06

12 3 0
                                    

Chapter Six.

As if I really care if may hilamos siya o wala. Mukha ba akong interesado tungkol doon? Mukha bang gusto ko pang alamin kung anong sabon o facial wash ang ginagamit niya?

That was so random and definitely so unexpected of him. Kakamulat pa lang niya pero ang iniisip na niya agad ay ang paghihilamos niya.

He keeps on surprising me. Parang kahit araw-araw yata kaming magkasama ay palagi akong may matutuklasang kakaiba sa kanya.

Who would really think of their face after finding out they're in hospital? I know one.

If I were to look back, I don't remember ever staying in the hospital just to keep watch over an acquaintance. Or to engage in conversation with a guy about things I'm not really interested in. It's like, I don't have time to entertain new people who will join my life.

It was so draining to be with me. I, myself, knew that. That's why I don't really have friends, aside from Deanna, Marah and Adira. 'Yung sa frat naman, alam nila ang ugali ko. Alam nila ang kahinaan ko. At alam nila ang mga kasalanan ko. They are my go-to when I have debts. So probably, that's just my relationship with them. I am a debtee and they are my debtors.

Nakakapagod akong kasama. Kaya't walang nakikihalubilo sa akin. I can't even smile a little. Kung may listahan ng kasalanan, mas madami pa iyon kaysa mga posibilidad na may taong nagustuhan ang personalidad at pagkatao ko.

They all think of me as someone who doesn't know how to feel. An evil one. Most people would describe me as someone you couldn't rely on. Because to be honest, I made myself that kind of a person.

But deep inside, I know I am a deep thinker, an overthinker, a girl who thirst for care and affection. And never did I admit that. Never will I.

Ngayon, habang pinapanood ko si Luke na hindi magkamayaw sa pagpahid ng kanyang mata nang hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon, ay hindi ko maiwasang mapaisip kung paano niya ako napagtyatyagaan.

Bakit sinundan niya ako sa palengke kanina? Bakit hindi na lang siya umalis? Bakit nanatili pa din siya kahit masama na pala ang pakiramdam niya? Bakit hindi man lang siya nagalit nung ininsulto ko siya na bumili na lang ng kausap niya kasi ayaw kong makasama siya?

Bakit napaka-buti pa rin niya?

Kung patuloy niyang gagawin ang bagay na 'yun, baka lalo akong malunod sa pag-iisip at pangamba.. Baka mahumaling ako at hilingin na lang na sana hindi siya magbago. Or worst, baka ipagdamot ko pa siya.

Baka maamin ko na sa mga katulad kong nagtatago lamang sa isang maskara, hindi naman ganon katibay iyon para tumagal pa.

Matapos ang hindi ko mabilang na segundo na pinapanood ko lamang siya ay saka pa lamang siya bumangon. Kumpara kanina ay hindi na siya ganoon kaputla. Ang ngiti sa labi niya ay muling umusbong. Hindi ko na rin makita ang pagka-pagod sa mukha niya. Para siyang na-refresh mula sa pagkakatulog.

"Kamusta ka?" Matagal kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mata niya. Siguro dahil masyado iyong malalim para basahin o masyado akong mababaw at distracted para malaman pa iyon.

Sa tanong niya, madali lang naman ang sagot. Pero nakalikha na ulit ng panibagong tanong ang isip ko dahil don. Why is he asking me that when he knows I was not even injured? Hindi ba't dapat siya ang tinatanong ko no'n?

"Anong kamusta ako?" Kunot ang noo ko. "Ikaw ang nakahiga diyan."

Hindi ako umalis sa gilid ng kanyang kama. Isang hakbang lang ang distansya ko sa kanya. Gano'n kami kalapit sa isa't-isa pero hindi ako naiilang. Ni hindi ko kayang kamuhian ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi siya natatakot sa pagkunot ng noo ko, o sa lamig ng tono ko.

Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon