Content Warning: Intense Themes
This chapter includes sensitive topics such as suicide, mental exhaustion, and infedility. Please proceed with caution.
Song for this chapter: Heaven's Eyes by Jillian Edwards
Chapter Thirty-One
GEOFF
Halos mapapikit ako sa sobrang sakit ng aking ulo. Hindi ko na nabilang kung nakailang bote ako ngunit ngayong tanaw ko ang malawak na katubigan sa harap ko ay sigurado akong hindi ang alak ang sanhi ng sakit ng ulo ko.
Samu't-saring ala-ala ang patuloy na nagpapaulit-ulit sa aking isipan sa hapong ito. Tila sirang plaka na hindi tumitigil. Isang patugtugin na walang paraan para mamatay. O isang bagyong tuluyang sinisira ang aking ulirat.
Madaya ang buhay. Bilyon ang tao sa mundo ngunit namimili ang tadhana ng pahihirapan niya. Kung sino pa ang pinagdadamutan ng pribilehiyo ay sila pa mismo ang inuutakan sa maraming bagay.
Nasa unang bahagdan ako, ngunit mamali lamang ako ng tapak ay maaari akong mahulog sa tubig na nasa harap ko. Walang tao sa paligid at walang maiiwang bakas mung dito ko piliin na tapusin ang aking buhay. Walang makakakita.
Ilang beses kong nilaban ang pangarap ko, ang naisin ko, ang prinsipyo at ang hangarin kong mabuhay pa ng matagal. Ngunit kahit marangal pa ang daanan ko, lagi pa ring agrabyado. Parang walang naiiwang ibang pagpipilian para sa mga katulad ko.
Ako ang panganay na anak. Ama na nasa pasilidad ng mental hospital. May ina na nasa bahay ng ibang lalaki. Kapatid na nahuli ng mga pulis noong isang buwan dahil sa pagbebenta ng mga droga. At ako na nag-iisa ay tila isang basahan na maaari mong itapon na lamang basta.
Kanina lamang ay pinalayas ako sa tinutuluyan ko dahil napagbintangan ako ng amo namin na ninakaw ang kagamitan ng kanyang asawa. Kahit magpaliwanag ako, hindi nila ako pakikinggan. Dahil bago pa nila alamin ang katotohanan, nakupasan na ng istorya ng pamilya ko ang pagkakakilala nila sa akin.
Hindi ako nakatuntong ng kolehiyo kaya ganoon na lamang ako kababa para sa kanila. At aminado ako na mahina din talaga ang kukote ko sa ibang mga bagay. Lalo na sa wikang ingles. Pero alam kong sa tuwing nagkukwentuhan sila sa hapag, ako ang pulutan nila. Ako at kung gaano kabobo sa paningin nila. Kapag nagsimula na silang magsalita ng ingles, senyales na iyon upang umalis doon dahil ako na ang pag-uusapan.
Mahina ang aking utak pero sa edad na labing-siyam na taon, sapat bang maging ganito kalupit ang mundo sa akin?
Wala na akong plano ng hapong iyon. Ang gusto ko lamang ay tapusin na ang buhay ko gayong wala rin akong mahanap na rason para magpatuloy pa. Wala na rin namang maghahanap sa akin. Walang naghihintay sa akin.
Pinalis ko ang luha mula sa mata ko saka kumapit sa bakal na hawakan para iangat ang aking mabigat na katawan. Napalunok ako nang makatayo at matitigan ang mapayapang paggalaw ng dagat sa harap ko.
Kung sakaling mahalikan ko na ang tubig, magiging mapayapa din ako katulad nito.
Pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako paborito ng tadhana. Na kahit sa pagkakataong iyon, hindi niya ako pinaburan sa gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Devil Meets The Grace (Godsent Series 3)
EspiritualFor Hristina, life is nothing but a maze of darkness. In her dull life, her friends are what makes her live. For her, nothing can even change her. Not until she met the exact opposite of her fragile and broken heart. Someone whose grace is sufficien...