Prologue

63 8 7
                                    

Prologue
___________
YVVAINE CYE DELA CRUZ'S LIFE
(This is more like introduction of hers.)
_____________

Kabilib-bilib ang pag-ibig. Marami na ang naging biktima nito. Some went to the wrong way while others kept on the right path. Kagaya nalang ni Mama na nagmahal at nasaktan.

Iniwan kami ng tunay naming ama ng malamang kambal ang pinagbubuntis ni Mama. Dahil doon ay kinamuhian na niya ako. Hindi ko alam kung bakit ako pero pinilit ko na lamang intindihin iyon. Muling nagmahal si Mama at kasabay noon ang paghilom ng mga sugat niya. Unti-unti niya akong napapatawad dahil kay Tito Kierven.

Tila naging susi ang kanilang pagmamahalan sa pagsarado ng mga galit ng nakaraan. Kahit na tapos na ang nakaraan kagaya ng ilaw na nasisilayan natin sa likod ng mga pintuan, mayroon pa ring tirang galit na pilit kumakawala.

Nasa atin nalang talaga kung bibigyan pa natin iyon ng pansin o hahayaan na lamang ang ilaw na iyon.

"Yvvaine, mag-aral ka nga! Ang bababa na naman ng mga grado mo!" sigaw ni mama sa kabilang linya ng cell phone.

Naka-yuko ko iyong tinanggap kahit sa loob loob ko ay gusto ko na sabihin ang nangyayari. Ang nangyayaring pagpapabaya ko sa pag-aaral ko para lang sa mga kapatid ko.

"Tignan mo grado ni Lyviane, sobrang tataas!"

"Ma.." 'hindi mo ba tatanungin kung bakit ganan iyan?' Gusto ko man sabihin, ay huwag nalang.

Naghihirap na rin kasi si mama at papa sa ibang bansa, mapalaki lang kaming magkakapatid.

Kambal kami ni Lyviane ang panganay, pero ako ang tumatayong panganay sa amin.
May tatlo pa kaming kapatid na lalaki, si Leondrei Akiro at Lorenzo Yshan , at ang bunsong si Louis Yvyan.

Hindi kami pare-parehas ng mga ama, kami ni Lyv ay anak raw ni Jiro na hindi ko pa kahit isang beses ay nakita. Si Leo at Shan ay anak ng stepfather namin ngayon at si Yan-yan naman ay anak ng 'di namin kilala. Akalain mo iyon? Nagawa pa rin magloko ni Mama kay Papa. Sa isip isip ko ay sinapak ko ang sarili ko, hindi ko dapat pinag-iisipan ng masama si Mama. Marahil may dahilan si Mama bakit niya nagawang magloko.

Kahit magkakaiba ng tatay, magkakapatid pa rin kami at dapat ay nagmamahalan.

"Yan-yan, 'wag 'yan, ay!" pagsuway ko ng makitang kinakalikot niya ang extension.

Pero kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, mahirap talagang maging ate.

Bumaling muli ako sa laptop ko, "Ma, si Lyv naman ho ang tawagan nyo ha, bye na po at pasensya na!" Binaba ko na ang monitor ng laptop. Binuhat si Yan-yan tsaka bumaba na.

Anim na taon palang si Yan-yan ngayon kaya hirap pa ako mag-alaga, pero at least hindi na katulad noong baby pa siya.

"Leo, maligo ka na nga. Amoy araw ka!" ang pag-aalaga ng kapatid ay tunay ngang nakaka-stress, lalo na mga 9 years old na bata ngayon!

Kahit mahirap ay kinakaya ko ang pag-aalaga sa kanila, hindi ko din naman maasahan si Lyv. Gusto ko lang magfocus siya sa pag-aaral, baka kapag bumaba rin ang grades niya ay maging katulad na ng trato ni mama sa akin ang pagtrato sa kaniya.

9 years old pa lang ako ng umalis si mama at sumunod kay papa. Hindi naman tunay na ama ngunit tunay na ama ko siya kung ituring.
Sanggol pa lamang non si Yan-yan.

'Tama na nga kaka-isip ng kung ano-ano. Hindi na rin naman mababago iyon.' sambit ko sa sarili.

"Shan, bili ka nga munang bigas."

Hindi ito sumunod at patuloy lang naglaro ng jumbled letters.
Inis ko siyang linapitan at nilapag sa tabi si Yan-yan.

"Ate naman, eh!" padabog siyang tumayo at kinuha iyong inaabot kong pera.

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon