Chapter 11

8 6 3
                                    

Hindi ko gustong maramdaman nila ang hinanakit ko kaya hindi ko na pinaalam sa kanila iyong tungkol kila mama.

Kahit na masakit ang mga nangyayari sa akin, kagaya ng sabi noong pari ay huwag kong problemahin ang problema. Tinago ko lahat ng mga kalungkutan sa ilalim ng mga ngiti.

"Claire, 'musta?" I beamed a forced smile.

Nakahigang walang malay ang isa sa mga kaibigan ko, puno ng sugat at pasa. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Ang sama kong kaibigan. Hindi ko manlang naisip na baka may nangyayari na pala sayo.

Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. Hindi niya ito deserve.

Ako ang nagbabantay sa kaniya dahil ginagawa pa nila tita ang lahat para lang makulong iyong gagong yon.

"Cye?"

Napalingon ako sa dalawang lalaking kadarating lang. Nginitian ko sila, "Andiyan na pala kayo."

Lumapit sa akin si Alvin at binatukan ba naman ako. "Sabi ko sayo kumain ka, ah! Sino palang kakain nito?" tinuro niya iyong Jollibee burger steak na in-order niya kanina. "Multo?"

Umirap ako sa kaniya, "Oy, hindi naman kita pinabili na'n." Bili ng bili hindi naman kakainin tapos ibibigay sa akin.

May biglang humila sa damit ko kaya nagpa-dala nalang ako't ayaw kong masakal. Binitawan lang kami ni Terrence noong nasa labas na kami ng kwarto. "Nagpapahinga si Claire, sigaw kayo ng sigaw!" he pinched the bridge of his nose.

Napa-pikit ako sa lakas ng boses niya. Siniko ko tuloy itong katabi ko. Kasalanan niya 'to, eh!

Umalis nalang kaming dalawa ni Alvin sa Ospital.

Nakahalukipkip pa din ako habang itong isa' y nag-aaral na naman. Dinala ba naman ako sa library, eh hindi naman ako nag-aaral kapag bakasyon.

I took out my pocket book from my bag. Hindi ko alam kung anong mayroon sa sarili ko pero kahit alam kong hindi ko naman mababasa ay may dala akong libro. Habit I guess?

Isa itong romance book. May parang kung anong tumusok sa puso ko.

Umiling ako, laging may pagsubok sa pag-ibig pero dapat hindi ito sinusukuan.

"Tumigil ka nga." hinawakan ni Alvin ang palapulsuhan ko ng muntik ko na siyang mahampas. "Attention seeker ka ba?"

Hindi ko namalayang nahampas ko na pala si Alvin. Inirapan ko siya. "Kung oo, hinding hindi ako magiging ganoon sayo not until the day I don't believe in love, kaso hindi 'yon mangyayari." mahina kong sabi.

Babawiin ko na sana ang palapulsuhan ko ng higitin niya ako palapit, "Hindi mo na naman kailangan maging attention seeker kasi kuhang kuha mo na ang atensyon ko." he smirked.

Namula ang mga pisngi ko, malapit ang mukha niya sa akin. Nangaakit ang mabango niyang amoy. Tinabig ko ang kamay niya at nag-iwas ng tingin.

"You will never stop loving love. I will make you not."

Mas lalong gumulo ang laman ng aking isipan at namula. Anong pinagsasabi nito?!

Binigyang atensyon ko nalang iyong binabasa ko pero hindi talaga ako nakapagfocus.

May pinatong siya na papel sa libro ko. 'alam ko namang gwapo ako
hindi mo na kailangan kiligin'

Kinuha ko ang papel ko at agad na nagsulat. 'Talaga ba? O nagpapahangin ka lang kasi masyado akong hot?' pinatong ko rin iyon sa binabasa niya.

"Gago ka ba?!"

Pinigilan ko ang tawa ko sa naging reaksyon niya. Napagalitan siya ng mga tao sa library at napalabas dahil kanina pa nag-iingay.

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon