Yvvaine's POV
Our awaited week has come, the endless filming came to an end. Restless nights of practicing for the pageantry, all of those, has now ended. I also practiced a lot of baking sa bahay nila Tita Isabella. Hindi ko nga alam kung totoo bang masarap yung mga binake ko o kung maayos ba ang mga lakad ko. They keep complementing me there! Still, their people who are close to me, so baka sinasabi lang nila iyon para hindi ako masaktan.
Buti nga at natapos na rin, haplos haplos ko ang mga buhok nila Leo at Shan habang tinutulak ng aking paa ang nagduduyang si Yan-yan.
Namayat sila dahil sa ang tagal ko ring hindi sila nalulutuan ng totoong pagkain, puro lang sila noodles. Hindi rin naman sila malutuan ni Lyv dahil nag-aaral sila.
Kakatapos lang namin magsimba at kumain. Tumatambay lang kami sa backyard namin.
"Sorry ha," bumuntong hininga ako. "Busy kasi si Ate."
Hindi sila umimik, siguro'y galit pa rin sa akin. Halos kila Alvin na ako nakikitira, doon natutulog tuwing gabi dahil sila ang tumutulong sa akin sa mga kailangan ko.
Minsan ay nakila Claire pa ako dahil siya ang nagtuturo sa akin, medyo stirkta rin kasi. Minsan naman ay napunta ako kila Hazel, nagpapatulong magbake pero daan lang naman yon sa tabi ng bahay namin.
Pumikit nalang ako ng mariin, galit rin siguro sa akin si Lyv.
Sumonod na araw ay unang araw na ng Foundation Week.
Excuse muna ako sa club namin, maghahanda kami ngayon sa likod ng stage. Hindi ko maiwasang kabahan, ito na 'yun! Isa sa mga pangarap ko.
Ang dumalo sa pageant. Dati na nagkaroon ng ganito ngunit hindi ako nasali dahil nga sa takot at awa na rin sa mga kapatid ko.
"Ms. Q&A goes to...." tumingin sa amin ang MC at sa mga manonood, "Sino sa tingin nyo?"
The crowd shouted for my number but inside my head, I was shaking my head so freaking many times! Alam ko naman kasi na mas magaling ang mga sagot ng i---
"Number 10!"
Nanlaki ang mga mata ko ng ako ang tawagin!
Hindi ko iyon inaasahan, pati na iyong best walk!
"For our 3rd runner up!..."
Lubusan ang kaba ko habang pinariringgan ang pahayag ng MC.
Kahit ayu'n nalang ay ayos na. Ngunit tila mayroon pa yata ang mas deserving no'n. Tanggap ko iyon at masaya ako para sa kaniya, kasabay ng kasiyahan na iyon ay ang unti-unting pagkawala ng pag-asa.
Hindi rin ako natawag ng 2nd at 1st. 'Hanggang doon nalang siguro ako?..'
I kept a smile even though my head was getting ruined by a storm of negativity.
"Number 10!"
Nagulantang ako ng marinig ang aking numero. 'Ako ba iyon? B-bakit kaya?....' Nagtaas ako ng tingin at tinabingi ng konti ang aking ulo bilang pagtataka.
"Seems like our Ms. Versaillian still can't process it!" the mc chuckled.
Wait, ano?!
Naglakad na agad ako papunta sa mc at tinaasan siya ng kilay ng bahagya. Tinawanan niya ako ng kaunti. Sinuotan niya ako ng isang korona at sash. Binigyan niya rin ako ng isang trophy!
Ang laki ng ngiti ko dahil doon!
.
.
."Sis! Abot tenga ngiti, ah!"
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...