Chapter 10

10 6 3
                                    

Days pass so freaking fast and believe me, I tried everything I could for it to feel not. The cold breeze of December never fails to make me feel lonely. Ang lamig lamig palagi at grabi na talaga ang inggit ko doon sa human jacket ewan ewan na ginagawa ng mga napapanood ko sa K-Drama. 

Despite my mother's attitude I still miss her. Not in all K-Dramas I watched I was jealous of people in relationship. I was jealous that they have their mothers to hug them when they feel cold or when they needed care their mothers would be there. 

I called her first thing in the morning. "Ma!" I greeted her with so much energy. "Kamusta po diyan? Baka po sobrang lamig na at ayaw niyo pa po bumili ng mga jacket, ha." pagpapa-alala ko.

Ngumiti siya sa akin. "Ikaw naman, masyado kang nag-aalala sa akin. Kayo ba diyan? Ayos lang?"

Tumango ako. Umalis na si mama para maglinis ng katawan. Humarap naman sa akin si papa. 

"Cye ang maganda naming anak." pangbobola niya, "Masaya ba ang eskwela?"

Nang maalala ang mga pinag-aralan namin ay napa-ngalumbaba ako. "Pa! Alam mo ba ang hirap mag-ABM! " I pouted.

Papa smiled bittersweet. "Pasensya na anak at hindi sapat ang sahod namin kaya si Lyv lang ang napag-aral namin. Alam kong hindi iyan ang gusto mo, pasensya na."

I shook my head. "Pa, kahit naman po ibang strand ang kunin ko po mahihirapan pa rin naman ako't 'di naman po ako kasing talino mo."

Humalakhak si papa, "Ang anak ko, ng bobola pa."

Nakita ko sa background ni papa ang paglabas ni mama. "Ma! Halika po dito." nakita ko siyang nakangiti habang nagcecell phone pero agad din naman tinago ito.

"Ven, hindi mo na kailangan magpaka-tatay sa anak ko." mataray niyang sambit.

Naguguluhan ako sa pinagsasabi ni mama kay papa.

Liningon ni papa si mama, "Ivy, anong problema natin?" malambing niyang sambit.

"Wala na tayong pangbayad ng kuryente!"

"Ivy, ano bang pinagsasabi mo?" humawak si papa sa braso ni Mama. 

Inalis agad niya iyon, "Pinagpapalit mo na pala ako sa boss mo! Purkit siya may pera't ako wala?!!!!" 

Naguguluhan ako sa pinagsasabi nilang dalawa. May kabit ba si papa?

Hinawakan ni papa ang pisngi ni mama, "Hon, hindi ko magagawa iyon."

Mama scoffed, "Talaga lang?!"

Nalimutan siguro nilang katawagan nila ako. I was hurt by what was going on there. "Ma? Pa? Ano pong mayroon?"

Lumingon sila sa akin at agad na lumapit si mama at pinatay ang tawag, hindi sinasagot ang tanong ko.

Inulit-ulit ko sa isipan kung ano nga ba ang mga ibig-sabihin nila. I was walking to my bed and fell on the ground when I realized what was happening. I started sobbing hard and didn't know what to do. There was only one person that came to mind at that time.

"'sup pre?" Agad niyang binawi ang sinabi ng maalala ang goal nilang gawin akong feminine. 

I hicced. "A-alvin.." 

The moment I called his name, he hung up. As I thought, no one would always be there for me. I  shouldn't have called him. I even bothered someone as busy as him. I'm so pathetic, always and forever.

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon