Chapter 18

8 1 0
                                    

I cried as I run by the street. Reminiscing every small thing he did for me as my manliligaw. Kahit hindi ko na gusto ang nangyayari sa bahay ay pinilit kong bumangon at um-attend ng graduation na 'to dahil nangako akong ibibigay ko na sa kaniya ang sagot ko.

Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman. Galit ba o lungkot o pagkasawi? Ano doon ang nararamdaman ko? Siguro'y naghalo halo na ang mga ito.

Pangarap ko ang magmahal. Ito ang kaisa-isang pinanghahawakan ko ngunit ito na mismo ang bumitaw sa akin.

I ran around in such a messy state pero hindi na iyon ang iniisip ko. Ang naiisip ko na lang ay paanong... Pa'no nila nagawang sirain ang aking paniniwala?

Bigla na lang bumuhos ang ulan na para bang dinadamayan ako sa aking pagpipighati.

Isa na lang ang pumasok sa isipan ko na maaring makatulong sa akin, ang Panginoon.

Pumara ako ng isang tricycle para magpunta sa Quiapo.

Hindi alintana ang mga tingin sa akin ng mga tao. Lumuhod ako sa harap ng Panginoon. Bigyan Niyo po ako ng lakas harapin ang mga nangyayari sa akin, sa amin.

I cried silently there and took my time.

Inayos ko ang aking mga iniisip. Hindi ko na kayang manatili maging ganito. Kailangan kong subukan muli na ayusin ang lahat.

I did those things voluntarily kaya hindi ko dapat sila sishin kahit sila ang dhilan kung bakit ko ginawa ang mga tungkulin na hindi ko naman dapat akuin. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay kung bakit ako linigawan ni Salvin para ganunin lang.

T*nga ba ako sa parte na naniwala ako sa kaniya? Siguro ay t*nga ako sa parte na iyon kasi alam ko na naman na playboy siya, eh.

"HAHAHAHAHA" I laughed at all the problems that were stressing me.

Umuwi na ako at hindi talaga binibigo ang mga in-overthink ko.

"Fine! Maghiwalay na tayo!"

I closed my eyes habang pinakikinggan ang mga sumbatan nila. Rinig ito hanggang dito sa labas. Kaya ko 'to. I said to myself.

Pumasok ako sa loob ng nagkukunwaring matapang.

Lumingon silang tatlo sa akin. Kita ko ang paglambot ng kanilang mga mata, lalo na si mama.

Lumapit siya sa akin ngunit pinigilan ko siya. "A-anak, magpapaliwanag ako.."

Tumingin ako sa taas para pigilan ang mga luha kong nagbabadya ng dumausdos.

Lumapit rin sa akin si papa na agad naman tinulak ng tatay ko. "Cye, magpakatatag ka, ha?"

___________________________________________

Ang mga kahibangan ni Ivy ay pinilit kong itama. Ayaw kong masira ang pamilyang ito. Linoko niya ako ng maraming beses ngunit hindi ko alam sa puso kong ito bakit mahal ko pa rin siya.

Ngunit ngayon ay pagod na pagod na talaga ako. Mahal ko siya at gusto ko siyang palayain para sa kasiyahan niya. Kaya kong magsustento pa rin sa mga anak ko kahit hindi na kami. Bagay na hindi nagawa ni Jiro.

Pero... Paano ang kawawa kong anak?

Laging ipit si Yvvaine sa lahat ng mga bagay. Siya ang pinaka kawawa sa hiwalayang ito. Siguro sa mata ng iba, ako ngunit alam ko kakayanin ko para sa ika-sasaya ng mahal ko. Ngunit paano ang batang nasa harap namin ngayon?

"Jiro, sandali lang. May karapatan din akong lapitan siya dahil ako ang nagpalaki sa kaniya."

Yinakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko na nagiging basa na ang damit ko sa luha niya at ang mga mata ko'y tumatangis na rin. "Kayanin mo, ha?" Hinaplos ko ang likod niya. "Mahal ka ni papa pero paalam na, anak."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon