isang lamesa, habang sa kabila naman ay mga nakasuot ng kulay puting t-shirt na kagaya din ng suot ni Luke. May printed name iyon sa harap na “Ephesians’ Kind of Love Community.” 

Nakababa na kami ni Luke ng sasakyan nang abutan niya ako ng isang plastik ng t-shirt. Alam ko na agad kung ano iyon kaya ako na mismo ang naghanap ng cr para makapagpalit. I’m wearing another uniform again. 

Paglabas ko ay nakasuot na din ng parehong t-shirt si Tita Susana at kasama na siya sa mga nagdidistribute ng mga pagkain mula sa iba’t-ibang kahon. Lumapit ako sa kanila para tumulong din. 

Mahaba ang pila ng mga taong binibigyan ng ayuda. May mga bata, babae o lalaki, matatanda, at mga senior citizens. Karamihan nga lang sa mga ito ay nasa kabilang linya kung nasaan ang medical check-up. 

Isang matandang babae ang ngumiti sa akin nang tuluyan na akong nakalapit sa malapad na lamesa. 

“Ikaw nga ‘yung nobya ng anak ni Dr. Santos, ano?” Hindi maayos na ngiti ang naibigay ko sa matanda. Magiliw man ang pagkakasabi nito ngunit hindi ko naintindihan ‘yung sinabi niya. Baka napagkamalan lamang ako na ibang taong kakilala niya. Ni hindi nga ako pamilyar sa Santos. “Nakita ko kasi kayong bumaba sa sasakyan niya. Ikaw nga siguro iyong kinukwento ni Dok.” 

Matanda na ito pero mahusay pa rin sa pagtulong. Ito ang nagbibigay ng mga supot ng eco bags sa mga nakapila. 

Siguro’y si Luke ang tinutukoy niya. Wala akong kilalang Dr. Santos pero sa tingin ko’y ang tatay iyon ni Luke. Santos. He’s a Santos. Now, I finally know his surname. 

“Ako na po diyan, Nay.” Saad ko dito dahil parang mabibigat ang mga iyon.

“Sigurado ka, hija?” 

Tumango ako saka ngumiti. May mga lalaki din naman sa site, mas marami nga lang ang mga kababaihan na volunteer at karamihan din sa kanila ay matatanda na. Parang si Luke at si El pa lamang ang nakikita kong kabataan dito. Sa kabilang lamesa naman ay mga nurse ang naroroon at ilang doctors sa tingin ko. Isa sa pamilyar sa akin ay si Nurse Triz na siyang parang pinaka-bata sa kanilang naroroon. 

“Yung pulang eco bag ay groceries ng pagkain, yung green ay mga sabon.” Paliwanag nito habang binigyan ang isang nasa pila. Nang makapagpasalamat at umalis iyon ay pina-abante niya ako para ako ang magbigay ng mga susunod. 

“Dito ka muna, hija. Okay lang? Sisilipin ko din ‘yung niluluto para sa kanila.”

“Opo,” pagtango ko sa matanda ay saka siya umalis papunta sa sinasabi niya. 

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon