"Ano na naman tong nakikita ko?! Yvvaine Cye Dela Cruz!" sigaw ni mama sa kabilang linya.
"Ginagampanan mo talaga
yang walang kwenta
kong binigay na pangalan
sayo no? 'Yvvaine', 'in vain'!"Narinig ko ang paglunok nito, "Nagpapakahirap ako dito sa Taiwan!" sigaw pa niya, "Ta's eto ipapakita mo sa akin?!"
'Ma.. Tama na..' nakayuko ako dahil ayaw kong makita ni Mama ang pagkawala ng sakit na nadarama.
"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na atupagin mo yang pag-aaral mo!" kinuha niya ang cell phone at tinapat iyon sa camera ng laptop.
"87?! Sinong matutuwa sa 89?!" bulalas ni mama.
Ang lakas lakas ng sigaw niya, buti at sinara ko ang pinto ng kwarto para lang hindi iyon marinig ng mga kapatid ko.
"Yuko-yuko ka pa! Ano ka nagpapa-awa?!" mama scoffed, "Palibhasa kasi puro kalandian ang inaatupag!"
' "Kalandian" , Ma?' bumuhos ang mga luha ko. "Mama, h-hindi naman po 'yon sa gano'n.."
"Ine-expect mo ako---" bumukas ang pinto ng cr nila.
"Hon, pinapagalitan mo na naman ba si Cye?" malambing na sabi ni papa.
"Galit?" tanong niya rito. "Pinagsasabihan ko lang yang magaling mong anak!"
"Magaling naman pala, eh. H'wag ka na magalit. Maligo ka muna," binigyan niya si mama ng towel at pinapasok sa cr.
Umiyak ako ng tuluyan, "Papa..." pagtawag ko sa kaniya.
"Ay.. Anlaki-laki na ng anak ko, iyakin
pa rin. Tahan na." tumingin siya sa cell phone ni mama. "Matataas naman pala ang grades mo, eh!" pagpuri niya."'Wag masyado galingan ha? Need
mo rin ng pahinga." ngumiti siya.
"Okay lang na hindi mataas ang grado,
basta na-enjoy mo at may natutunan!""O' sya. Matutulog na kami. Gabi na dito."
Ayun lang ang sinabi ni papa pero lumuwag agad ang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero ang kanina ko pang linalabanan ay kumawala na.
"Gusto ko lang naman sila alagaan, ah..." umiyak ako ng lalo... "Hi-hindi ko nam-naman.." sinasadya na mapabayaan ang pag-aaral ko.
"Knock! Knock!" rinig kong pagkatok ng kung sino.
Agad kong inayos ang sarili ko bago binuksan ang pintuan. "Oh gago, ba't ka nandito?"
Tumawa siya ng malakas at ngumiti sa akin. "Makikitulog lang, masama ba?" alam kong hindi iyon ang rason at hindi totoo ang ngiting iyon pero mas magandang siya na ang magsabi.
Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok siya. "Nagawa akong damit ko, pasok."
Binagsak niya ang sarili sa higaan. Umupo na rin ako sa upuan ko at nagsimula ng gumuhit ng mga damit na gusto ko.
"Akala ko ba model ang gusto mo?"
"Syempre, paano ka magiging model kung wala kang damit?"
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...