Sometimes I just wish that I don't get so happy dahil kasunod lang naman nito ay kalungkutan.
Hinatid ako nila Tito at Tita papuntang Laguna para ihatid ako sa Calamba.
I feel like being shot by dozens of daggers of words.
"Sumama ka sa pamilya ni Salvin para magpaskuhan?" Tito George scoffed, "Ano ka? Daughter in-law?"
Dinuro duro ako ni Tita Graciella, "Ang bata-bata mo pa, landi na agad ang iniintindi! Hindi mo gayahin iyong si Lyviane!" turo niya sa babaeng nakanta sa labas kasama ang iba kong mga pinsan.
Tito licked his lips, "No wonder Jiro left ng malamang buhay ka. I bet he predicted that you will just be this rebellious."
Hindi ako makapaniwala sa mga pang-aakusa nila sa akin. "Hindi po gano--"
"Aba'y tumatanggi ka pa! Manang mana ka sa pasaway na Ivy na yon!"
Kumunot ang noo ko, "Kaya ko ho makatanggap ng pang-iinsulto pero huwag ang nagpalaki sa akin."
Humalukipkip si Tita, "Bakit totoo naman diba, Leighra?" pagtawag niya sa kapatid ni papa.
She looked away, "Ang mama mo hindi na nagtino... She cheated with kuya Jiro tapos bumalik ulit kay kuya Kierven noong iniwan siya."
Tita scoffed, "Ang malala pa ay inulit niya ulit!"
I bit my lip, "Tita, Tito, kung pagsasalitaan niyo lang po ng ganiyan si mama. Ako nalang po i-topic niyo."
Hindi ko kaya ang mga pinagsasabi nila kay mama. Lahat iyon ay totoo ngunit pang-iinsulto na ang ginagawa nila ngayon. Bilang anak ni mama siyempre hindi ko gugustohing marinig iyon.
Tito George looked at me in the eye, "Truth hurts right?"
"A-anong truth?"
Nagulat kaming lahat sa tunog na nagawa ng pagbagsak ng baso na hawak ni Leo.
"Leo!"
Agad ko siyang nilapitan, 'di na alintana ang mga bubog na nagkalat.
Hinawakan ko ang braso niya, "Ayos ka lang?"
I squat to look if nasugatan ba siya o hindi. Binuhat ko siya sa likod ko habang tulala pa rin siya sa narinig.
Dinala ko siya sa isang upuan at pinaupo siya para tignang mabuti ang paa niya.
I gave out a relieved sigh ng makitang wala naman siyang sugat.
Linigpit ko muna ang kinalat niya tsaka bumalik muli.
"May sugat ka bang hindi ko kita?" lumuhod ako sa harap niya.
I saw the confusion on his face that made me guilty. Hinimas ko ang pisngi niya. "Patawarin mo ang ate.."
Tumingin siya ng masama sa akin, "Ang dami niyo palang tinatago sa akin." he laughed sarcastically. "ANO YUNG TRUTH NA SINASABI N'YO?!"
Nag-iwas sila ng tingin habang yinakap ko naman siya.
Lahat ng iyon sinarili ko para hindi sila masaktan pero mas masakit palang mataguan ng katotohanan.
Pinatayo ko siya at naglakad pa-alis doon.
Nagpasalamat ako sa Diyos ng hindi kami nakita nila Lyv dahil umalis sila saglit.
He leaned on my shoulder as we walked. I held onto him para lang hindi niya maramdaman na mag-isa siya ngayon. Pumunta kami sa pinakamalapit na mlay ground at umupo sa swing.
Bumuntong hinga ako, "Pasensya na at sinikreto namin ang lahat. Kami ni Lyv ay magkakambal, hindi kami anak ni papa. " Pag-uumpisa ko.
Kinuwento ko ang lahat sa kaniya. Hindi ko inasahang iiyak pala siya para sa akin ng malaman niyang kambal kami ni Lyv. Buong akala niya ay nag-jojoke lang ako kapag sinasabi ko na birthday ko rin ang birthday ni Lyv. Hindi ko naman siya masisisi at never pa namang cinelebrate ni mama ang birthday ko kasama si Lyv kahit na anong pilit ni papa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...