CHAPTER 17

38 17 0
                                    

Hindi naproseso sa utak ko ang mga sagot nito sa aking tanong. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko, kasi ay rason niya lang, 'yon dahil wala siyang masabi.

Nagtungo ito sa dalampasigan, and I saw her playing with the waters. Sinisipa nito ang alon. Natatawa naman ako sa kaniya dahil sa ginagawa niya.

Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan siya ng litrato.

Palubog na ang araw at hinihintay ko lang na ayain ako ng propesora na umuwi, but at the same time, I want to spend all my time with her today.

"May pupuntahan pala ako ngayon, Samantha." Sabi nito at umupo na naman sa tabi ko.

"Ako rin." Pag amin ko naman.

May club kami with my shotties friend. Nangungulit na nga ang mga 'to sa akin, siguraduhin ko daw na makapunta ako.

"Where? Don't tell me, you're going to the bar and make out with that girl," kumunot ang kaniyang noo. "What's her name?"

"Angel Ky Velasquez?" I laughed a little. Nabanggit kasi ni Zeus sa'kin sa bar noon na isang model 'yon, "Of course not, Professor. Ang mga kaibigan ko ang kasama ko mamaya roon sa bar. Ikaw ba?"

Umiwas lang ito ng at marahas na bumuntong hininga na para bang may malaki itong biglaang problema.

"Bar din, and why do you care?"

"With?"

Mas interesado pa akong malaman kung sino ang kasama nito. Bigla kasing pumasok sa utak ko na baka ay 'yong Kael ang kasama nito. Ayoko naman na makasama niya ang lalaking 'yon ngayong gabi.

Bigla ring pumasok sa utak ko na baka ay may mangyari na naman sa kaniyang masama lalo at palagi siyang sinusundan ng kapahamakan.

Pero hahayaan ko ba? Hindi rin naman. Babantayan ko ang propesora ngayon lalo at bar din ang punta nito.

"With Kylie, today is her birthday, and she's invited me. So don't do something stupid, Samantha."

"What do you mean?"

"I said, don't do something stupid or else I will kill you." pagbabanta nito sa akin.

Hindi ko nga alam kung ano ba ang sinasabi niya. Hindi naman ako gagawa ng hindi niya nagugustuhan.

Wag niyang sabihin? Okay, alam ko na ang tinutukoy niya.

"I will behave." napangiti ako sa kaniya, pero ginawaran lamang ako ng masamang tingin.

"Let's make a deal, Samantha." maotoridad nitong saad.

"Anong deal yan? Make sure na magugustuhan ko, Propesora." pambobola ko pa.

Ngumiti ito ng nakakaloko at humarap sa akin at nagkatitigan muna kami bago siya nagsimulang magsalita.

"Huwag ka ng kumilala ng ibang babae mo, because I will be your girl."

My eyes widened. Ano ang sinasabi niya? nalilito ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman.

"Is that a deal?" I asked, hindi ko kasi alam ang dapat sabihin ko dahil nagugulat pa ako.

Namula lamang ang pisngi niya, pero kita doon ang pagkaseryoso.

"I'm not done yet. So okay, I will be your girlfriend for a mean time and you will be my girlfriend for a mean time too. It means, wag ka ng kumilala ng bago dahil nandito na ako at ganoon rin ako. Is that okay?"

Napangiti na ako. Siyempre sino ang hindi aayaw hindi ba? Siya na ang nagsasabi nito.

Umiwas na siya ng tingin sa akin, at kita ko talaga ang namumula niyang pisngi.

"Hanggang kailan 'to?" I asked, but my lips kept suppressing a wide smile.

"Kapag napatunayan ko na sa real father ko na nagpapakatotoo ako sa kaniya."

"Okay, deal. Starting now?"

She nooded. Natawa nalang ako at pinagmasdan ang nahihiya nitong mukha sa akin. Tanggal ang kaniyang angas sa akin, 'eh. Hindi ko nga magawang umamin sa kaniya, pero ganito na ang lumabas sa kaniyang bibig.

"Yeah. Show me who you truly are, Samantha."

"Hinahamon mo talaga ako."

___

Nakita ko agad sila Zeus, Krizza, and Michelle at Aiza's isang table. Napansin naman nila ako at tumayo pa talaga si Michelle upang yakapin ako na akala mo ay miss na miss talaga ako.

"Samantha! Daming nagbago sayo ha?" Usisa agad niya at ang tatlo naman ay nakatingin lamang sa'kin ng nakakaloko.

"Blooming ka yata?" sabi ni Aiza na inismiran ko lamang.

"Mukhang may nagpapangiti na sa Samantha namin ah?" sabi naman ni Zeus sa akin at kinuhanan pa ako ng litrato kaya pinakyuhan ko nalang siya.

"May kasalanan kayo sakin." Sabi ko ng may maalala.

Si Krizza ay alam na ata ang sasabihin ko dahil siya lamang ang unang tumawa sa kanila.

"Sino ang nagbigay ng number ko sa model na iyon?"

Nagtawanan silang lahat na akala ay biro ko lang iyon. Ganito 'tong mga to, kahit sino sino ang nakikilala nila ay dapat kilala ko rin. Binibigay talaga nila sa random na tao ang number ko.

"Baka lang kailangan mo. Hindi ka pa naman nabubuhay ng walang babae," said Zeus.

"Binigyan ka lang namin ng grasya."

"Bakit ka ba nagagalit? Meron ka na bang girlfriend na hindi namin alam?"

Nag iwas ako ng tingin at naalala ang propesora.

Parehas kami ng club na pupuntahan at ang sabi nito sa akin ay mag text siya kapag nandito na, pero wala pa siyang text kaya baka nasa biyahe palang ito.

May kaba lang akong nararamdaman dahil nakasunod talaga sa kaniya ang kapahamakan at sana walang nangyaring masama sa kaniya. Hindi kasi siya pumayag kanina na ako na ang susundo dahil susunduin pa raw nito ang kaibigan niya na propesora rin sa Fairfield University.

"May variety show sa university niyo ha?" sabi ni Zeus na inagaw ang atensyon ko.

"Hindi ko alam. Wala pa namang announcement, saan mo na naman ba nalaman 'yan?"

"Hoy gaga kasali nga ang university namin sa variety show na yan sa university ninyo," sabi naman ni Krizza.

Tumango nalang ako dahil hindi ko pa alam na may gaganaping palang variety show sa university namin.

Marahas akong bumuntong hininga bago inikot ang tingin sa loob ng bar. I'm trying to find Professor Villanueva, but talagang hindi ko pa mahanap ito.

"Si Angel, she's coming to our table." Rinig kong sabi ni Michelle.

Sinundan ko naman ang tinitignan nila at nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae. Siya iyong nakahalikan ko noon dito. Napailing nalang ako at tumungga ng isang basong alak.

"Hello Samantha, I'm glad you came!"

Napapikit ako ng mariin at binalingan ang babae. Hindi ko siya pinansin, pero nakangiti lamang ito sa akin ng malapad.

"Ayain mo nga 'yan sa dance floor."

Pinanlakihan ko ng mata si Zeus, pero wala akong nagawa dahil hinila ako ng babae. Tinanggal ko agad ang mga kamay nito sa siko ko.

"I don't want to dance. just go to the dance floor and enjoy the night," I said seriously.

The girl chuckled. Malandi niyang hinawakan ang bewang ko at ang isang kamay nito ay hinawakan ang panga ko at pinadausdos 'yon sa dibdib ko. Nainis ako sa kaniyang ginawa, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hahablutin ko na sana ang kamay nito, pero nakaramdam ako ng kamay ba bumalot sa baywang ko.

"Back off, she's my girlfriend."

My eyes widened. Gulat din si Angel sa harapan ko. She just shrugged her shoulders. Bago marahas na umalis sa harapan namin.

I glanced at Professor Villanueva, her eyebrows furrowed. Napalunok ako at ngumiti nalang ng tipid.

"You're here," Nauutal kong wika. "How long have you been here?"

"And how long are you with that girl?"

"Hindi matagal, kakarating lang. Huwag ka na magalit, hindi ko ginusto 'yon."

"Samantha, hindi lang ako maaga na pumunta rito tapos aabutin ko 'yon?" she said, crossing her arms over her chest and staring at me like a boss.

Parang may relasyon talaga kami sa akto niya. But then, I remember, she's my girlfriend now for a while.

Ang gulo namin, ang gulo niya rin. Iba ang pinaparamdam niya, tunog totoong nagseselos.

"There's nothing you can worry about. Calm down now, Professor. Ihatid na kita sa table niyo."

"No, I can do it with myself. Just don't do something stupid again, or else I will punish you using my lips, understand?"

"Huh?" Tanging nasagot ko.

"Wala!" sabi nito at nagpapapadyak na umalis sa harapan ko.

Naiwan naman akong tulala dahil sa kaniyang sinabi. Nabibigla ako sa mga lumalabas sa kaniyang bibig ngayon. I sighed deeply, but my heart was beating so fast.

Bumalik ako sa table namin at si Aiza lamang at isang lalaki ang naghahalikan na nadatnan ko.

Ano ba naman 'to.

Uminom nalang ulit ako ng isang baso at pumuntang cr. May nadatnan akong isang babae na naninigarilyo sa labas ng cr at nakasandal sa pader. Matalim ang tingin nito sa akin, pero kalmado lang naman ito.

"May lighter ka?" tanong niya pagkalabas ko, naubos na niya ang isa kanina at ngayon ay sisindi na naman siya.

Umiling ako at lalagpasan na sana siya, pero nagulat nalang ako dahil hinila niya ang kamay ko. Ang sunod niyang ginawa ay kinapa nito ang bulsa ko at ng makompirma na wala akong lighter ay tinulak ako ng mahina.

"Useless." bulong niya

Natawa ako at hindi nalang pinansin. I was about to leave when I saw Professor Villanueva. Nasa likod lang pala namin siya.

Pasulpot-sulpot biglaan, 'eh.

Masama ang kaniyang tingin sa'kin bago ako lagpasan. Pumasok siya ng cr na sinundan ko naman.

"Professor-"

I couldn't finish what I was going to say when she pulled my hand and kissed my lips without saying anything. My eyes widened, and I felt her lips move, but because my mind hadn't processed what she was doing, I didn't kiss her back.

"Damn it, Samantha. I told you not to do something stupid, but you're with another girl again."

"She is not my girl. Let me explain."

"I don't need it, face your punishment."

In an instant, she was kissing me. again. Her intoxicating kiss makes me crazier. Ginantihan ko rin ang mga halik nito, because I couldn't control myself anymore. She wrapped her hands around my neck while I held her waist.

"So this is my punishment?" Paos kong sabi.

"Stop talking,"

She kissed me deeper this time, na ginagantihan ko lang.

Dahil hindi ko na kinakaya ang namamagitan sa aming dalawa ay hindi ko na napigilan ang mga kamay ko na paglakbayin sa tiyan nito. Naka suot lamang ito ng tops. She flinched because of what I did.

Bumaba ang mga labi ko sa kaniyang baba, pababa sa kaniyang leeg, bahagya itong tumingala to give me access. Ang kaniyang mga kamay ay nasa mga buhok ko.

"Fuck Sam,"

"You like it?" Napapaos kong wika sa kaniya.

I didn't wait for her to speak because I kissed her violently again while my hand was traveling on her body while her hands were on my nape. Sumasabay ang mga kamay naming dalawa sa mga labi namin.

Naghiwalay lamang kaming dalawa nang makarinig ng mga boses na papalapit sa amin. Inayos niya lamang ang suot nito at nahihiya na namang nag-iwas ng tingin sa akin.

Inayos ko rin ang magulo ko na ring buhok pagkatapos ay tumingin ako sa kaniya. Namumula ang mga pisngi niya. I smirked. Maingat kong hinawakan ang mga kamay niya.

"Ihatid na kita sa table niyo, sasabay ako sa'yo pauwi, Professor."

Her forehead knotted. "How about your car?"

"Ipapagamit ko sa mga kaibigan ko. Sa bahay ninyo ako matutulog ngayon. Hindi rin ako matatahimik kapag hindi ka kasama ngayong gabi."

"Tomorrow is Monday, Samantha. May pasok ka bukas kaya matutulog ka sa inyo ngayon. Don't worry about me, I'm safe."

Hindi na ako nakapagsalita nang may pumasok. Nauna na ring umalis sa harapan ko ang propesora, kaya sinundan ko ito, pero nang makitang bumalik na siya sa kanilang table ay bumalik na rin ako sa mga kaibigan ko.

Buo na ulit ang mga kaibigan ko at may tama na ng alak ang dalawa. Matino pa rin naman si Aiza at Zeus.

"May girlfriend ka raw, bakit hindi mo sinasabi sa amin?"

I bit my lower lip. "Dapat bang sabihin sa inyo?"

"Oo! Kaibigan mo kami, dapat alam namin 'no!" Aiza rolled her eyes.

Ang dalawang lasing ay nakatulog na kaya kami nalang tatlo ang nag uusap ngayon. Hindi na rin ako magtataka kung saan nila nalaman. Si Angel lamang ang may alam, kaya for sure ay sa kaniya nila nalaman.

"Who's that girl anyway? She caught my attention, she's familiar." Nag isip pa si Zeus ng malalim.

"That girl, I knew it! She's Professor Cassandra Stacey Villanueva, right?" sabi nito at malapad na ang mga ngiti niya.

Nagulat si Aiza, kaya napatayo pa ito at tumabi sa akin. "I saw her on the TV last time. You're so lucky, Samantha!"

"Siya yata ang suwerte sa akin." I laughed a little, pero hinampas lamang ako ni Aiza sa balikat.

Zeus just laughed, "Pakilala mo naman kami, kaibigan mo naman kami 'eh. Sige na!"

"Zeus, not now. Busy pa 'yon sa table nila."

Napasimangot ang dalawa. I just shrugged my shoulders. Bago tumungga ng isang baso, nanuot 'yon sa lalamunan ko.

Tumayo si Aiza nang may tumawag sa kaniya, sumunod naman na tumayo si Zeus, he smirked at me.

"Iuwi mo na ang mga 'yan,"

"What? Are you crazy?"

"Sige na, Sam. Alam mo namang kailangan kong madiligan ngayon, and for sure, sasama na si Aiza sa mga kaibigan niya."

Marahas akong bumuntong hininga at hinayaan na lamang siyang umalis. May mga kaibigan talaga tayong ganito'eh. Paano ko naman sila ilalabas sa bar na 'to ang mga kaibigan ko?

Ugh, so annoying!

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now