Chapter 3

17 8 3
                                    

Tapos na ang kanilang bakasyon.
Hindi na naging magkaklase si Yvvaine at Salvin, pero patuloy pa rin ang pagsulpot bigla-biglaan nitong si Salvin.

"Okay class! Choose your partner for your thesis. Aira, list down the names of those who are partners and give it to me." tukoy niya sa presidente ng klase, "That's until tomorrow only. The due date of your thesis is 4 weeks from now, that's all, goodbye!"

We stood up and bowed down before her.

"Wala pang apat na linggo, may thesis na agad!"

"Ayaw ko na maging grade 9!"

Rinig niyang reklamo ng mga kaklase, siya naman ay tahimik lang. Iniisip sino kaya ang pwede niyang maging kapartner. Mahiyain kasi siya lalo na't sa ibang taong hindi niya naman kilala.

Nagbasa nalang siya ng libro niya sa Science. Para manlang may ideya siya tungkol sa gagawing thesis. Nalimutan niya rin naman ang baon kaya wala siyang ibang gagawin ngayong lunch.

"Anong ginagawa mo?" nakangiting tanong ni Salvin.

Muntik na siyang mapatalon sa gulat, "Bigla-bigla ka nalang nasulpot!"

Pinatong nito ang ulo sa balikat niya. "Tara kain tayo sa baba." aya niya.

Bumuntong hininga siya at sinara niya ang libro ng malakas

Tumayo na siya para samahan ito. May dinala siyang bag na maliit, lagayan ito ng pagkain pero dahil nalimot ang pagkain ay pocket books ang laman. Inakbayan siya ni Salvin at naglakad na.

Tinignan niya ito, "Kapag ako binugbog, ikaw may kasalanan."

"Bakit? Ano na naman ba ginawa ko?" tanong nito.

"Aba'y tignan mo oh, ansama ng tingin ng fans mo sa akin." kilala kasi si Salvin sa paaralan nila. Hindi lamang si Salvin, pati sila Claire, Clevian, Hazel, Terrence, Lyv at Aciel. Siya naman ay kilala rin pero sa hindi magandang paraan.

Nakasalubong nila si Aciel at Lyv sa pagbaba. "Sama ka na 'dun muna," tinulak siya nito kila Aciel.

Hindi manlang siya nakatanggi dahil tumakbo na ito palayo.

Ngumiti sa kaniya ang kakambal, "Cye! Tara kain tayo."

"Sabayan mo kami!" dagdag pa ni Aciel.

Lumingon siya sa lalaki, parang may sumiklab na kung ano ng makita pa nitong kinindatan siya. Salvin!

Hindi niya alam ang sasabihin, kaya ngumiti nalang siya at sumama. Naiwan ko 'yong pagkain ko..

Pagka-upo nila sa kung saang kubo ay linabas na ang mga pagkain.

Napatingin si Aciel sa linabas niya, "Asan yung pagkain mo?" libro kasi ito.

Ngumiti siya sa kaniya, "Hmm? Diet ako!" pagsisinungaling nito.

Bumaling nalang si Aciel kay Lyv.

Nagbasa nalang siya ng pocket books niya at inintay silang matapos kumain. Ngunit hindi niya maiwasang mapatingin sa mga pagkain ng mga ito.

"Titig na titig, ah." nagulat siya ng biglang may linapag si Salvin na tray sa tabi niya. "Oh, pagkain mo!"

Kahit gutom ay hindi siya nagpahalata, "Gago, diet ako, no."

Inismiran lang siya nito, "Diet, amp! Aminin mo na kasi na naiwan mo pagkain mo."

Binatukan niya ang lalaki at tinignan ng masama na para bang minumura ito. "Oo na nga."

Kahit gusto niya itong bugbugin ay nasa harap sila ngayon ng crush niya kaya hindi magawa. Siguro ay napansin rin niya ito kaya biglang natawa.

Nagpaalam na ang dalawang magkaibigan kaya sila nalang ang natira sa kubo.

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon