"Ang bahay na walang kasunduan ay isang araw masisira rin."
Parang ganoon ang sinabi sa amin ng pari kanina. Para bang sinasabi na ang walang pagkakasundo ay bound to fail. Ayaw kong isipin na katulad iyon ng kila mama pero hindi pa rin talaga mawala-wala sa isip ko na paano kung ganoon nga talaga ang mangyayari.
Lyviane tapped my back, "Ayos ka lang?"
I looked at her and faked a smile. "Oo naman, noh!" ngumiti rin siya sa akin, "Gusto mo ngayon na tayo mamili ng regalo?"
She tilted her head, "Regalo?"
I bit the inside of my cheeks, napakacute talaga ng kakambal ko. "Oo siszey!" nakita kong papalapit na si Shan, Leo at Yan-yan na may dalang bote ng tubig. "Tara na, bili!"
Namili kami ng kung ano-anong mga regalo namin. Ang mga gantong event ay pinag-iipunan ko talaga. Binilihan ko ng jacket si Alvin dahil napakahangin niya. Bumili naman ako ng pangpinta para kay Clevian at Claire. Habang librong tungkol sa Law naman ang binili ko sa babaeng inlove sa future lawyer.
Binilihan ko naman ng bagong bag si Yan-yan at tag-isang bike kay Shan at Leo. Mahal iyon pero hindi no'n matutumbasan ang pagmamahal ko sa kanila. I also bought some for my elem friends.
Ubos na ubos ang pera ko ng pabagsak akong humiga sa higaan.
Tinignan ko sandali ang phone ko at bumungad sa akin ang mga text ni Jovel, Laurence, at weird text ni Alvin.
Goodmorning ewan ewan lang naman ang sinasabi nila. Itong si Jovel ay puro kalokohan. Pero ang pinakakinagulat ko talaga ay iyong hugot ni Alvin pagkatapos nung usual text niya!
Hindi ko alam kung alam na niya ba na gusto ko siya kaya siya nagiging ganoon.
Nerd @Vins.daPrince
kumain ka na ba?
kasi magagalit ako kapag hindi pa🥺
Napasapo nalang ako sa noo. Okay pa iyong text ni Laurence kasi alam kong niligawan niya ako pero ito?..
Mix signal to sis! Sabi niya ayaw niya daw sa kaibigan kasi eww daw pero ano 'to?!!
Nay! Corny mo, tol!
gagi
wrongsent yan uy
wag assuming
Landi mo sis! Sana mabaog ka para kahit anong landi mo walang tabla!
huwag naman
hindi tayo magkaka-anak sige ka
"Sabi ko nga, hindi na mag-aassume." inis kong pinatay iyong cell phone ko at hindi na nagreply sa gagong yon.
Tumitig ako sa kisame, "Hirap namang hindi umasa."
_______________________________
"Bro! Pahingi naman ng chicks!" sigaw sa akin nitong tarantadong kaibigan ko.
Hindi ko siya pinansin at nagtype na muli ng kung ano para inisin si Cye.
"Babe, hey.." inalog-alog niya ako.
"Look at me, hey." the other woman beside me said.
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...