Yvvaine's POV
Pagod na pagod ako pag-uwi dahil sa mga kung ano-anong gustong gawin namin.
Tapos pagkauwi ay bubungad lang sa akin ang kapatid kong kung ano-ano na naman ang ini-inda.
"Ate kasi! Ngayon lang naman gagala kami nila Johnrey!" sigaw ni Leo. Nagmamaktol na naman habang hinuhubad ko ang aking uniporme.
Umalis na agad si Alvin pagkahatid niya kaya wala akong kakampi. "Hindi nga pwedeng sumama ka doon sa basag-ulo na 'yon."
Nagpapadyak na naman siya, "Kaibigan ko nga iyon, tang*na naman ate!"
Huminto ako sa pagtatanggal ng butones at agad siyang sinampal. "Bibig mo!" pagsuway ko sa kaniya. "Sa ganiyang paraan ba kita pinalaki?"
Inismiran niya ako, "Ang laki-laki ko na ate! Sunod sunuran pa rin ba ako?"
Sinampal ko uli siya, "Hinding hindi kita papayagan umalis! Tapos ang usapan! Payagan ka man ni mama at papa o hindi, hindi ka pa rin pwede umalis!"
Umakyat ako sa kwarto at linagay ang mga labahan ko.
Huminga ako ng malalim. Bakit ba pinipilit niyang sumama doon sa basagulerong iyon, tatlong beses na iyon umulit ng grade 6?
Alam ko rin ang ugali niya dahil lagi ko naririnig sa mga nanay sa eskwelahan nila na nakikipag-bugbugan raw ito.
Pumikit ako ng ilang segundo. Sana ay hindi magalit sa akin ang kapatid ko sa pagtutpl ko.
Bumaba na ulit ako para ipagluto sila, gabi na rin ako nakauwi. Napabuntong hininga ako sa inis sa sarili, pinaghintay ko na naman ang mga kapatid ko.
..
.
.
Tapos na ako sa mga gawaing bahay, mag-aalas 10 na ng gabi. Umupo ako sa tapat ng computer ko at pinanood ang paborito kong K-Drama na romance.
Manghang-mangha kasi ako sa mga romance romance. Iba talaga ang epekto nito sa bawat tao, kagaya ng naging epekto nito kay Mama, kay Tita Isabella at Tito Kalix.
Kinikilig akong nanonood sa Netflix, pinag-iipunan ko pa talaga itong panonood ko ng 'My I.D. Is Gangnam Beauty' . Katatapos ko lang panoodin ang 'Strong Girl Bong-soon' noong isang linggo.
Bilib talaga ako sa pagmamahal na iyan! Ini-stop ko muna ang pinapanood at napatulala sa maliwanag na buwan. "Ako kaya? Kailan ako papansinin ng crush ko?" tukoy ko sa kapitbahay namin na walang tulak-kabigin ang kagwapuhan!
Nasa backyard ako ngayon at nakahilata sa papag.
Siguro ay kilala niya lang ako bilang kapatid ng gusto niyang babae. Una palang ay alam ko na naman talaga na gusto niya si Kye (K-ay). Dahil sa sobrang dami ko ng napanood na mga K-Drama medyo umaasa pa rin ako na kahit papaano ay yung katulad sa mga Korean Feels na pakipot kang irereject.
Tama nga si Hazel, isa nga akong boba. Pinilig ko nalang lahat ng mga iniisip at nanood na lamang.
____________________
Alvin's POV
"Vin, anak. Sigurado ka ba na hindi ka na sasabay sa amin?" aya ni Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/367807629-288-k784638.jpg)
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...