Chapter 9

9 6 3
                                    

Time passes by fast. After our last outing with my friends nung marami kaming i-cinelebrate, hindi na kami nakapaggala muli. Nakapagtapos na rin si Leo ng elementarya ng hindi siya ginugulo ng gagong Johnrey na iyon.

Nakakainis lang sa parte na ang bilis tumanda ng mga kapatid mo. Iyong dati lang na pilit kong linalayo sila doon sa yaya namin na hindi ko gusto. Sa sobrang katamaran niya ay kinukulong niya ako sa kwarto kapag ayaw ko sumunod sa mga gusto niya. Parang kailan lang rin ay pahirapan pa na mapatulog si Yan-yan dahil iyak ng iyak. Parang kailan lang ay natakbo pa ng naiyak sa akin si Leo kapag inaaway siya, ngayon kinikimkim na ang lahat. Parang kailan lang rin iyong mga araw na umiyak sa bisig ko si Shan dahil natalo siya sa mga kung ano-ano.

Parang kailan lang rin, naglalaro pa kami ni Lyv. Ngayon ay... Iba na ang lahat. Para nalang kaming magkakilala imbis na magkakambal.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Recognition ngayon nila Leo at Shan, grade 8 at 9 na sila sa susunod na pasukan. Ito ay big deal sa akin dahil ako ang nakapanood ng mga paghihirap nila taon-taon.

Pinuntahan ko na ang nakapila kong kapatid. "Happy yan?" ngumiti ako kay Shan.

Magkasabay lang ang recognition nila. Ma-uunang umakyat ang grade 7 kaysa sa grade 8.

"Opo! Ate, next time with highest honor na talaga ako." nagtaas pa siya ng kamay na para bang nangangako.

"Oo na, kung saan ka masaya." ginulo ko ng kaunti ang buhok niya. "Ang galing talaga ng kapatid ko."

Inayos niya ang buhok niya, "Ate naman, ih." sinamaan niya ako ng tingin. "Makita pa ako ng crush ko na magulo buhok ko."

Natawa ako, may crush na nga pala siya. "Eh? May kaagaw na ako sayo." I pouted. I hugged his head and placed mine above it.

"Ate Cye!"

I let him go and chuckled a bit.

After a bit, tinawag na ang pangalan niya. Ang daming awards! Nangalay tuloy ako kakalagay ng mga medal niya. Ito'y lahat tungkol sa academic. Siguro marami na ang may crush dito.

Pagkababa namin ay hudyat na ng pag-akyat ng mga grade 8. Si Shan kasi ang may pinakamataas na karangalan sa kanilang mga grade 7, walang nagkamit ng highest honor. Siya sana kaso kinulang lang ng isang puntos.

Umupo na muna ako habang iniintay na pumila ang seksyon ni Leo. Huling papa-akyatin ang seksyon nila dahil ito ang first section.

Napangiti ako habang pinapanood ang mga bata na nagkakamit ng mga karangalan. Dati kami ay mga gusto pa batuhin ng teacher namin noong highschool— sila lang pala. Nakakatawa tuloy, parang kailan lang kami lang rin ang mga batang naakyat riyan, ngayon Senior High na yung 'kami' na tinutukoy ko.

Agad akong naglakad palapit sa kapatid ko ng pumila na siya. Bahagya akong napatawa sa katangkaran niya. Dati lang ay ang liit-liit pa nito.

"Ate, humanda ka." nakangiti niyang sabi, "Mangangalay iyang kamay mo, sure 'yon."

"HAHAHAHHAH" pinisil ko ang pisngi niya, "Ang yabang, ah."

Ginalaw niya ang kaniyang ilong.

Hindi nga siya nagsisinungaling. Ang dami nga ng kaniyang naging awards sa athletic. Manang mana talaga nito energy ko.

Napaka-saya ko para sa kanila.

Pagtapos namin ay nagpunta kami sa Jollibee. Nandoon na si Lyv at Yan-yan na katatapos lang rin ng recognition.

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon