"Dad, this is my girlfriend. Samantha Faith Gonzaga."
"Take a seat." Malamig na wika ng lalaking nakasalamin sa kabilang dulo, it must be her real father.
Umupo kaming dalawa ni Professor. Malamig ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ko na talaga alam kung bakit napadpad ako sa sitwasyon na ganito.
Nagkatinginan kami ng professor at ngumiti lang ito ng malapad at hinawakan ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. She's trying to calm me down.
"Let's eat first honey." sabi naman ng isang magandang babae sa tabi ng lalaking nakasalamin.
Hawig nito ang professor so it must be her real mother. Walang kupas ang ganda at kagwapuhang taglay nila. Pati ang mga grandparents ng propesora ay parang hindi tumatanda. Sobrang gaganda nila and I couldn't imagine myself meeting her family right now.
Nilagyan ko ng pagkain ang Plato ng professor dahilan para mapangiti ang lola nito. She's just staring at us. Napangiti ako sa kaniya at nilagyan na rin ng tubig ang baso ng professor.
"How sweet you are." sabi ng lola nito
"Oh, yes lola. She's the sweetest."
Tinago ko ang ngiti ko. I glanced at her parents pero wala lang silang ginawa kung hindi kumain. Napatingin rin ako sa ama niyang tatakbo bilang presidente next year. He was so serious eating his food, nagkatinginan pa kaming dalawa kaya napaiwas ako ng tingin. Dumoble kasi ang kaba ko.
"Your father knows about this?"
Napatingin ako sa kaniya. He was looking at me kaya malamang sa akin niya tinatanong 'yon.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya napatingin ako kay Professor. Hindi naman ito nagsalita kaya napatingin nalang ulit ako sa ama niya.
"We will meet him tomorrow, Sir."
"So hindi pa niya alam, hija?" tanong ng real mom niya.
Tumikhim rin ang real father ng professor at ang grandparents naman nito ay nakikinig lang at kumakain ng tahimik.
"Hindi pa po." magalang na saad ko.
"Ilang days or months na ang relationship niyong dalawa?"
Napalunok ako at hindi alam ang isasagot. Good thing, ang propesora na ang sumagot.
"One months and half, dad."
"Really? bakit ngayon mo lang pinakilala?"
"Hindi pa kami ready. Ngayon lang kami nagkaroon ng courage to tell you about this."
Napatango-tango nalang ako at pinilit na kumain kahit na ang totoo niyan ay hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko. Ang awkward kasi. We were just pretending pero bakit parang totoo na kami talaga at nasa legal stage na kaming dalawa?
Ewan ko ba.
"Just eat love." medyo nilakasan pa ni Professor ang pagkasabi no'n.
Hindi na ako nakarinig ng kahit na anong salita dahil tahimik na ang lahat. Sinerve na ang dessert nang magsalita ang real father ni Professor. Ang grandparents ni professor ay hindi lang nagsasalita at pormal na pormal parin silang nakaupo.
Nagpaalam pa muna ang ama ni Professor kaya ang naiwan ay grandparents niya at parents niya.
Hinanap ko rin si Cassy na kapatid ng propesora pero wala siya. Ang bahay na kung nasaan kami ngayon ay pag mamay ari ng real parents niya at ngayon ko lang din nalaman na ang bahay pala na pinaghahatidan ko sa propesora ay bahay ng kaniyang kapatid, pinangalan daw ito ng kanilang ama pero doon raw ito umuuwi.
YOU ARE READING
Protecting My Professor (Fairfield University -1)
RomanceProfessor Cassandra Stacey Villanueva is a renowned academic who is constantly pursued by misfortune. Despite being intelligent and skilled in her field, Cassandra always seems to be in the wrong place at the wrong time, leading her into various dan...