Umupo ako sa tabi ni Carla, kaharap ko lang ang propesora. Dad was already here. Hindi pa ako tumitingin kay proffesor dahil ayaw ko siyang tingnan. Nagugulat pa ako dahil hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito.
Buong akala ko kasi buong Gonzaga lang but I was wrong, may isang Villanueva rito.
Nakahanda na ang buong pagkain, iba ang table ng mga bata naming pinsan, may nagbabantay naman sa kanila kaya walang problema.
“Lead the prayer, Faith.” sabi ni daddy, natawa ang mga pinsan ko. Nainis tuloy ako.
“Ayaw niya tito, palayasin na yan dito.” sabi ni Carla sa tabi ko, natawa ang iba. Akala joke ‘eh.
Tumayo nalang ako at sinimulang magdasal. Pagkatapos, kumain na ang lahat. Napatingin ako kay propesora na kampanteng nakikipag usap sa mga pinsan naming iba.
What the hell is happening? kilala pala nila?
Anong nangyayari?
“Siguro iniisip mo kung paano nila naging close yan ‘no?” bulong ni Carla sa tabi ko.
“Seriously wala kang alam?” sabi ni Kate na nakikinig na pala sa amin.
I nodded, bumulong sa akin si Carla.
“Business partner ng daddy ni Yzza ang dad ng propesora. Nalaman lang din namin noong nakaraan, close na nga sila agad ni Yzza.”
Pinag uusapan lang nila ang propesora noong bagong pasok ko sa university, ngayon, may connection pala ang pamilya nila sa isat isa.
Napatango-tango ako. Pero hindi naman yon ang kailangan kong malaman, ang tanong ko, bakit siya nandito?
“Bakit siya nandito?”
“Maybe business matter kaya inimbita ni tito Ryco.”
I just nodded and smirked.
Nagpatuloy ako sa pagkain at sila-sila lang ang nag uusap tungkol sa business na pinapatakbo nila. Nakakasabay naman ang propesora, lagi kasi siya ang tinatanong tungkol sa daddy niya at kung anong plano ng daddy niya tungkol sa kaniya.
Masyado pang bata ang propesora, hindi ko lang talaga alam kung ilang taon na ito.
“My daughter, Zamantha Faith is a big disappointment in our family.”
I clench my fist because of it. Nakayuko lang ako at hindi na tinuloy ang pagkain. Here we go again, the personality of my own father.
Ramdam ko ang pagtingin ng ibang pinsan, tita at tito ko sa akin.
“I don't think she will become a doctor. Hindi nalang nag tourism. Siya lang naiiba, but what will I do? She's a stubborn.”
“Zack, just trust your daughter.”
“Trust? bata palang ‘yan wala ng pinakitang maganda sa pamilyang ‘to kung hindi puro kahihiyan. She's nothing compare to his brother.”
I lost my appetite. Hindi ako iiyak, sanay na ako kay dad. Palaging may ganitong okasyon, palagi akong pinapahiya. Ano pa nga bang aasahan ko? Wala lang naman ako para sa kaniya.
I excused my self. Nagtungo ako sa pool at hinayaan ang luhang lumalandas sa mata ko. I'm nothing compared to my kuya? ang sarap tumawa. Kuya knows how much I don't want this family, alam niya kung gaano ko kaayaw ang ugali ng tatay namin kaya if nandito lang ‘yon, ipagtatanggol ako.
“You okay?” I heard professor Villanueva. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at humarap sa kaniya.
May hawak itong wine. “Yes, I'm okay, professor.”
YOU ARE READING
Protecting My Professor (Fairfield University -1)
RomanceProfessor Cassandra Stacey Villanueva is a renowned academic who is constantly pursued by misfortune. Despite being intelligent and skilled in her field, Cassandra always seems to be in the wrong place at the wrong time, leading her into various dan...