Naglalakad kami pauwi ni Salvin. Nauna na umuwi si Lyv kaya siya na ang nagsundo sa mga kapatid namin.
"Hindi kita nakita kaninang lunch." he bluntly said.
Tumikim ako, "Ay, sumabay ako kanina kay ano.. Laur.. Laury!" hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanda ang ngalan niya.
Tumango tango lang siya.
"Madami bang chismis ang na-miss ko?"
Tumawa ito, "Gaging chismis yan,"
"Mali ba? Ayy, hindi siguro chismis!" ngumisi ako, "Ikaw siguro! Miss mo ko, no?"
Namula ito at tinawanan ko lang naman iyon. Alam ko naman kasing walang gusto tong gagong to sa akin. Ayaw niya lang ng nalalaman ng iba ang nararamdaman niya. Like nahihiya ganurn!
Napahawak ako sa tiyan sa kakatawa. "Ang cute mo namang mahiya!"
Sa sobrang hiya, "Amp!" tinakbuhan niya ako.
"Hoy! 'Pag talaga nalaglag yung tubigan ko!" dala dala kasi niya ang bag ko.
Hinabol ko siya pero dahil lagi kong hinahabol yung si Leo ay naabutan ko agad siya.
Dinilaan ko siya, "Kala mo ha!" hinila ko ang bag niya.
"Uy gaga!"
Dahil sa kagaguhan ko' y napahiga siya lapag.
Siyempre dahil may sumanib na demonyo sa akin ay tinawanan ko muna siya bago tinulungan.
"Isa't kalahating demonyo!" sigaw nito sa akin bago kinuha ang kamay ko.
Tumawa ako ng pagkalakas lakas kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Sa likod talaga ng mahiyaing babae sa eskwela, isa't kalahating demonyo ang makakaharap mo sa lansangan!" tukoy niya sa akin.
Inasar-asar ko lang siya hanggang sa maka-uwi. "Sorry na nga, eh!" sigaw ko ng ayaw na niya akong pansinin.
"Yan-yan! Ikaw nalang bestfriend ko." loko-lokong sabi niya. Yinakap pa niya ito.
"Yan! Ako yung ate mo, ah?" di makapaniwala kong saad. Siya agad ang binungad ng bunsong kapatid ko.
Bumuntong hininga ako, "Shan? Leo?"
Agad bumaba si Shan at humalik sa pisngi ko. "Ate!" yinakap niya ako ng mahigpit. Napalaki ko silang napaka-clingy, dinaig pa ang babae. Pero at least marespeto.
Lumingon-lingon ako, "Asan si Leo?"
"Ay, asa court po ata." tumango nalang ako sa kaniya.
Tinapik ko ang balikat ni Salvin na nakikipagbiruan pa rin kay Yan-yan sa pinto.
"Pupuntahan ko lang,"Tumango lang siya.
Magdidilim na kaya tinakbo ko na ang patungo sa court. "Leo! Isa! Dalawa!"
Aagawin pa sana ang bola ngunit ng makita ako ay kumaripas ng takbo papunta sa akin. "Ate!"
Hinalikan niya ang pisngi ko at yumakap. "Pawis na pawis ka!"
Ngumisi lang siya.
Pinupunasan ko ang likod niya pauwi. "'Musta school?"
Sumingkit ang mga mata niya, "Ang daming babaeng mga nakakainis!"
Tinawanan ko siya, "Leo, ha. Huwag masyadong masungit ha pero wag din magjojowa agad."
"Ate, ang hilig mo namang mang sermon!" inis niyang sambit.
Sasagutin ko pa sana siya pero pagpasok namin ay agad siyang nagdabog.
![](https://img.wattpad.com/cover/367807629-288-k784638.jpg)
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...