CHAPTER 2

122 64 9
                                    

I was doing my activities here in the garden when I heard someone crying. Out of curiosity tumayo ako para sundan kung saan galing ang iyak na 'yon.

Palakas nang palakas ang iyak, ibig sabihin malapit ko ng mahanap kung sino ang umiiyak, dinala ako ng mga paa ko sa isang kubo. Maraming halaman sa gilid nito pero may daan papasok sa kubo na gawa sa semento.

Dahan-dahan akong naglakad to see who's crying and I was shocked to see Professor Villanueva who's sitting and hugging her self. Nakayuko ito at gumagalaw ang kaniyang mga balikat dahil sa pag iyak.

They are torturing her, those students. I clench my fist nang maalala ang nangyari sa cafeteria, at nang makitang pinagbabato siya ng papel habang nagtuturo at marami pa akong nasaksihan na pangyayari simula noong nandito ako sa university na ito.

Masama parin ang loob ko dahil sa rason niya sa paghalik sakin pero gusto kong mapaalis sa university na 'to ang mga bumabastos sa kaniya.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, nag angat siya ng tingin pero ang umiiyak na propesora kanina ay kumalma at napalitan ng matulis na tingin na iginawad sa akin.

Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ng uniform ko at inabot sa kaniya, "Wipe your tears."

Hindi niya ako pinansin at nagbaba ng tingin sa hawak kong panyo bago ito tumayo at inayos ang sarili.

"Why are you here, Ms. Gonzaga?" she asked coldly and then turned her gaze in different directions.

Umupo ako at sumandal, "I was doing my activities and then I heard you, crying."

Naglakad siya palabas na ng kubo kaya agad akong tumayo para pigilan siya. Kumunot ang kaniyang noo sa ginawa kong pagharang sa harapan niya.

"Just go home, Ms. Gonzaga. It's already 6:30 pm."

"You can open up with me ma'am. Just prefer I'm stranger."

"Open up? I don't trust anyone, please just get out of my sight now." malamig niyang wika.

I stared at her eyes and I can see the sadness and tiredness in her eyes. Kung alam ko lang noong una na ganito pala ang pakikitungo ng ibang studyante sa kaniya ay sana nagbigay ako ng respeto sa kaniya noong unang encounter namin. Pero alam kong tapos na at wala na akong magagawa pa.

Hindi ko pa siya gaanong kilala pero magaling siyang magturo, she's also approachable and a kind person. May pagkamasungit but I know na ganon lang siya upang makitang matapang parin siya sa kabila ng ginagawa sa kaniya.

"You can trust me ma'am, I will never judge you." I chuckled, gusto kong mapagaan ang nararamdaman niya.

She raised her eyebrows at me. "Thanks but no thanks, Ms. Gonzaga."

"Ang sungit." bulong kong wika pero narinig niya dahilan para mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin.

I laughed and just stared at her beautiful face. Her eyes are swollen at namumula rin ang kaniyang ilong but even na ganiyan, she's still beautiful.

Natitigan ko ang kaniyang mukha, ang ganda ganda niya.

Gago, hindi ako makapaniwalang hinalikan ako ng magandang propesora na ito.

"Are you just staring at me forever?" sabi niya na nagpakurap sa akin. "You're wasting my time."

I smiled at her, "I'm not wasting your time ma'am, you can go if you want, but to remind you that no matter what happened, keep going and stay strong."

Hindi naman siya magkwekwento sa akin kaya ganon nalang ang lumabas sa bibig ko. Binigyan ko siya ng madadaanan niya and without words, naglakad na siya paalis sa kubo na 'to.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now