29

7 3 0
                                    

Chapter Twenty-Nine

Imprisoned for spreading the gospel, Apostle Paul endured chains and dark cells, yet he never wavered in his faith.

In his letters, he wrote of contentment, joy, and hope, even in the midst of suffering.

When he said in one of his letters that he learned to be content in whatever circumstances he was in, it struck me.

Paul sees God's plan even in his harshest situations.

As I closed my eyes, I could almost feel the cold prison walls around him, and his unwavering trust in God's greater purpose.

That trust... I wish I had it back then, when I stood in the market with my hands trembling.

The day I was escorted to the police station for stealing food, I didn't feel like Paul.

But I was just a kid back then. I don't know anything about faith.

I felt like I was drowning in shame. I didn't steal because I was desperate for Christ like Paul, but because I was desperate for survival. The officers looked at me with disgust, and I felt smaller than ever.

Halos maalog ang utak ko nang marahas akong hinila sa aking damit mula sa likod. Malakas ang taong iyon na agad nagbigay sa akin ng matinding kaba.

Yakap-yakap ko nang mahigpit ang isang plastik ng monay na siyang kinuha ko sa isang tindahan dito sa palengke.

Mariin akong pumikit nang maramdaman ang marahas na pagbitbit sa akin ng taong iyon sa gilid ng kalsada.

"Tatakas ka pa?" Namuo na agad ang luha sa mga mata ko. At mabilis iyong tumulo kahit nakapikit pa ako. "Bata, saka ka pa magnanakaw kung kailan may rumorondang mga pulis sa bayan."

Dinig ko ang pagka-dismayado ng lalaking hawak ako. Marahas niyang kinuha sa akin ang tinapay kaya napamulat ako. Unipormadong lalaki ang nakatingin at nakakunot sa akin.

"A-Akin na po 'yan-"

Lalo lang niyang inilayo sa akin ang ninakaw kong pagkain. Umiling ito matapos ng ilang segundo. Hindi niya ako binitawan hanggang sa bumalik siya sa tindahan kung saan ko iyon kinuha saka binayaran. Pinilit niya akong sumakay sa sasakyan nila kaya walang maliw ang pag-iyak ko.

Tumigil siya sa isang street kung saan walang tao. Tinanggal ang seat belt saka humarap sa akin.

"Ilang beses ka nang nahuhuli. Bakit hindi ka pa rin tumitigil?" saad niya habang binubuksan ang plastik. Kinuha niya ang isang tinapay doon bago inabot sa akin.

Tiningnan ko siya nang matagal, nagtataka. Nag-iisip ang batang ako kung hindi ba niya ako dadalhin sa police station at isumbong ako sa magulang ko.

"Kainin mo na. Hindi na 'yan galing nakaw kasi nabayaran ko na."

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang tinapay. Naluluha akong kumagat doon.

Masakit na ang tiyan ko sa pagpapalipas ng gutom. Kahit alam kong masama ang ginagawa ko, wala naman akong ibang paraan para makakain.

"Pwede kang mamalimos. O manghingi sa mga magulang mo. Bakit kailangan mo pang magnakaw?"

Bihira lamang ang makakita ng isang pulis na tutulong sa akin at palalampasin ang ginawa ko. Kaya panay ang tulo ng luha ko habang kinakain ang binili niyang tinapay para sa akin.

"Sana, ineng, hindi na ito mangyari ulit."

Binili niya ako ng ilan pang pagkain bago niya ako hinatid sa tinuro kong tirahan ko. Nakita kong naningkit ang kanyang mata nang makita ang bahay na halos lahat ng makikita mo ay yero. Ngunit hindi na siya nagsalita. Tinanguan lamang niya ako saka umalis na doon.

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon