CHAPTER 8

70 38 0
                                    

Sinundan ko lang siya habang pumipili ng isang pares na damit at swim suit. Wala akong ibang masabi kundi, ang ganda ng propesora. I love praising her, she's adorable and perfect.

"How old are you?" I asked her, sobrang bata pa kasi nito.

"24, why?"

"You looked like at my age."

Tinaasan lang ako ng kilay at pumili na ng damit. Gusto niya kasi ito maligo pero wala kaming dala kaya heto siya at namimili. Mabuti nalang at may nagbebenta rito.

Sumunod lang ako ng sumunod sa kaniya at hindi ko na napansin ang oras. May sunset na at nakikita ko rito sa loob ng store ang magandang dagat at ang kulay kahel sa langit.

"Hindi ka ba maliligo?"

Napatingin ako sa propesora at napailing. Tumango nalang ito bago nagbayad na. Pagkatapos no'n ay lumabas na rin kaming dalawa.

"Samahan na kita sa cr." sabi ko rito

"No na, thank you."

Napangiti ako dahil sa pagka conyo niya. Nagtungo siya sa cr at ako naman ay naupo na sa buhangin. Kinuhanan ko ng litrato ang dagat at ang kulay kahel na langit and I posted it on my Instagram account.

Nag grab rin muna ako ng pagkain na malapit lang rito, pang dinner namin.

"Hey," Rinig ko ang boses ng propesora.

Napalingon ako at gano'n nalang ang paglunok ko ng makita ang magandang kurba ng kaniyang katawan. She's perfectly indeed. Nasa kaniya na talaga ang lahat. Naka swim suit na kasi ito at wala siyang pang cover.

I looked at her eyes but the professor just smiled at me showing her dimple and how pretty she is.

Nakukuha ako sa kaniyang magandang ngiti. GODNESS !!

"You know how to swim?"

She nodded, "Yes, dad taught me how to swim."

Nilagay niya ang mga gamit niya sa tabi ko bago na ito naglakad palayo sa akin. Lumingon pa siya kaya nagtama ulit ang mga mga mata namin.

"Kuhanan mo ako ng pictures."

"Huh?"

"Take a pictures."

Mabilis kong binuksan ang cellphone ko at lumapit sa propesora. Ngumiti ako sa kaniya nang makitang nag pose na ito.

"Face the sea." sabi ko na agad namang sinunod.

Paiba-iba siya ng pose at madami akong litratong nakuha sa kaniya. I love taking pictures but now, gusto ko nalang maging photographer at siya ang model ko. She's killing 'eh.

The way she smile, and the way she faced in a different direction, and the way na kung paano siya mag pose. She hits different.

"Ipapasa ko nalang sa'yo mamaya." sabi ko nang matapos na.

Nagsimula na itong lumangoy at sakto namang dumating ang pagkain namin kaya ayon muna ang inatupag ko.

Madilim na ang paligid at wala na ring gaanong tao. Sa pyesto namin ngayon ay kami lang ang tao pero sa kalayuan may mga tao, they are enjoying the night with this ocean.

Napatingin ako sa banda ng propesora at nakita na itong tumigil na sa paglangoy. Naglakad na rin siya palapit sa akin.

"Oh, nag order ka?"

"Yeah." sabi ko.

Binigay ko sa kaniya ang towel na kinuha ko sa sasakyan ko, agad naman niyang kinuha at binalot sa katawan.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now