Chapter 14

13 6 3
                                    

"Hah..."

Sabi nila ang noche buena ay oras na magkakainan kayong pamilya ng magkakasama.

Ang mga kapatid ko'y magkakasama sa bahay ni Tita Graciella. Ako lang mag-isa sa bahay namin. Hindi ako gusto kasama ni Tita dahil hindi niya gusto ang itsura ko, kamukhang kamukha ko raw ang ex ni mama. Identical twin kami ni Kye pero mas kamukha ko raw iyong ex ni mama.

"It's okay, Yvvaine. Okay lang yan, para kapag walang makasama katulad mo ay may matatakbuhan sila."

Ayos lang sa akin na maging second option, in that way no one will feel the same feeling I got. Many people now hates being a second option or being used as character developer.

Pero ako? Ayos lang sa akin iyon. But sometimes I want someone to be like that to me too.

I was drowning in my thoughts then suddenly the doorbell rang.

I went there and opened it to know who it was.

The delivery man looks at his phone, "Kay Ms. Yvvaine Cye Dela Cruz-Lopez?"

Napasapo ako sa noo ko, "Ako..." namula ang aking mga pisngi, "Ako po iyon..."

Tinalikuran ako ni kuyang delivery man at may kinuhang... Bouquet ng bulaklak?!

Inabot niya sa akin iyon at tumalikod na muli.

"Kan... Kanino po galing ito?"

"Kay Clarence Lopez po. "

Namula lalo ang aking mga pisngi, pati na rin ang gilid ng aking mata.

I admit, masarap sa pakiramdam kapag ramdam mong first option ka. No- I'm not even an option because I am the only one. Hindi man talaga iyon 'yon, pero ayon ang pakiramdam.

Ang mga luha'y bumuhos. "G-gusto niya rin kaya ako?.."

I wiped my tears off when my phone suddenly rang.

"Umiyak ka?"

Umiling ako, "Hindi, ah!"

"Sinungaling na pala ngayon ang kaibigan ko," tumawa siya.

Kaibigan.. Assuming na naman pala ako.

"Nagkamali lang ng delivery si kuya. Hindi ko kasi napalitan iyong loc. Dalahin mo dito 'yan."

Masama talagang mag-assume!

"Tapos gala tayo! Baka umiyak ka na naman daan." napasapo siya sa noo, "Tawagan mo lang ako kapag malungkot ka- no! Tawagan mo ako kapag masaya ka, galit ka, o kahit kapag malungkot ka! Andito lang ako palagi."

Masakit mag-assume pero paanong hindi ako mag-aassume?! Kasalanan mo 'to Hazel! Kasalanan 'to nung mga K-Drama! Okay pa sana nung wala pa akong alam sa feelings!

"Sige! Wait lang, magbibihis ako!"

"Hehe! Suotin mo yung binili ko sayong magandang evening gown!"

Umirap ako, "Oo na!"

Pinatay ko na ang tawag at kumuha na ng damit. Pagtapos ay umalis na agad ako sa bahay. I just rode a taxi kasi sabi naman niya siya na ang magbabayad ng pamasahe ko papunta roon dahil hindi ko rin naman alam kung saan iyon.

Ibinigay ko lang sa driver ang address at dinala niya ako doon. Halos magtatatlong oras na bago ako nakarating doon.

Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa mataas kaming lugar na may kabigha-bighaning tanawin. Dumagdag pa dito ang ganda ng paglubong ng araw.

Words Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon