Dinala niya ako sa paborito kong lugar. Bilihan ng mga damit!"Alam mo, kaunti nalang mahuhulog na ako sayo!" sigaw ko ng masilayan na ng mga mata ko ang naggagandahang mga damit.
Hawak hawak niya ang mga kamay ko, "Gagi, 'di kita sasaluhin!"
Napailing nalang ako at tuluyan na pumasok sa bilihan.
Tila may kumikinang kinang sa mga mata ko at gustong gusto subukin ang bawat naggagandahang mga damit.
Gustong bilhin ang mga sa tingin ay babagay. Ngunit ng tignan ang presyo, nalugmo ako at naalala ang estado sa buhay. Wala nga pala akong pera.
Hiling ko'y makabili ng mga ganito ngunit h'wag na lamang. "Tara na pala, marami nga pala akong damit."
Tinignan niya lang ako, na para bang nagtatanong ang mga mata.
"Bilihan nalang natin si Yan-yan ng damit, " I forced a smile, "atsaka ng laruan sila Shan."
"Ayaw mo bumili ng damit mo? Diba mahilig ka magstyle-style." kunot noo niyang sabi, "Kung tutuusin para ka ngang model eh!"
"Talaga? Next time na lang, 'pag may pera na. Para mas maganda iyong mabili ko."
"Libre na lang kita?"
"Tama yan, doon nalang tayo--" napapikit ako ng ilang beses, "Libre?!"
"Sabi na eh! Gusto mo no!"
"H-hindi ah,"
Hinigit niya muli ako pabalik sa women's section. "Ako na magbabayad, promise."
"Baka, ginagago mo lang ako ha?"
"Tanga! Ano tingin mo sa akin, gago?"
"Oo!"
"Amp!" tumigil na siya at umupo na lang sa gilid.
Paborito kong magpartner ng iba't ibang damit. Pagkasuot ko ng mga ito ay pinakita ko ito kay Salvin. "Vin, bagay no?" sabi ko sabay ikot, ang flowy skirt ko ay nagpalutang lutang.
"Hindi!" sabi nito sabay lingon sa ibang direksyon.
"Bitter," sabi ko nalang at nagsuot ng ibang mga damit. Nang makapili ako ng mukhang maganda at mura ay dinala ko na ito sa kaniya.
Tinignan iyon ni Salvin at sabi "Sus, ayan lang pala ipapabili, andami pang pinakita sa akin kanina." reklamo nito ng naglalakad na siya papuntang counter dala ang basket na pinaglalagyan ng damit na napili.
"CR lang ako, pumili ka muna ng damit mo," tinapik ko siya sa balikat at pumunta ng restroom. Medyo natagalan pa nga ako dahil marami ang nagc-cr. Pagkabalik ko'y puno na ang push cart niya! Nilipat siguro nito ang mga laman ng basket dito.
"Sandali lang ako nawala, puno na agad yan."
"Hindi naman kasi ko katulad mo na isang oras bago makapili." lumingon siya sa akin at nginitian ako ng ngiti na parang loko-loko.
"Ga-" napahinto ako ng makita ang bata sa unahan ng pila na nakatingin sa amin, "Gwapo mo talaga no," naiirita kong sabi.
Tinawanan niya ako, "Ako pa ba, " napailing-iling nalang ako at nakita ang bata na napatawa. Napangiti tuloy ako ng lubusan.
"Grabing ngiti yan, parang ngayon ko lang ata nakita yan."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Masama bang mahilig ako sa ngiti ng iba?" Tanong ko rito. Palagi kasi ako napapangiti kapag nakikita ko ang ibang taong masaya. Siguro ang babaw ng kaligayahan ko pero doon ako masaya, eh.
Hindi ko namalayan nakatulala pala ako sa pagmumukha nito, "Ayiii, pogi ko ba?"
Napakurap ako ng ilang beses, Ay gago..
BINABASA MO ANG
Words Of The Past
RomancePaniwalang-paniwala si Yvvaine sa pag-ibig. Sayang-saya panoodin ang mga nagmamahalan. Ngunit nagbago iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Gusto mang sumubok umibig ay pinigilan niya ito ng husto. Pinigilan niyang mahalin ang kaibigang si Salvi...