"Hi, mga beshy ko!!"
Nakendeng-kendeng pa si Hazel habang papalapit sa amin. Minsan talaga napapa-isip ako what if transgender pala talaga 'tong babaeng 'to.
"Huy! Tulala ka na naman!"
I flinched ng akbayan ako ni Salvin. "Taena! Huwag ka ngang akbay ng akbay!"
He laughed at me and took his arms off my shoulder. "Masusunod mahal kong prinsesa."
"AYIIIIIIEEEEEE!!" sigaw ni Hazel, "Sabi na may something sa inyo!!"
Namula ang aking pisngi. Hindi sikreto ang panliligaw niya, in fact p-in-ost niya pa nga ito noong pasko na pinagkaguluhan naman ng mga tao.
Remembering those comments on his post made me laugh. One of the comments is,"Ang ship ay finally nag-s-sail!"
Hindi ko inaasahang may mga nagsasabi pala na bagay kami. Well, bagay nga kami- bagay maging magkaibigan.
"Boogsh! Si ate mo overthinker nag-divert na sa delulu world niya!"
Namula ako sa sinabi niya at agad na tinignan siya ng masama! "Hilig mo talaga ako ipahiya, ano?!"
Dumila siya sa akin atsaka lumapit na parang wala lang ang kanina, "Tara na nga! Pupunta raw dito si kuya kasama si crushy!"
Kinikilig pa nga si Hazel habang nagsasalita. Mga inlove nga naman, tsk! Tsk!
Lumingon sa akin si Hazel ng may matalim na tingin, "Hoy! Judgemental ka!"
"Luh!" pag-react ko, "'Nu ginawa ko sayo?"
Hindi ko talaga minsan maintindihan kung paano nababasa ng ibang tao ang iniisip ng bawat isa. Ano 'yun? May telepathy?
Umakbay ako kay Alvin na agad naman niyang r-in-eact-an. "Kapag ikaw, pwede umakbay. Kapag ako hindi? What kind'a sorcery is dat?"
I looked at him just so I could roll my eyes.
Sinundan namin si Hazel papaakyat ng hotel.
Ngayon lang ulit kami magsasama-sama. Pumayag ang mommy ni Hazel na gumala siya basta sa under her supervision lang. That's how we end up here sa isang beach property nila. Ang Verizon Beach Resort na ubod ng kagandahan at kalinisan.
Ngunit iba pa pala ang terms ng daddy niya, need pa palang isama ang kuya niya.
Bumulong ako kay Alvin. "May takas ba tayo doon sa mga 'yun?" turo ko sa mga nasa likod naming lalaki.
Kanina pa may sumusunod sa amin na bodyguards na para bang minamatsagan ang bawat galaw namin. Naka-suot ang mga lalaking may malalaking katawan ng suits, mala-mafia! 'Di joke lang, HAHAHAHAH!
"Bodyguards 'yan ni Claire at Clevian. Super cautious na parents nila!"
Bigla akong nakaramdam ng konting lungkot. Kaunti lang naman, I swear. Just enough to make a tear slide down from my eye.
Alvin noticed that little tear, "Hey, why? What's wrong?"
I removed my arms on his shoulder wiped my tear. "W-wala! Napuwing lang ako, ka-bwisit nga, eh!"
Is it wrong for me to be jealous of what others have that I can't get? Is it wrong? I also want some parents love, attention and care. Napapaisip na lang ako minsan, ano bang pakiramdam ng strict parents?
"Hoy!" sigaw ni Hazel na pabalik na sa amin. "Lakad pala ako ng lakad, hindi naman pala kayo nasunod!"
Tinawanan namin siya. "Clown ka ba?" I said as I keep on laughing.
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...