18

23 3 0
                                    

Chapter Eighteen

Muntik ko nang masaulo ang bawat dots na kupas sa kisame ng kwarto dahil sa tagal kong matulog. Matapos ng naging pag-uusap namin ni Deanna ay kahit ilang pwesto o posiyon pa ang gawin ko, hindi ako dinadalaw ng antok. 

Deanna told me that there’s nothing wrong with it. Hindi niya ako inasar sa naging pag-amin ko. Ni hindi siya nagulat. Parang alam na niya agad ang tungkol doon. Parang normal lang na makarinig siya ng ganoong klaseng problema. Para ngang mas natuuwa pa siya sa nalaman kahit hindi niya sabihin. 

Linggo kinabukasan kaya kahit kulang ako sa tulog ay maaga pa rin akong gumayak para sa worship service. Kumpletong muli ang pamilya nila, samantalang tumanggi si Tita kanina nang ayain ko siya. Walang tanong-tanong si Tita nang umalis ako sa bahay. Sinalubong akong muli ni Shama na parang ilang taon na naman kaming hindi nagkita. Nagsimula na din kaming maging close ni El. Malambing pa rin ang kanyang mga magulang sa akin lalo na ang kanyang ina. 

Isang suntok sa buwan. Ilang buwan bago ako magtungo dito sa Marinduque ay may posibilidad pang maantala ang pagtuloy ko dito. Ayaw akong pakawalan noon ni Papa. Pero tumakas ako. Wala akong isang salitang umalis ng bahay habang natutulog siya. Noong araw na iyon ay hindi ako nakaramdam ng kahit na ano ngunit bitbit ko ang kaginhawaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay may isang pangarap akong nakawala sa hawla ang tuluyang naganap ng naisakatuparan ko ang pagluwas. 

Hindi lamang literal na malayo nga ang napuntahan ko. Malayo na nga ako ngayon. At kahit imposibleng patunayan, hindi na basta si Istin na lamang na nagpapanggap na malakas ang buhay ngayon. May panibago na akong pagkatao na siyang nabuksan dito sa lugar na ‘to. I just know that it’s not the place that changed me. Though marinduque is a witness of my slow but sure transformation, it’s God who put me here that truly changes me. 

Days went smoothly. Dahil may part-time ako ay hindi na kami nakakagala ni Luke tuwing sabado. Dahil din siguro naging busy siya ay may mga pagkakataon din na hindi na kami nagkakasabay sa umaga o hindi na niya ako nahahatid-sundo. Gayunpaman, walang humpay pa rin ang komunikasyon namin.

I am aware of my heart. Sa tuwing maiisip kong ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko ay kusang umaatras ang dila ko. Para bang sanay na ito na kapag may gagawin ako at hindi magiging maganda ang kahihinatnan non ay pinipigilan na ako ng sarili kong katawan. It feels so unfair not to let him know about what my heart feels for him. But I still don’t know how to have the courage to do so.

Mabilis ang naging paglipas ng panahon. Tila isang kurap ay Christmas break na namin. Tapos na ang unang apat na buwan ng senior high. Bago matapos ang semester ay hinatiran ko si Tita ng isang magandang balita. I was on the honor list. Kaya si Tita, nagpahanda sa buong compound. At syempre, malakas ang radar ni Luke dahil hindi din siya nagpahuli. O baka dahil may contact ito kay Tita kaya agad niyang natunugan na may handaan sa amin.

Sanay na yata ang buong compound na nandito si Luke kaya hindi na sila nagulat sa presensya nito. Ang bago lamang ngayon ay kasama niya ang mga kapatid. 

“Hi Ate!” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni El mula sa pinto. Agad na maingat kong binitawan ang hawak na mangkok at sinugod sila ng yakap.

Yes. I became fond of hugs. Simula din nung hapon na dinala ako ni Luke sa tabing-dagat at ang unang pagkakataon na nayakap ko siya, parang araw-araw ko na siyang hinahanap. 

“Wow, ang bango naman no’n, Ate Doll,” napangiti na naman ako sa tinawag sa akin ni El. Nasanay na din siguro siya sa ganoong pagtawag sa akin ng kanilang bunsong kapatid. Mabilis naming pinutol ang yakap dahil nakapasok na din agad si Shama sa bahay.

Umirit ito na umalingawngaw sa buong sala. Nang mahanap ako ng kanyang mata ay mabilis siyang nagtatakbo sa akin. Inangat ko siya habang yakap yakap sa aking braso. Pinugpog naman niya ako ng halik sa pisngi habang inuulit-ulit kung gaano daw niya ako na-miss. 

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon