Lumipas ang mga araw na lagi akong sinusundo ni Salvin at Terrence sa eskwela. Hindi ko alam kung gumawa ba sila ng schedule o ano, sa umaga'y sabay nila kong sinusundo at sa hapon ay hinahatid pa ako. Simula iyon nung kada Sabado at Linggo ay nakila Laurence kami.
"Tigil tigilan niyo nga ako." reklamo ko sa kanila.
Higit higit ni Salvin ang kabila kong braso habang nakasukbit naman sa isa kong braso ang kay Terrence.
"Bili na kasi, sumama ka na."
"Oo nga, 15th birthday naman namin ni Salvin next week."
Napatingin ako sa relo ko, meroon ring nakalagay na araw doon, hindi ko namalayang Setyembre na pala. Sa susunod na Lunes ay kaarawan na nila. Setyembre 8 ang kaarawan nila.
Kumalas ako sa mga braso nila at huminto sa paglalakad. "Sabing wala nga akong pera, eh." Hindi naman iyon kasinungalingan, wala talaga akong pera pero siyempre kaarawan ng mga bestfriend ko, alangan namang hindi ko regaluhan diba?
Nakabusangot na naman si Salvin. Habang si Terrence naman ay labas ang mga dimples dahil sa pagkagat niya sa pang-ibabang labi.
I shook my head, "Oo pogi kayo, pero hindi niyo ko madadala sa paganan niyo."
Lumapit sa akin si Salvin at inakbayan ako, "Bili na kasi! Parang sasamahan lang kami, eh."
"Fine!" sigaw ni Terrence na nagpalingon sa amin. "Libre ko na kayong dalawa, bwisit!"
Nagtawanan kami at naglakad na muli. Hinatid nila ako sa silid-aralan ko. Section B ako kaya hiwalay ako sa mga kabarkada ko. Claire, Clevian, Terrence and Salvin ay taga Section A, pati na rin si Lyviane at Aciel.
Kumaway ako sa kanila bago sila tuluyang maglakad palayo.Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng ngiti ni Laurence. Hindi ko alam paano ako loyal pa rin sa crush ko, kasi bawat sulok ay may mga poging nakapalibot sa akin!
Nagdaldalan lang kami hanggang sa dumating na ang guro namin. Na-iintindihan ko naman talaga lahat ng lesson ng mga guro namin. Ang problema lang talaga ay ang pagkukulang ko sa oras para gumawa ng activities. Truth to be told, I always get perfect scores in our exams.
After our class, sinabihan ko si Lyv na siya na ang magsundo kila Leo. Alam kong hindi na dapat sila sinusundo pero masyado akong maalalahanin.
Si Kuya Erwin ang nagsundo sa amin, driver nila na lagi rin nilang tinatakasan. Gusto raw nilang maglakad, jusko!
"Kuya, sa Main Lopezian Malls po tayo, hindi sa po sa bahay." sambit ni Terrence.
I chuckled at his statement and he and Salvin took advantage of that. They pinched my cheeks for the nth time!
In return, I pinched both of their skin. They screamed their hearts out while I was laughing my guts out.
"Isa't kalahating demonyo!!"
Nakatulog na ako sa byahe. Halos kalahating oras rin ang byahe paroon pero dahil may heavy traffic ay umabot ng lagpas isang oras. Nagising na lang ako sa manly voice ni Terrence. Naka sandal pala ako sa balikat niya.
"Prinsesa, gising na po." manly ang boses niya ngunit napaka isip bata ng sinasabi.
Umayos ako ng upo. Nakita ko agad sa kabilang gilid si Salvin. Mukhang nag-iisip ng malalim. Ngunit alam ko namang kalokohan lang ang iniisip noon kaya umiling ako.
"Prinsesa ng mga demonyo," bigla niyang sambit, "Pwede rin, Rence!"
Napasapak na lamang ako sa aking noo. Sabi na nga ba ang iniisip niya lang ay kalokohan.
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomantizmPaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...